Templeyt

Juice ko! Andami-dami kong gagawin na mga trabaho dito sa balur ko at mga ibo-blog na mga chuva chenes sana pero inuna ko pa ang pagpapalit ng blog template ko. Naubos lang naman ang precious time ko ngayong araw na ‘to. Inuna ko pa kasi ang kaartehan ko dito at inabot lang naman ng 48 years bago natapos.  Kalurkey!

Nakakaubos ng panahon talaga ang pagpapalit ng theme ng blog. Kung sing-dali lang sana ‘to na parang nagpapalit lang ng funtee o naghuhubad ng bra, eh alaws sana problema. Hays…dami kasing kelangan i-tweak sa mga codes. Leches!

Dahil sa kagustuhan kong maging christmasy ang tsura ng blog ko…napabayaan ko na ang mga blog pans ko at hindi na ako makapag-reply sa mga pan mails ko. Charoooooot! Hello pans! Haha!

Ewan ko ba, kahit sa blog templates, dali ko magsawa. Gusto ko paiba-iba. Well, kunsabagay pag tinatamad ako eh isa rin ‘to sa paraan ko para ganahan magblog…ang mag-iba ng template.

Heniweys, magre-redi na muna ako ng isang tabo ng kape, mga teh. Dahil mapipilitan akong magpuyat ngayon. Shet! Magmumukhang Panda na naman chura ko nito bukas.

 

oOo

“Ang babae kahit nasasaktan na yan, maganda pa rin.”

Related Posts with Thumbnails

2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge