Havey Na Waley

Ang Goldilocks Ube Siopao. Bow!

Ang Ube Siopao ng Goldilocks ay HAVEY na WALEY!

DSC03554

HAVEY sa lambot, sa texture ng dough, sa presyong P22.00 ang isa, sa katamtamang size at sa nakakatakam na kulay-BYOLET.

 

DSC03555_2 

WALEY naman ang lasa ng Haleyang Ube filling. Hindi pumasa sa mahaba at mapanglait kong dila. Charot!

Ewan ko, siguro sanay lang ang dila ko sa Homemade Haleyang Ube na madalas namin lutuin ng mga ate ko noon ng nabubuhay pa sila. Pure na pure talaga. Etong palaman ng Ube Siopao naman ng Goldilocks eh parang Ube Jam lang na galing sa nakabote at nabibili sa mga grocery store. Komersyal na komersyal. Parang ang pakla ng lasa! Lol.

Higit sa lahat, hindi masarap yung kokomban (coupon bond) nila na nakadikit sa ilalim ng siopao. Walang lasa! Pwe! Nakain ko kasi. Hehe! Joke lang.

 

oOo

"If you can make a girl laugh, you can make her do anything"

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *