DIY Xmas Project: Tree Cones

Hayaan nyo lang muna ako sa pagpapatuloy ko ng pagpapakita ng ibang talento ko sa kaartehan. Talent portion muna tayo, mga teh. Tsaka na ang Q and A portion. Chos!

DIY christmas tree cones

Na-inspire ako gumawa ng Christmas Tree Cones na ‘to mula DITO.

Maraming iba’t ibang ideya sa paggawa ng xmas tree cones ang nakita ko sa internet. Maraming magaganda pero hindi ko sinunod ang mga style nila dahil gusto ko i-utilize ang kung anong gamit lang meron ako dito sa bahay. Tumo todo-iwas kasi ang Mamaru sa dagdag na gastos.

 

christmas tree cones

Kaya pati GLUE ko nga ay homemade din. Haha! Sa paggawa ng glue, kelangan mo lang paghaluin ang all-purpose flour, sugar, vinegar at tubig siempre.

 

christmas tree cone

Dito sa mga tree cones ko, mula lang sa mga naipon sa mahabang panahon na mga ribbons, seqince, glitters at sinamay ang ginamit ko.

 

oOo

“Ano nga ba ang pakiramdam ng mga walang pakiramdam?”

DIY Xmas Project: Twigs Snowflake

Wa aketch pakels kung October pa lang. Basta nag umpisa na akong maglagay dito sa haybols namin ng dekorasyon pang-Pasko.

Dati hinihintay ko muna matapos ang Araw ng mga Patay bago ilabas ang mga dekorasyon ko. Pero dis year, ewan ko ba kung bakit parang atat na atat akong maglagay ng mga palamuti.

Well, ako na rin sumagot sa katanungan ko…ang trulalu ay wala akong budget para pambili ng BAGO o pandagdag na mga Xmas decors. Kaya inagahan ko na ang pag-iisip ng mga ideya pang-dekorasyon para magawan ko ng paraan na hindi na kelangan gumastos pa ng malaki.

 

twigs and pop sticks snowflakes

Dis year, gusto ko maging medyo rustic ang theme ng Xmas Tree namin. Charot! Gusto ko simple lang.

 

xmas tree

Noong weekend ay inilabas at nilinis ko na nga ang hand-me-down na Xmas Tree namin.

 

craft box

Inilabas ko na rin ang craft box ko na ang bihira kong makita na naging maayos ang laman.

 

twigs

Nag umpisa lang naman akong maghakot ng mga tuyong sanga galing sa likod ng bahay namin noong weekend. Wala akong pruning scissors kaya pliers na pang wire ang ginamit ko pang-cut ng mga twigs. Hehe.

Ang gagawin ko? Snowflakes out of twigs.

 

snowflake out of twigs

Siempre sa tulong ng glue gun, bumuo ako ng snowflakes kuno.

 

pop sticks

Hmmmmn…tsaka nagdagdag na rin ako ng mga pop sticks at ipinormang asterisk. Wala lang. Dagdag-pampasikip din ‘to sa puno noh! Hindi ko alam kung bakit meron akong isang pack ng pop sticks sa craft box ko. Howel, ang importante ay napakinabangan ko.

Luma na ang mga Xmas balls ko. Medyo malayo pa naman ang December kaya marami pa akong araw para dagdagan ang mga palamuti ko.

 

snowflake out of twigs

Ayan!  Bukod sa mga glue sticks, wala pa akong nagagastos na malaki sa mga dekorasyon ko kaya hindi pa nababawasan ang mga tinatago kong milyones na salafi. Kainis!

 

oOo

“Isusulat ko sa maraming bato na MAHAL KITA! Tapos ibabato ko sa ‘yo para malaman mo kung gaano kasakit na mahalin ka!”

SMS Jokes 2011-249

GMA : “May sakit ako at magpapagamot ako sa America, wag na wag mo ibenta ang lupa sa tapat natin.”
FG : “Hon,hindi naman sa atin ang lupa dyan sa tapat natin ah.”
GMA : “Kaya nga wag mo ibenta. Tanga, bobo, gago! Yung Helicopters nga di atin, ibinenta mo, itong lupa pa sa tapat pa natin?”

  •  

May dalawang lalaki sabay nag jogging:
GUY 1: "Pare, doctor ako. Kaya ako tumatakbo kasi HEALTH conscious ako! Ikaw pre?"
GUY 2: "Snatcher pre! WEALTH conscious ako."

KID: "Yaya look, boats!"
YAYA: "Dows are not boats, dey’re yachts."
KID: "Yaya, spell yachts?"
YAYA: "Yor rayt, dey are boats."

PEDRO: "Sikat na talaga si Pacquiao."
JUAN: "Bakit naman?"
PEDRO: "Bumili kasi ako ng bagong fone, may option na send to many."
JUAN: "Ang tanga nito, matagal na kaya yan. Hindi naman nagrereply yan eh."

Narinig ko sa balita na parte daw ng HR bill ay SEX EDUCATION…
Ang tanong…
Payag ba kayo na magkaroon ng PRACTICUM sa SEX EDUCATION?

Continue reading