DIY Xmas Project: Chair Decor

Tuloy pa rin ako sa paggawa ng mga anik-anik na dekorasyon pang-Krismas kahit mahigit 70 days pa bago ang araw ng Pasko.

christmas chair decor

At ang latest kong pinagdiskitahan ay ang mga dining chair namin.

Eto ay gawa lang sa kung ano ang mahalungkat ko mula sa craft box ko. (Ako po ang mahiwagang anino na nakikita diyan sa christmas ball na naka hubo’t hubad. Chos.)

 

christmas chair decor

As usual siempre, bago ang lahat, kelangan i-ispluk ko muna ang walang kamatayan kong punchline kong ‘to na punong-puno ng ka-echosan:

…Gamit ang alindog,  pagiging bata at sariwa, angking ganda at malikhaing-isip, ay nakapagbuo si Mamaru ng anim na pirasong palamuti para sa dining chair namin.

Nga pala, ako rin ang nagtahi ng table runner namin diyan sa pic. (Eh ano ngayon?)

 

DSC04765

Ang mga chair decor ko na ‘to ay gawa galing sa mga nalaglag na tangkay ng puno ng niyog namin…

 

DSC04766

Mga naitagong sinamay tuwing pinapadalhan ako ni Kups ng flowers noon at mga lumang Christmas balls.

 

DSC04771

Ganito lang kasimple ang gusto ko noong una. Kaso parang ang lungkot ng porma nya. Sabi ni Ziah eh mas OK daw tingnan kung idikit ko ang mga tangkay sa sinamay. Since easy girl ako, um-agree na rin ako sa bagets ko.

 

christmas chair decor christmas chair decor

Hmmn. . .pwede na.

 

oOo

“Nasa huli ang pag-sisisi! Pero try mo rin mag-sisi sa umpisa. Para maiba lang.”

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *