DIY Project: Homemade Fabric Conditioner

.

Nakagawa na ako ng Homemade Liquid Hand Soap pati na rin ng Homemade Laundry Soap. Dis taym Homemade Fabric Conditioner naman.

UY mga palangga, wag na wag kayo bibitiw sa pagsubaybay dito sa blog ko. Kasi baka next time, Homemade Paper Money o Salapi/Datung/Atik/Anda naman ang gagawin ko. Magpapayaman tayo! Isi-share ko sa inyo paano mag-imprinta ng sariling pera (Dollars ha!) na pwedeng nyo rin gawin diyan mismo sa bahay nyo. Charing!

Heniweys, matagal ko na gusto i-try ang homemade fabcon na ‘to pero hinintay ko lang na maubos ang commercial fabcon namin para hindi na ako maghanap pa ng sisidlan.

homemade fabric conditioner

Tatlong ingredients lang ang paggawa ng fabcon. Napakadali gawin.

Hot water + conditioner + white vinegar = Fabric Softener/Conditioner.

Nagka-interest talaga ako gumawa kasi tamang-tama meron akong White Rain Conditioner sa banyo namin. 48 years na yata naka-standby ang conditioner na ‘to sa banyo.  Hindi namin maubos-ubos kasi Pantene o kaya Cream Silk ang gamit namin ni Keziah na hair conditioner.

Nga pala, dito sa website na ‘to ang SOURCE ko.

 hairconditioner+white vinegar

Eto ang mga kailangan:

  • 3 cups hot water
  • 1 1/2 cups white vinegar
  • 1 cup White Rain Conditioner (pwede kahit anong brand, depende sa trip mo)

water+conditioner+vinegar

Eto ang paggawa:

  • Paghaluin ng mabuti ang conditioner, hot water tsaka white vinegar.
  • Palamigin at isalin sa empty fabcon container.

Ganun lang!

fabcon

 

 

oOo

“Kapag iniwan ka ng syota mo, ‘wag kang umiyak, ‘wag kang malungkot. Sumigaw ka na lang ng… “NEXT!””

 

6 thoughts on “DIY Project: Homemade Fabric Conditioner

  1. hala ganahan ko ani bah ako ning i try kay sus ug akong uyab akong sugu-on ug laba ma buang ko kay murag usa ka gallon gamitong fabric conditioner… hahha..

  2. nakakatuwa naman itong site mo mamaru, gusto kong i-try yung mga diy posts mo pag uwi 🙂 sensya na kung mag ikot-ikot muna ako dito at manggulo ha, very inspiring ka po!

    • Rich, yan din ang iniisip ko noong una. Pero yun pala eh napakabisang pangtanggal pala ang white vinegar sa mga amoy gaya ng anghit, kulob, pawis at atbp sa labada. MAS LALONG nagpapaputi din ang suka sa mga puti. Hindi naman dumidikit ang amoy suka sa fabric. Nway, try it and see for urself.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.