Sew Happy 5 – (DIY: Grocery Bag Holder)

Naglamyerda ako kagabi sa cyberspace kasama si bespren Google at na-sight ko ang step by step Grocery Bag Holder tutorial na itetch DITO.

Grocery Bag Holder

‘Kako gusto ko magkaroon nito kasi kelangan ko ng organizer para sa malalaking reusable grocery bags na madalas ginagamit ko pambalot ng basura namin.

 

Grocery Bag Holder

Hugot-hugot lang ng plastic sa butas sa ilalim ang drama ng holder na ‘to. Iniisip ko nga, gawa kaya ako ng isa pa. Para lagayan o organizer naman ng mga SALAFI ko? Charot!

Hays…ang saya siguro no? Kumbaga, huhugot-hugutin ko lang ang nakausling pera sa ilalim. Olats sa astig ang tunay na ATM ?! Kaso dapat paper money lang ang ilalagay. Eh panu naman yun, puro baryabols lang ang mga SALAFI ni Mamaru. :(

Heniweys, bago ko ang inihimlay sa malembot na papag ang mala-josa kong pangangatawan para ipahinga kagabi (Hihihi!), kinalap ko muna ang mga reta-retaso kong tela at pinagtagpi-tagpi.

retasong tela

Kagabi ko na rin ‘to tinahi. Siempre sinundan ko ang tutorial.

Grocery Bag Holder

Medyo malaki tingnan sa piktyur pero may haba na 20 inches lang ang holder na ‘to.

Grocery Bag Holder

Taaa daa!

Me super-likey this project! Haylabit! :D

 

oOo

“Hindi ka nasaktan dahil manhid siya.. nasasaktan ka dahil UMASA KA.”

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge