DIY Xmas Project: Tree Cones

Hayaan nyo lang muna ako sa pagpapatuloy ko ng pagpapakita ng ibang talento ko sa kaartehan. Talent portion muna tayo, mga teh. Tsaka na ang Q and A portion. Chos!

DIY christmas tree cones

Na-inspire ako gumawa ng Christmas Tree Cones na to mula DITO.

Maraming ibat ibang ideya sa paggawa ng xmas tree cones ang nakita ko sa internet. Maraming magaganda pero hindi ko sinunod ang mga style nila dahil gusto ko i-utilize ang kung anong gamit lang meron ako dito sa bahay. Tumo todo-iwas kasi ang Mamaru sa dagdag na gastos.

 

christmas tree cones

Kaya pati GLUE ko nga ay homemade din. Haha! Sa paggawa ng glue, kelangan mo lang paghaluin ang all-purpose flour, sugar, vinegar at tubig siempre.

 

christmas tree cone

Dito sa mga tree cones ko, mula lang sa mga naipon sa mahabang panahon na mga ribbons, seqince, glitters at sinamay ang ginamit ko.

 

oOo

Ano nga ba ang pakiramdam ng mga walang pakiramdam?

3 thoughts on “DIY Xmas Project: Tree Cones

  1. Hello,

    Puede malaman kung paano gawin ung mismong cone? Gusto ko rin gumawa ng ganitong kapayat na cone. Kaya lang ung nakikita kong instructions half-circle ang gamit kaya ang lapad ng ibaba.

    Thanks in advance!

    Best regards,
    Ellie

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    @Ellie, hello!

    Alam mo, i-adjust mo na lang sya at gamitan mo ng scotch tape kung ano man ang naaayon sa gusto mong size. Oo nga parang ang lapad sa may ibaba pag yung sa source ko mismo ang susundan. Gusto ko rin kasi yung payatot lang para hindi magastos sa glitters o ano man na palamuti.

    Again, adjust-adjust mo na lang, ateng. 😀

    [Reply]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.