Saturday Humor

TEACHER: "Ang unang makasagot sa tanong ko, mauunang umuwi.”
Excited ang mga studyante.
JUAN: (Hinagis ang bag sa labas)
TEACHER: "Kaninong bag yun?!"
Juan: "Akin maam! Ayan nasagot ko na! Bye cLassmates! See you tomorrow morning!"

*

Sa Isang Restaurant:
PEDRO: "May wifi po ba kayo?"
JUAN: "Wala po e, kung gusto ninyo meron kaming eggfi, bukofi, strawberryfi, blueberryfi, at crustfi."

*

TANONG: Ano ang KIROT?
SAGOT: Kinakain ni Bugs Bunny. Kirot.

*

BOY: "Miss, talon ka na dyan."
GIRL: "Bakit naman?"
BOY: "Para mahulog ka na saken."
GIRL: "Ah ganun? Alam mo, para kang MANHOLE."
BOY: "Wow! Gumaganti ah? Bakit naman?"
GIRL: "TANGA LANG ANG MAHUHULOG SAYO."

*

BOY : "Alam mo ang pangit mo.."
GIRL : "Ayyyiiee! Banat ba yan?"
BOY : "Hindi! Pangit ka tlga! Gusto mo banatan pa kita diyan eh!"

*

BOY: "Pabili po."
TINDERA: "Whats up boy?"
BOY: Yari..iniingles ako!
TINDERA: "What do you want?"
BOY: "Do you have liquid solution dat mixed evenly w/ organic commpound substances & had undergone fermentation & sealed in a solid state of matter in a homogeneous mixture?"
TINDERA: "Ano yon?"
BOY: "Red horse!"

*

ANAK: "Nay, good news, diba sabi mo bibigyan mo ako ng 1k sa bawat subject na maipapasa ko?"
NANAY: "Oo anak, bakit?"
ANAK: Uuuy! Makaka-TIPID na naman sya!"

*

Pagmamahal
TEACHER: "Juan, bakit puro pagmamahal ang sagot mo sa exam?"
JUAN: "Ma’am, sabi ng magulang ko, ni minsan hindi naging mali ang pagmamahal."

*

Buntis
ANAK: "Itay, buntis po ako."
ITAY: "Ok matulog ka na."
ANAK: "Di ka man lang magagalit sakin? Di mo ako sasampalin? Anong klaseng ama ka? Walang pakialam sa anak?"
ITAY: "Bwisit!!! Tumigil ka ARTURO ha! Yang kabaklaan pinayagan ko na.. Tapos kung makakerengkeng ka wagas!"

*

Isang ina ang nagsilang ng napakapangit na sanggol.
AMA: "Isa syang kayamanan."
INA: "Oo, nga! Ibaon natin!."

*

While kuya is studying his lessons, his little sister came his room to ask….
LITTLE SISTER: "Kuya, ano ang love?
KUYA: "Ang LOVE parang IKAW…istorbo sa pag-aaral!!"

*

JUAN: "Manong pinapakuha po ni tatay yung kaning-baboy."
MANONG: Juan, kaw pala yun. Aba binata ka na ah. Nag aaral ka ba?"
JUAN: "Opo, college na po ako."
MANONG: "Ano kinukuha mo?"
JUAN: "Kaning baboy po."

*

TEACHER: "Nasan ang homework mo?"
JUAN: "Eh di nasa home. Kaya nga HOMEwork e, kapag dinala ko dito, SCHOOLwork na yun! Konting utak naman diyan Ma’am."

*

Knock Knock!
JUAN: "Knock! Knock!
PEDRO: "Who’s there?
JUAN: "Twitter!
PEDRO: "Twitter who? . . .
JUAN: "Punta tayo sa Jollibee Twitter! pa-order nga ako ng ketchup atsaka ng dalawang kanin."

*

Paano kung ang mga PULIS ay gumagamit ng BEKI WORDS?
MAY HOLDAPAN….
Pulis 1 : "Hoy ateng ! Nanditey na si DARNA ! Sumuko ever ka na ! Super surroundings ka namin teh!"
Holdaper : "Wit! Keri ko kayo teh! Tumbang preso yan si DARNA saken!"
Pulis 1 : "Ay echuserang froglet ka ha! Mga bakla sugod na tayey!"
Pulis 2 : "Oh narinig nyo si Mother Earth ! Gora na mga bayot! PUSHHHHH!"

*

Payabangan ng modern Lolas:
LOLA1: "Sakit ng mata ko, kakalaro ng dota."
LOLA2: "Ako nga ang sakit ng katawan ko, Ang hirap kasi ng Steps namin e, KRAMPING."
LOLA3: "Oh sya, sya. Maiwan ko na kayo. Gagamutin ko lang hita ko."
LOLA2: "Oh,napanu ka?"
LOLA3: "HAZING kanina, nagpapadel ako e."

*

oOo

“Hindi lahat ng oras kailangan mo ng relasyon, mnsan kailangan mo din mapag-isa para hanapin yung dating ikaw na nawala noong nagmahal ka.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.