November 31

Juice ko, Disyembre na pala! Hindi man lang ako na-inform! Lol!

Tuloy napa-TWEET ako kanina na may kasamang pagtatanong kung talagang Disyembre na. Diskumpyado kasi ako.Parang hindi ako makapaniwala.

Naleleto na ako! Eh kasi naman, dito sa table calendar ko, HINDI PA noh! November 31 pa lang ngayon!

Kalurkey ang binigay na kalendaryo na ‘to sa akin. Mali-mali pala. Buti na lang hindi ako nagre-rythmn method. Charot!

Alam ko mula noong November eh mahaba na ang gabi kesa araw. Pero hindi ko akalain na dadagdagan ang petsa ang buwan na itetch.

Kaya dun na pinagkakautangan ko na ang due date ay December 1, bukas pa po ako magbabayad. Sa magrereklamo…isasampal ko ang kalendaryo ko!

oOo

“Letting someone go is the hardest thing to do, not because of the tears I cried, but the small piece of hope left inside my heart.”

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge