Isyu Noon, Isyu Pa Rin Ngayon

aquino-marcos-1-298x224

Aquino: No state honors for Marcos

President Benigno Aquino (left) says there will be no state funeral or any kind of state honors for the late Ferdinand Marcos whose remains lie in an airconditioned glass case in Batac, Ilocos Norte. PHOTOS BY EDWIN BACASMAS, INQUIRER AND AP

Read more: http://newsinfo.inquirer.net/74981/aquino-no-state-honors-for-marcos-2

 

Hindi ko masisisi ang pamilyang Marcos kung dismayado to the max ang angkan nila sa sinabi na ‘to ni PNoy.

Aba, halimbawa, kung ikaw ba naman ang paasahin ng paasahain ng nililigawan mong girl tapos sa kadulu-duluhan eh BASTED ka lang naman pala. Pustahan tayo, makakapag-mura ka siguro! Hehe!

Hindi ako maka-Marcos kahit na Martial Law baby ako at kahit aminado na pro-Marcos ang mga late parents ko. Parehong mga school teacher si Fadir at si Madir at hindi sikreto na alaga ni Marcos ang mga titser noon kaya no wonder mga pro-Marcos ang mga olds ko. Bukod pa yun sa fan talaga si Fadir sa katalinuhan ni Macoy. Kasi sabi ni Daddy ko (Daddy daw o!) si Macoy lang daw ang presidente na ni minsan ay hindi nya nakitaang may binabasa pag nag i-speech. At trulili yun.

More than 20 years ng dedo si Marcos. Josko, at hindi pa rin naililibing ng maayos si Apo ng Ilocos.

Eto, ang opinyon ko lang sa isyu na to ha?

Kung payag naman ang mga kamag-anak ni Macoy na sa Ilocos na lang ilibing si Apo nila, bakit hindi na lang sila pagbigyan dun sa rekwest na bigyan ng full military honors o state honors yung patay? Eh kasi para matapos na! Para SHATAP na lahat. At mag MOVE ON na tayo…plis.

Mas kalurkey isipin na binigyan pa ng full military honors at mas pinayagan pang ilibing sa mga Libingan ng mga Bayani yung isang duwag na Heneral na nag-suysayd kamakailan lang, na alam naman natin na nakipag-sabwatan din yun sa kawalanghiyaan doon sa dating babaeng presidente natin. Kabayanihan bang matatawag yun? Ganun?

Oo, andun na ako…maraming naapi at naagrabyado si Apo nung rehimen nya. Pero siguro naman…hindi naman lahat ay puro kasamaan ang nangyari. Eh bakit ba yung kasamaan lang ang tinatandaan at hindi ang mga kabutihan na nagawa nya noon.

Masama man o may mabuti man sya nagawa, nag iwan pa rin si Apo sa atin ng isang hindi natin makakalimutan – yun ay ang Lechon LEKSYON. Hindi ba dapat kahit papano ay i-recognize din natin sya dun sa mga LEKSYON na natutunan natin sa pamumuno nya? Kung tutuusin nga, kahit papano ay  nakilala at hinangaan tayo ng ibang bansa nang dahil sa pag-aalburuto natin sa kanya noon. EDSA Revolution, hello!

Oo, siguro nga naging masama si Apo. At hindi dapat gino-glorify ang kasamaan. Pero sus mariano garapon! Tapos na yun! Magpatawad na po tayo. Alang-alang man lang sa kapayapaan di ba? Tsaka, akala ko ba kristiyano ang bansang Pilipinas? Hindi ba ang tunay na kristiyano ay mapagpatawad? At ano ba sabi ni Papa Lord sa pagpapatawad?

Matthew 18:21-22
    Then Peter came to Jesus and asked, "Lord, how many times shall I forgive my brother when he sins against me? Up to seven times?" Jesus answered, "I tell you, not seven times, but seventy-seven times. (NIV)

O ha! May Bible verse pa akong nalalaman noh. Malandi, maharot at marupok akong babae, pero kahit papano may naiintindihan ako ng tungkol sa God’s word. Charot! Nagbabasa din po ako ng Bibliya noon pero wit ko naman kini-claim na banal aketch.

Mabalik tayo sa pagpapatawad.

Bakit ba ang hirap natin makapagpatawad? Sabi nga ni Lord, obligasyon natin ang magpatawad. Sundin natin. Humingi man o hindi ng kapatawaran yung nagkasala…dapat otomatik na nagpapatawad tayo hindi lang one time, two times, three times but ALL the time.

Eh paano na yung mga atraso sa atin ng mga nagkasala? Kakalimutan na lang? Hindi ba natin sila pagbabayarin? Eh di ba sabi ni Lord, “Basta magpatawad ka. Pumirmis ka lang diyan at ako na ang bahala”. Chos.

Seryoso, para sa akin…sana pagbigyan na lang yung rekwest ng mga Marcos at magkapatawaran na. Kakaumay na kasi isyu na ‘to sa totoo lang. But since nagbigay na ng final stand nya si PNoy…asahan na lang natin na sa susunod na administrasyon after PNoy…susulpot na naman ang isyu na ‘to. Kaya bomalabs pa talaga ang katahimikan natin sa isyu na ‘to.

Hays…kelan ba tayo mag mo-move on? Kelan ba natin isara ang mga dapat isara na nang maka-abante na tayo?

 

oOo

“We forgive out of obedience to the Lord. It is a choice, a decision we make. However, as we do this "forgiving," we discover the command is in place for our own good, and we receive the reward of our forgiveness—freedom.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.