Kakatamad Na Sabado

Bukod sa tinatamad, emo-mode ako ngayon. Di ko alam kung ano o saan galing ang pinaghuhugutan ng malamyang pakiramdam kong ‘to.

  1. Hindi kaya dala lang ‘to sa ayaw paawat at rumaragasang pagtulo ng sipon ko? Kahit sinuksukan ko na ng tisyu ang dalawang butas ng ilong ko? Feel na feel ko pati ang mga namumuong   plema sa lalamunan ko. Pero hindi ko sya iniluluwa. Tinatamad ako eh. Kaya tuloy feeling-busog na busog ako ngayon – sa kalululon. Yak. Hehe.
  2. Hindi kaya dismayado lang din ako dahil sa pangyayaring hindi ko inaasahan ngayon hapon? Sandamakmak na beddings ang nilabhan ko kaninang madaling-araw.  Nahirapan ako sa pagsampay sa dami. Tapos kung kelan patuyo na sya eh nabasa ulit sya ng ulan. Hindi ko naisilong. Ang dahilan? Nakatulog ako. ‘Kingina talaga! Ayan! Sabi ng wag matutulog eh. Sinabihan ko na sarili ko, pasasaan ba’t pag natigok ako eh makakatulog din ako – ng tuloy-tuloy. 😛

Sinubukan kong daanin ang lahat sa pag inom ng isang tabo ng kapeng barako. Shet! Pati kapeng barako ko ay parang ayaw sumipa ang birtud ng lasa para mapasigla ako. Nananawa na rin yata ang dila ko sa cheapipay na kape at naghahanap na ng ibang lasa, siguro gusto eh yung medyo mamahaling kape naman daw. Charot!

Pati pagligo, tinamad ako. Buti pa ang aso ko, bagong paligo. Kaya siguro ayaw nya lumapit sa akin. Isip-sip nya, amoy-aso ako sa hindi ko pagligo kaya dedma. Shet sha.

Hays…sana Linggo na agad.

oOo

2 thoughts on “Kakatamad Na Sabado

  1. hmmm nung nabasa q 2 ay super nkarelate aq :(((
    alam mo qng bk8?

    kc pagweekend asa bahay lang ako ala kc pasok ala magawa ayon higa d2 nuod d2 hahaahaha:))

    kasawa ::>as of now me sipon din aq at graveh inferness maga na ang ilong ng lola nio sa kasisinghot >>: ahahaah kaazar nga ee

    un lng at sana mwala na ung sipon mo >.:chose”

    GODBLESS YOU ALL ingats muaaaaaahhhhhh more powers

    boom??????:::::::::::::::::

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *