Puno Ng Biyaya

Sa mga hindi nakakaalam, may isang coconut plantation ako dito sa pinagkukutaan ko sa Mindanao. Wish ko lang, more than ONE sana ang coconut tree ko para maging plantations talaga. Kaso nag-iisa lang talaga ang puno ko kaya plantation lang. Lol!

coconut tree

More than 10 years na ‘tong puno ko at impernes madami na akong na-harvest na BUKO dito. Wagas ang biyaya kaya dapat lang na tawagin na ito ay puno ng biyaya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na rin ako nakapag-buko salad at timba-timbang Buko Juice na rin ang nalaklak ko. Paminsan-minsan, humihingi rin sa akin ang mga nebors ko ng buko.

Bukod sa mga bunga, sa ngayon ay napapakinabangan ko na rin ang mga TANGKAY ng pinagkakapitan ng mga bunga.

Gamit ulit ang malikhaing isip, talento, alindog, ganda, kakyutan at pagiging sariwa ko, eh eto ang mga nagawa ko sa mga nalalaglag na tuyong tangkays. (Madami kaya with “s” – plural!) Hindi ko alam kung ano talaga ang tawag sa mga ‘to. Heniweys, imbes na itapon, ginawa kong pang-dekorasyon dito sa balur.

deco idea1

deco idea2

deco idea3

Nadagdagan ko ng kaartehan ang bintana sa kusina, sa may bandang lababo ko. Ang saya!

deco idea4

At ibang parte ng kusina ko.

deco idea5

Nilagyan ko nga rin pala sila ng konting pampakintab mula sa mga sobrang varnish na naitago.

Etong mga ginagawa ko, dala na rin siguro sa wala akong budget na pambili ng pang-deco sa bahay, napipilitan akong mag-isip ng diskarte.

deco idea6

Sa isang corner ngĀ living room namin, may naka-pwesto rin na palamuti ang mga tuyong tangkay ng coconut tree. At dahil Pasko ngayon eh sinabitan ko na rin ng mga christmas balls para – masaya! Hehe! Next year, siempre aalisin ko rin ang mga bols.

deco idea7

Kahit kwarto namin hindi ko pinatawad. Lately eto na rin ang nakapatong sa mga night table namin gamit ang mga recycled vase. Ah basta, naniniwala akong hindi talaga kelangan gumastos ng malaki para magkaroon ng dekorasyon sa bahay. Konting creativity lang, ayus na!

Gandang-ganda ako sa mga nagawa ko. Hahaha! Maaaring hindi maganda ang dating o tingnan para sa ibang tumitingin. Well, KEBER ko naman! Wa aketch pakels! :P

Happy Monday everyone!

oOo

“To be creative means to be in love with life; to want to enhance the beauty of life by bringing more music, poetry and dance to it.”

Related Posts with Thumbnails

One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge