Teleserye Ng Totoong Buhay

Ops! Hindi po ang Pinoy Big Brother Unlimited ang tinutukoy ko. Sa totoo lang. PANIS na para sa akin ang current season ng PBB. Ni hindi ko makuhang tapusin panoorin ang buong palabas ng PBB sa isang gabi. Ang mga housemates kasi ngayon, ewan ko ba, kelangan tabihan ng atchara kasi parang mga nakakaumay ang mga fez. Napaka-WALEY ng dating sa akin.

Heniweys, trulili na magulo pa sa bolbol ang awayan ng mag-anak at sa misteryosong pagpatay kay Ramgen Revilla, eto ang sinusubaybayan ko ngayon!

Pucha! Okinams talaga! Kinakabog ang kwento ng mga teleserye ng Primetime Bida ng ABS CBN! Napaka-interesante ng kaso na ‘to! Mga pangyayari na kasi sa tunay na buhay itetch. Kahit walang sandamakmak na kamera na parang sa PBB ang nakatutok sa mga sangkot. Pero todo na ‘to! Patayan sa magka-pamilya ang plot!

Sa mga napanood ko, kalurkey ang pagiging mananahi ni Ramona Revilla. Kung ano-anong wento ang pinagtahi-tahi nya bago sumibat papuntang Turkey.

Akala ko noon, pumunta lang siya ng HongKong para bumili ng suklay para sa buhok nya at babalik din ng Pinas. (Kalokah kasi ang buhaghag na tsura ng buhok nya  dun sa presinto. Lol!) Yun pala eh baboosh na pala talaga. Haha!

Bago lumayas, may video message pang iniwan na para syang nasa confession room ni Big Brother. Buti na lang hindi nag artista ‘tong si Ramona. Waley kasi ang facial expression nya dun sa video. Sa delivery naman at pag memorize dun sa lines nya parang scripted eh nagkawala-wala pa sya sa sasabihin. At yung akting niya? Nyek! Flop!

Nakakagulat at parang nakakapanindig balahibo kung paniniwalaan agad natin na ang magkapatid na RJ at Ramona Revilla ang magka-kuntsaba sa pagpatay sa sarili nilang kapatid. Parang nakakaduwal isipin na nakayanan nilang gawin ang ganun sa sarili nilang kapatid.

Pero as of this date…dahil sa walang-kupas na GALING ng mga pulis-Paranaque, eh sa awa ni Lord, wala pa rin naman napapatunayan ang mga imbestigasyon.

Hindi ko sinasabing guilty si Ramona. Puro mga chuva-chuchu eklavo pa lang ang mga lumalabas na mga istorya. Sabi ni ganito diumano, sabi ni ganun diumano…mga ganun pa lang ang mga lumalabas sa balita.

Ewan ko lang ha, pero hindi ako naniniwala na ang magkapatid ang mastermind. Posibleng may frame-up din, di ba? Ewan ko ba, IBA ang kutob ko dito. Malalim ang awayan na itetch! May malaking tao sa likod nito. Howel, wag nyo na lang pansinin ang sinabi kong ‘to. Kutob ko lang naman ‘to at mas madalas, MALI ang kutob ko. Haha! Lech! Ang gulo ko!

Ang awayan at samaan ng loob ni Bong Revilla at ng nanay ni Ramgen Revilla na si Genelyn Magsaysay…dito tayo dapat tumutok at mas pag-isipan. Ang away ni Bong Revilla at Genelyn Magsaysay, eto ang dapat na busisiin ng malaliman sa imbestigasyon.

Sabi ko nga…malalim ang dahilan neto. Sa tingin ko ay hindi lang basta-basta na dahil lang sa pera ang pinag uugatan ang pagpatay kay Ramgen. Hindi lang dapat sa magkapatid na RJ at Ramona Revilla at nanay nila ang pagsuspetsahan. Tingin ko, may pinagtatakpan pero sigurado marami pang ka-shitan ang lalabas na wento sa mga susunod na araw.

Kaya, tara! Ihanda ang popcorn at ilabas ang isang litrong iced tea. Sabay-sabay tayo mag-abangeeers sa bagong teleserye ng bayan!

oOo

“Kung magbubulag-bulagan ka lamang naman pala sa mga bagay na nakikita mo, bakit hindi ka na lang naging bulag?”

7 thoughts on “Teleserye Ng Totoong Buhay

  1. truelalu ms. maru! lahat ng pbb sinubaybayan ko at ng mommy ko, ganun kami na adik noon. pero ngayon,wala ding dating samin yung pbb housemates. ang aarte eh! mas nakakaumay pa kasi ang dami dami nila sa loob,ang daming walang kwenta! chos! haha! at kay ramona, di man siguro sya ang master mind, pero tingin ko eh may kinalaman pa rin sya! para mag imbento ng ganung mga kwento at umakting akting pa tas mag flylalu bigla,may kinatatakutan si ate Ramona! meron pa syang “ay shit! nakalimutan ko” anuuuudaaaaw? hahaha!

    Merry Christmas dyosa! :*

    • @nhadziebaby, hindi ‘to simpleng sibling rivalry ang kaso na ‘to.

      Merry Christmas din sau, pretty babe! Hagisan mo naman ako ng mga giveaways nyo dyan. Hehe!

      • @MARU, sure! ano pu bang gusto nyo? ginto? diamond? salapi? bigas? manok? baboy? kahoy? papel? shampoo? conditioner? chos! hahaha! para po sana yan sa mga DIY projects nyo. hihi! sige po, gugulatin ko kayo ngayong nalalapit na pasko! hehehe! :*

  2. sa 80 na anak ni senior,si ramgen ang favorite. di sya ang panganay pero syang ang pinapahawak ng allowance for the whole household. 1M for 1 month. sa status ng health ngayon ng hari na halos nakatira na sa ospital,alarmed na ang buong sambahayan about sa mana, ang dami aksi nila masyado.
    its true na di si ramona ang pumatay pero kasabwat sya. anong merong special sa panga nya at nung sinabi nyang “tama na!” sa killer eh tumigil at nilayasan sya nito? kung killer yun,dapat walang witness. at kung nakaabot na lang sya ng mall,di pa din sya nakahingi ng tulong kahit pa given na patay na si ram at yung gf. a killer is on the loose,dapat ipagbigay alam sa awtoridad.
    problem is,too much confidence is the main cause for stupidity and carelessness. alam nila protektado sila ng batas because of their money,they thought walang testigo dahil sinigurado nila ang sched ng buong sambahayan at di nila naisip na mabubuhay si gf. amateurs.
    di naman magbabago ng statement si ramona kung hindi nabuhay yung jannelle. napilitan sya i-allign yung statement nya sa gf dahil mas pagdududahan sya pag ipinilit nya yung kanya,sinabayan pa nya ng pag-alis at thinking na malilinawan ang issue,nagiwan ng statement na kasama pa sa credits ang “behind the scenes”. hay pathetic much. sana ako na lang binayaran nila,malinis na sana. lol

    • @Pryss, hahaha! Naaliw ako sa comment mo, langga. Korek! Kung ikaw lang sana ang inupahan nila…sus, kahit sa Facebook status mo lang siguro idaan, yari at sapul na sila. Kung nakakamatay lang ang mga FB status mong matutulis…dami na siguro namatay. Hahhaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.