SMS Jokes 2011-245

**Courtesy of Mike

  • Paano kung naka-recieve ka ng ganitong excuse letter:
    Dear Teacheret,
    Kamustasa kalabasa,
    Keri ka lang ba?
    Bet kong italak sayiz na wit makakajosok sa skulambang si junakis ngayonchi.
    Rarampa kase aketch at bet kong kajoinforce si bebemon… Ispluk ng junakis ketch na may periodical examinelya silachina. Sana’y givlakan mo ng bonggeysyus na espesyalinda examinelya.

    Trulalu,
    Mudang Chenez
  • ADVISORY:
    Please check your earphones regularly…
    .
    .
    BAKA MAY TUTULI, EH!
  • “Kung ang ‘sigaw ‘ ay ‘shout sa Ingles, ano naman sa Tagalog ang ‘whisper?'”
    The contestant answered, “Napkin!”
  • TANONG: Lugar kung saan ka malayang magbigay na concert
    SAGOT: Banyo!
  • Pag may problema ka, wag kang mag suicide! Isipin mo…
    Kabaong – 80,000
    Burol – 20,000
    Libing – 25,000
    Kape’t tinapay – 3,500
    Sitserya – 6,000
    at higit sa lahat, yung mga taong may trabaho, naiistorbo mo pa!
    Kaya pag may problema ka, text mo ko..
    THE BAR – 75.00
    NESTEA – 10.00
    YELO – 5.00
    BOY BAWANG – 10.00
    Yun 100 PESOS LANG! Nakamura ka na, may JOKER ka pang kasama.
  • DOCTOR: Mula ngayun ang pwede mo lang kainin ay mga hayop na lumalangoy.
    …1week later….
    DOCTOR: Nasan si Juan?
    MAID: Nasa pool po, tinuturuang lumangoy yung baboy!
  • TANONG: Bakit ang utak nasa ulo at ang puso ay nasa dibdib?
    SAGOT: Simple lang…panget kasi tingnan pag inlove ka tapos tumitibok ang noo mo at kapag nagiisip ka hinihimas mo dede mo.
  • Mga Kasabihan
    “Kapag maiksi ang kumot, panyo yan.”
    “Papunta kapa lang, late ka na.”
    “Ang naglalakad ng matulin, natatae.”
    “Laging nasa huli ang taba ng barbecue.”
  • Isang gabi, may lalaking nasiraan ng kotse sa isang liblib na bayan. Sa tapat ng sementeryo may puno ng balete.
    May lumapit na matandang may ibinibentang isang libro sa halagang P2,000…
    Namahalan sya pero napilitan syang bilhin dahil sa takot.
    Sabi ng mtanda, “Wag mong titingnan ang huling pahina kundi magsisisi ka!” Tapos nawala ang matanda! Umandar ang kotse. Sa bahay di sya makatulog.
    Kinuha ang libro, at tiningnan ang huling pahina.
    Nakasulat: NATIONAL BOOKSTORE P29.50
  • Today’s Banat:
    “Kung ganda lang din habol mo sa kanya, siguraduhin mong gwapo ka.”

 

 

oOo

“Hindi porke’t nasa isang relasyon ka, eh MASAYA ka na.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.