Why Parents Should Teach Their Kids Filipino

Salamat at nai-share ang link na ‘to ni Kengkay sa Facebook. Pak na pak, agree na agree ako sa author, Audrey Tan-Zubiri (wife of Miguel Zubiri).

Why parents should teach their kids Filipino

We are Filipinos living in the Philippines. Not being able to speak our mother tongue, or at the very least giving it the appreciation and respect it deserves, is like a slap on our country’s face. And sadly, not by someone who comes from distant shores but by someone who should be the first to love it.

Read the whole article: http://lifestyle.inquirer.net/16833/why-parents-should-teach-their-kids-filipino

Walang masama ang kausapin o turuan ng wikang English ang mga anak natin. Ang hindi maganda ay yung kinakalimutan yung pagtuturo o kausapin ang bata sa Filipino language para naman maging maalam.

May kilala akong mga parents, pinaparusahan ang mga anak pag sumasagot sa kanila ng hindi English. Pinapagalitan ang mga katulong o mga julalay pag kinakausap ang mga alaga nila ng Tagalog. Andun pa nga na hindi pinapayagan lumabas ang mga anak ng bahay kasi baka daw matuto ng Tagalog sa mga kalaro.

Totoo, nakakatuwang pakinggan ang mga bagets na fluent sa English at oo, may mga advantage din naman talaga pag marunong mag-ingles ang junanak. Kaso ang hindi ko talaga maintindihan ay yung paglimot o hindi pagturo ng fluent Tagalog at the same time.

Hmmmn…ano yun? Para mas sosyal ang arrive pag english-spokening ang bagets?

Eto pa, may mga trying-hard pa na mga parents. Minsan sa boarding house na tinutuluyan ko noon sa Sta. Ana, narinig ko kapitbahay namin nagtatalak sa anak nya na english-speaking daw

“I told yo nat to do dat, but yo do dat! Gago! #$%@*!!”

Hehe! Sabay mura.

Kapa-patawad pa siguro kung ang isa sa mga magulang (ang nanay o tatay) ay isang porener kaya hindi deretsong makapag-tagalog ang anak. Pero kung parehong PINOY din naman ang parents, tapos wa-knows mag-salita ng Tagalog ang bagets…ano ba gusto nilang palabasin nun? Di ko talaga ma-gets.

Tama ang author…isipin mo na lang kung may isang French woman sa Paris pero wit-knows magsalita ng French. May isang native citizen sa Spain pero tanga naman kung magsalita ng Spanish. So parang engot lang sila, katawa-tawa, di va? At halimbawa ang anak mong true-blooded Pinoy na andito sa Pinas, pero hindi naman marunong mag-tagalog. Mas kalurkey yun ng severe!

Parang ang sarap magtanong ng: “kinakahiya mo ba ang lengwahe natin na mga Pinoy at ayaw mo matutunan yun ng anak mo?”

Yung mga nasa abroad naman, kahit ano pa ang magiging citizenship ng Pinoy sa labas ng Pilipinas…hindi maitatago na lahing-Pinoy pa rin ang pinanggalingan. Kaya sana mag-eport man lang na matuto ng Tagalog ang mga anakis, di ba?

Kaya KUDOS sa mga magulang na ipinanganak at pinalaki ang mga anak sa abroad pero hindi kinakalimutan na turuan na mag-Tagalog. Bow na bow talaga ako.

At kung bisaya, ilokano, kapampangan, waray, o ilonggo ang pinanggalingan at naninirahan na sa abroad, abah! mas kahanga-hanga kung naituturo din yun sa mga anak.

Ah basta! I’m proud na kahit sa Samar ako ipinanganak, Tagalog kung kausapin kami ng parents namin noon. Kaya naman mataas grades ko sa Filipino subject namin. Sisiw kumbaga. Chos! Alam ko siempre paano magsalita ng Waray, Bisaya, at Maranao. At nakakaintindi din po ako ng Ilonggo dahil sa kapapakinig ng drama noon sa radio. 😀

Dito sa bahay…ang doggie lang namin na si Sang ang kinakausap namin ng English. 😀 Sit! Roll! Jump! Come! Ganun lang. Hehe!

 

 

oOo

“Ang hindi marunong magmahal ng sariling wika …ay bulag, pipi at bingi.”