Dear 3 am

Totoo ‘to. Nakaka-tatlong sunod-sunod na 3 am na akong napapadilat bigla at nasisira ang mahimbing kong tulog sa gabi. Hindi ko alam kung bakit.

At ang masaklap pa nito eh, hirap na hirap akong bumalik sa pag beauty rest ulit. Kainis veneracion talaga! Buti na lang medyo mahaba ang gabi ngayon kesa araw.

Hmmn..bakit kaya nangyayari ‘to sakin? Siguro naman hindi ako insomniac ‘no?

Anoveh! Pag hindi makatulog eh insomniac na agad? Di ba pwedeng baka may nag-iisip lang suckin? Charot!

Plis lang, kung sino ka man na nag-iisip sakin, tigilan mo na! Napupuyaters ang Mamaru eh! Charot ulit! Haha!

Tuloy, sa araw eh nangangarag ang alindog ko. Antokyo japan lagi ang pakiramdam ko dahil kulang sa tulog. 🙁

Dear 3 am, pwede bang umapela? Re-sched natin. Pwede bang @3pm na lang tayo mag-meet? Game ako. Kahit araw-arawin mo pa ako.

Akoto, Mamaru. 😛

 

 

oOo

“My only relief is to sleep. When I’m sleeping, I’m not sad, I’m not angry,I’m not lonely; I’M NOTHING.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *