Praybeyt Benjamin Fever

.

Kalurkey! Wa ako ma-say sa lakas talaga ng impluwensya ni Vice Ganda.  Dito nga sa Iligan City, showing pa rin hanggang ngayon ang movie nya. Manonood sana ang mga bagets ko at mga pamangkin last week pero umuwi silang BIGO dahil sobrang haba daw ng pila ng tao sa dalawang sinehan. Abah! Kinabog ang NO Other Woman sa haba ng pila dito sa probinsya.

Kaya naman hindi nakakapagtaka na mauuso na naman ngayon ang mga ganitong banat na ginaya sa pelikula ni Vice Ganda.

 

  • “Pag sinabing CUTE kailangan ako agad ? Di ba pwedeng IKAW muna!”
  • “Pag walang boyfriend, pangit agad? Di ba pwedeng choosy muna?”
  • “Pag walang girlfriend, torpe agad? Di ba pwedeng choosy muna?”
  • “Pag may sumusunod sayo kailangan STALKER na agad ? Di ba pwedeng SNATCHER muna?”
  • “Kung sinabing maganda kailangan kamukha agad ni ANNE CURTIS ? Di ba pwedeng KAMUKHA ko muna?”
  • “Pag magaling mag-English matalino na kaagad? Hindi ba pwedeng Englisera lang talaga muna?”
  • “Porket ba nasaktan ka lang sa crush mo dahil may crush siyang iba, INLOVE agad? Pwede bang NAIINGGIT muna?”
  • “Di porke’t mataba, BABOY na? Hindi ba pwedeng CHUBBY lang muna?”
  • “Di porke’t may dalang BAG estudyante na agad? Di ba pwedeng si DORA muna?”
  • “Porket ba namumutla nakakita na ng multo? Pwedeng natatae muna?”
  • Sa jeep.
    PASAHERO: "Ma, para ho!"
    DRIVER: "May bababa?"
    PASAHERO: "Wala ho, may tatalon lang"

 

oOo

“Magmula ng matuto akong umibig, madalas na akong tumatawa mag-isa.”

6 thoughts on “Praybeyt Benjamin Fever

  1. Maru can’t wait nga naay mag download sa internet sa iya movie..laugh trip for sure…and guess what…he will be in Alaska sa Dec 18..mag show cla ni Jon Avila and Ethel Booba…will definitely watch it..bahala mahal ticket…lol

        • @Rhea, hmmmn…mahal nga. Eh noong hindi pa sikat masyado si Vice, 300 petot lang bayad namin sa entrance sa comedy bar kung saan sha nagpe-perform. Heniweys…kaya mo yan. Kaw pa! Ang yaman mo noh! Tse! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.