DIY Project: Twig Vase

 

Kasama ko si Sang kahapon nang mamulot kami ng mga tuyong sanga ng punong mangga ko sa likod ng bahay. Mga tuyong sanga hindi para panggatong namin kundi para gawin TWIG VASE.

Nanggaling ang idea na ‘to mula sa gandalicious kong lola na si Martha Stewart. Doon sa site nya…medyo malaki ang twig vase nya dun. Gusto ko naman eh maliit lang.

twig vase

Wala akong pruning scissors kaya hindi pantay-pantay ang mga twigs ketch. Pinagbali-bali ko na lang ang mga sanga tutal gaya ni Mamaru…siya ay marupok lamang. 😀

twigs9twigs8

Malaking lata ng sardinas ang gamit ko dito. Kung wala kayong lata ng sardinas, pwes mag ulam kayo mamaya ng sardinas. Hehe!

Tsaka sa tulong ng dalawang rubber band, pinaikutan ko ng mga twigs ang lata hanggang sa hindi na sya ma-sight.

twigs7twigs6

Buti na lang at may naitago akong mga Raffia para pangtali. At sa papamagitan ng laway at kaning-lamig glue gun ay naidikit ko ang 3 flowerettes ko.

twig vase

Weeeeeee! Nang matapos, hindi ko malaman kung saan ko sya ipu-pwesto.

Kung DITO ba. . .

twig vase

O DITO. . .

twig vase

Aktwali, pinang-centerpiece ko siya sa dining table namin.

 

 

 

oOo

One thought on “DIY Project: Twig Vase

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *