Resaykel! Resaykel! Resaykel! Chos!
Pen holders gamit ang mga malalaking lata ng sardinas para sa mga abubot ni Keziah ko.
Shet! Napaghahalatang sardinas ang ulam namin lagi.
Heniweys, matiyaga talaga akong mag-ipon ng mga lata. Mega-hugas ko agad ang mga itetch pag wala ng laman, pinatutuyo then itinatabi hanggang sa dumami.
At pag napinturahan at naartehan na ng kung anik-anik, eh kahit papano napapakinabangan din di ba?
o ha!
Meron din ako para sa mga sandok ko sa kitchen. Dito, hindi na lata ng sardinas ang ni-recycle ko. Lata naman ng oatmeal. Lol.
oOo
“Sa love:
Walang bulag
Walang pipi at
Walang bingi pero…
TANGA marami.”