Sew Happy 6 (DIY: Snowflake Pillows)

Hindi po totoo ang sabi-sabi ng iba na kaya may mga araw na hindi ako makapag-blog ay dahil busy ako sa panonood ng porn. Susme! Ako fa! Ako fa ang pagbibintangan ng mga ganung gawain! Ako fah na walang kalibog-libog sa katawan. Ako fa na isang inosente at mangmang sa kamunduhan?! Charot!

Da truth is, kung hindi man ako nakakapag-blog minsan, yun ay dahil sa busy ako sa pag i-imprenta ng pekeng papel na pera. Hehe! Istir lang.

Waaaah! Lapit na talaga ang Pasko at mukang tuyong-Pasko na naman kami. Ang hirap maging stay-at-home mom, walang maaasahan na krismas bonus at 13th month pay 🙁

Heniweys, tuyong-Pasko man kami dis year, ginagawan ko na lang ng paraan na medyo maging festive ang ambiance ng mention namin. (Use mention in a sentence:  “Ganda ng bahay ko! Parang MENTION!”) Sa ganitong paraan man lang ay ma-feel namin nina Kevin, Ziah at Sang na Pasko na nga!

Snowflake Pillow1

Double time ako ngayon sa pananahi. Kelangan matapos ko na ang mga tatahiin ko kasi anytime ay pwedeng kunin na sa akin ang hiniram kong sewing machine.

Eto ang katatapos ko lang sa mga sewing project ko. New cushion covers na pang-Krismas ang design.

Snowflake Pillow2

Sa panahon ngayon, kahit anong kulay na ang pwede mong gamitin na color motif ng Pasko. Hindi yung lagi na lang red, green, gold, silver at white na lang lagi.

 

Continue reading