DIY Project: Homemade Fabric Conditioner

.

Nakagawa na ako ng Homemade Liquid Hand Soap pati na rin ng Homemade Laundry Soap. Dis taym Homemade Fabric Conditioner naman.

UY mga palangga, wag na wag kayo bibitiw sa pagsubaybay dito sa blog ko. Kasi baka next time, Homemade Paper Money o Salapi/Datung/Atik/Anda naman ang gagawin ko. Magpapayaman tayo! Isi-share ko sa inyo paano mag-imprinta ng sariling pera (Dollars ha!) na pwedeng nyo rin gawin diyan mismo sa bahay nyo. Charing!

Heniweys, matagal ko na gusto i-try ang homemade fabcon na ‘to pero hinintay ko lang na maubos ang commercial fabcon namin para hindi na ako maghanap pa ng sisidlan.

homemade fabric conditioner

Tatlong ingredients lang ang paggawa ng fabcon. Napakadali gawin.

Hot water + conditioner + white vinegar = Fabric Softener/Conditioner.

Nagka-interest talaga ako gumawa kasi tamang-tama meron akong White Rain Conditioner sa banyo namin. 48 years na yata naka-standby ang conditioner na ‘to sa banyo.  Hindi namin maubos-ubos kasi Pantene o kaya Cream Silk ang gamit namin ni Keziah na hair conditioner.

Nga pala, dito sa website na ‘to ang SOURCE ko.

 hairconditioner+white vinegar

Eto ang mga kailangan:

  • 3 cups hot water
  • 1 1/2 cups white vinegar
  • 1 cup White Rain Conditioner (pwede kahit anong brand, depende sa trip mo)

water+conditioner+vinegar

Eto ang paggawa:

  • Paghaluin ng mabuti ang conditioner, hot water tsaka white vinegar.
  • Palamigin at isalin sa empty fabcon container.

Ganun lang!

fabcon

 

 

oOo

“Kapag iniwan ka ng syota mo, ‘wag kang umiyak, ‘wag kang malungkot. Sumigaw ka na lang ng… “NEXT!””

 

I Wanna Be This Kind Of Person

Old woman

“I don’t want to drive up to the pearly gates in a shiny sports car, wearing beautifully, tailored clothes, my hair expertly coiffed, and with long, perfectly manicured fingernails. I want to drive up in a station wagon that has mud on the wheels from taking kids to scout camp. I want to be there with a smudge of peanut butter on my shirt from making sandwiches for a sick neighbors children. I want to be there with a little dirt under my fingernails from helping to weed someone’s garden. I want to be there with children’s sticky kisses on my cheeks and the tears of a friend on my shoulder. I want the Lord to know I was really here and that I really lived.”Marjorie Pay Hinckley

 

 

oOo

“Dear Papa Jesus, pa follow-up naman po ng love story ko. Amen.”