Saturday Humor

Sabi ng Lalake: “What is Beauty if Your Bra is Empty.”

Taga FEU ka ba? Kasi mukha kang TAMARAW.

“Di bale nang panget ka…wag lang ako!”

Ang katotohanan sa likod ng kantang ETERNAL FLAME at kung sinu-sino ang umawit nito:

BULAG: Close your eyes
PILAY: Give me your hand, darling
BINGI: Do you hear my heart beating?
BOBO: Do you understand?

PARE1: “Pre, bakit ka tulala?”
PARE2: “Asawa ko, gabi-gabi ako kinakalabit.”
PARE1: “Sarap nun! Anong problema dun?”
PARE2: “Anong masarap dun e limang taon nang patay asawa ko!”

SEAMAN: “Mag-apply sana kong seaman..”
CAPTAIN: “Marunong ka bang lumangoy?”
SEAMAN: “Hindi eh..”
CAPTAIN: “Eh di ka pwede..”
SEAMAN: “Bakit?yung piloto ba marunong lumipad? Utak pre! Utak!”

TEACHER: "Mga bata, alam nyo bang galing sa Dugo at Pawis ng magsasaka ang BIGAS?"
MGA BATA: "Eeeewwwww!!!"

PASAHERO: "Boss, jollibee."
DRIVER: "Hindi ako si jollibee."
PASAHERO: "Hindi, magkano sa jollibee?"
DRIVER: "Depende sa Value Meal sir."
PASAHERO: "Magkano ho pamasahe sa jollibee?!"
DRIVER: "Ang alam ko walang masahista dun eh."
PASAHERO: "Sabi ko magkano ibabayad ko hanggang JOLLIBEE?!"
DRIVER: "Ay sorry lampas na tayo."
PASAHERO: "SHIT!"

BOY: "Miss, hulaan kita. Gusto mo."
GIRL: "Oo ba."
BOY: "Single ka no?"
GIRL: "Ay, oo. Ang galing, pano mo nalaman."
BOY: "Ang pangit mo kaya."

Ratio of a Good Relationship:
RICH BF: Happy GF
SEXY GF: Contented BF
SMART GF: Under BF
HANDSOME BF: Problematic GF
BEAUTIFUL GF: Proud BF
ATHLETIC BF : So many GF
LUCKIEST BF : AKO ang GF 🙂

INDAY: "Dok, masakit na masakit po ang tiyan ko…Ano po ba mabuting gamot dito?"
DOK: "Kelan pa ba nagsimula yan?"
INDAY: "Simula lang po nung kumain ako ng TALABA."
DOK: "Baka naman sira na? Nang buksan mo ba yung talaba,wala kang naamoy na mabaho?"
INDAY: "Binubuksan po ba yun?"

ANAK: "Tay Herbal po ba yong Makahiya??"
TATAY: "Oo anak!"
ANAK: "para sang gamot po?"
TATAY: (NAG-ISIP) "Ahm.. Gamot yan para sa makakapal ang mukha!"

First day ng klase, siyempre, magpapakilala muna si titser. Mukhang strikto, terror ala Miss Tapia. Sinulat niya ang pangalan niya sa blackboard. ‘Miss Pruke.’ pigil ang hagikgik ng mga estudyante, baka mapagalitan sila.

"My name is Miss Pruke. Don’t forget.With an R, with an R, with an R." stress ni titser.

"Bukas bago magsimula ang klase, kapag meron akong tinawag, dapat alam niyong banggitin ang pangalan ko ng tama."

Paglabas ng mga estudyante ng klassroom, inulit-ulit nila sa kanilang isip, "with an R,with an R, with an R."

Kinabukasan, preparado ang lahat sa pagtawag ng titser maliban kay Jhune. Wala namang ginagawa si Jhune sa klase kundi mag-daydream, kaya siya ang napansin ng titser.

"Mr. Resbak!" sigaw ni titser. Gulat na tumayo si Jhune."Yes ma’am?"
"Ano ang pangalan ko?"
namamawis sa kaba si Jhune. nakalimutan niyaang pangalan ng titser.

Sabay sabay ang buong klase sa pagbigay sa kanya ng clue. "With an R,with an R, with an R"

"Ah!" biglang naisip ni Jhune, "Natatandaan ko na ang pangalan niyo."

"Ano?" tanong ni titser.

"Miss Prekprek"

Ang mga PINOY HENYO
(Juan at Pedro sa PINOY HENYO)
(Pinapahula: KUTSILYO)
Juan: "Bagay ba ito?"
Pedro: "Oo!"
Juan: "Nakikita sa bahay?"
Pedro: "Oo! Oo!"
Juan: "Nakikita sa kusina?"
Pedro: "OO! OO! MY GOSH! OO!"
Juan: "Ummm… panghiwa ng sibuyas?"
Pedro: "OO! OO! OO! OO!"
.
.
.
.
.
.
Juan: "PASS!"

"Subukan mo kaya na kalimutan na ako at wag ng puntahan. Di naman sa pagyayabang. Lalapit ka pa rin sa akin."- Toilet

“I may not look HOT enough for you. But I DARE YOU! Touch me with your skin & feel my hotness from within..” — Tambuso

 

oOo

“Hindi lahat ng nasa relasyon ay masaya. Dahil may ibang kuntento na kahit sa simpleng inspirasyon.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.