DIY Xmas Project: Tree Twigs

Napaghahalata na talaga na wala akong pambili ng mga bagong ornaments para sa Krismas Tree namin.

Hays…kaya kung anu-anong basura na lang ang pinupulot ko para mapakinabangan. Wag po kayo magtataka kung isang araw ay makasalubong nyo ang alindog ko sa kalye na nangangalakal ng diyaryo, bote, plastik, bakal at kung anu-ano pa. May pera sa basura di ba? Chos.

DIY christmas decor

Eto ang bago kong naidagdag na dekorasyon pang-Pasko, gawa ulit sa mga sanga ng Bougainvillea namin.

Sandosena lang ang ginawa ko kasi medyo tinatamad ako lately. O ha, tinatamad pa ako sa lagay na yan ha.

tree twigs

Binudburan ko po ‘to ng gold glitters. Hindi lang halata dito sa piktyur kasi, kasi. . . ewan ko.

DIY Christmas tree twigs

This year, halos puro mga disposable lang ang mga Xmas ornaments ko. Ok lang, ang importante, hindi ako gumastos. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ang totoo eh wala talaga akong panggastos. Hehe.

 

oOo

“Ang pag-ibig masarap pakinggan, at madaling paniwalaan, pero kung di mo kayang panindigan, wag mo na lang sanang umpisahan para wala kang masaktan.”

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *