Wednesday Humor

JUAN: "Asukal nga!"
TINDERA:"Wala kaming asukal!"
JUAN:"Asin?"
TINDERA:"Wala din!"
JUAN:"E toyo?"
TINDERA:"Wala kaming toyo!"
JUAN:"Bat di pa kayo magsara?"
TINDERA:"Wala kaming SUSI!"

*

JUAN:"Inday, ang ganda-ganda mo talaga at napakabait pa!"
INDAY:"Lahi kasi kami ng kastila! Ikaw, anong lahi ka?"
JUAN:"Lahi kami ng sinungaling!"

*

Habang nasa salamin si misis…
MRS:"Honey, ang tanda ko na, mataba, puro kulubot at pangit na!"
MR:"At least, malinaw pa ang mata mo!"

*

MRS:"Hoy, LASING ka na nman! Lumalakad ka na 1 paa sa kalsada at 1 paa sa gutter!"
MR:"Lasing ba ko?"
MRS:"Oo!"
MR:"Hay salamat, kala ko PILAY ako!"

*

Isang trak, nawalan ng kontrol, nahulog sa bangin, nabuhay ang driver.

MEDIA:"Nakainom ba kayo?"
DRIVER:"Oo naman! Ano palagay mo saken, STUNTMAN?"

*

TEACHER: "Ok class magbigay kayo ng prutas na ngsisimula sa letter B.."
JUAN: "Mam! Ako may alam!"
GURO: "Ano yun?"
JUAN: "Bulok na mangga, bulok na papaya, bulok na pakwan…"
GURO: "Bulok din grade mo!"

*

Election…
PEDRO: "Please VOTE WISELY!!!"
JUAN: "Sino si WISELY? Kandidato ba yun?"

*

TEACHER: "Pedro 1 + 3?"
PEDRO: "Maam 4 po."
TEACHER: "Oh ikaw Juan. 3+ 1?"
JUAN: "Ayan na! Ayan na! Langya… pag mahirap akin! FAVORITISM!"

*

JUAN: "Tol , alam mo ba yung joke na " hindi eh " at " me too "?"
PEDRO: "hindi eh."
JUAN: "me too."

*

Sa Pinoy Henyo…
JUAN:"Tao?"
PEDRO:"Oo!"
JUAN:"Artista?!"
PEDRO:"Oo!"
JUAN: "Lumalabas sa tv?!"
PEDRO: "Oo!"
JUAN: "Sadako?"

*

JUAN: "Tekla tingnan mo may patay na ibon oh…"
TEKLA: (tumingala) "Saan?"

*

TATAY: "Anak, bat ang baba ng nakuha mong grado sa exam?"
ANAK: "absent."
TATAY: "Ano? absent ka nun?"
ANAK: "Di po, yung katabi ko absent nun."

*

Best Slogan Written on The Toilet Wall:

TREAT ME WELL , KEEP ME CLEAN. I WILL NOT TELL ANYBODY WHAT I HAVE SEEN.

*

Use SAMUEL as a sentence: “SAMUEL down the road.”

*

Ayon sa pagsusuri, ang IDLIP ay nakakapagpahinto ng pagtanda ng tao… Lalong-lalo na kung gagawin mo ito habang nagmamaneho.

 

 

oOo

“Walang nakakaalam na nasasaktan ako, kasi nasanay silang masaya ako.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.