Please Help Iligan City

 

Hindi pa ako lubos na makakapag-blog ng tungkol sa nangyari kalamidad sa lugar ko, ang ILIGAN CITY. Hindi ko pa mai-ayos ang isip ko sa mga nakikita kong mga damages at nawalan ng buhay sa iba’t ibang lugar dito sa amin.

Mistulang mini-evacuation center ngayon ang bahay ko dahil sa buong angkan (angkan talaga ha! Lol!) namin na andito sa Iligan City, tanging KAMI (me, Kev and Ziah), as in kami lang at bahay namin ang hindi naapektuhan sa nangyaring trahedya na dala ni Sendong.

Bahay ng sister kong si Millete…umabot hanggang ceiling ang tubig sa kanila at buti na lang nakalabas silang lahat, nakaligtas dahil dali-dali silang nakalikas sa mas mataas na lugar. Pati na rin ang bahay ng isang sister kong si Ate Ellen, binaha din ng todo. Apektado lahat ang mga tinutuluyan ng mga pamangkin ko.

Next time siguro, mas maikukwento ko ng maayos ang mga pangyayari. Sa ngayon, aligaga pa rin ako sa pag asikaso sa mga kamag-anak ko. Ang manatili silang may maisusuot na tuyong damit, may matulugan at makakain. Gayunpaman, hindi pa rin matapos-tapos ang pasasalamat ko kay Lord na walang casualty sa amin at sa mga relatives ko. Yun naman kasi ang importante.

Sa mga may maawaing puso kong mga readers…I’d like to appeal sana. Maraming tao dito sa Iligan City ang nangangailangan ng FUNDS para magkaroon ulit ng tirahan. Bukod sa mga buhay na nawala, as in ang daming nawalan din ng mga gamit at bahay. Isa na dun ang pamilya ng sister kong si Millete.

Please share and make your Christmas meaningful, help Iligan City and Iliganons.

Send your donations to this bank account:

Account Name: City Treasurer’s Office Iligan City

                          Trust Fund # 0820-016201-030

                          Bank Name: DBP (Development Bank of the Philippines), Iligan City

11 thoughts on “Please Help Iligan City

  1. Alpha Phi Omega (APO) Service Fraternity and Sorority has extended its helps to the victims of Sendong. We have gathered our resources to donate used clothings, canned goods and the most needed of all, clean potable water. I for myself, donated 5K to the organization to help buy more mineral water because I cannot help them personally since I am in Manila at the moment.
    Sana nakarating sa lugar nyo yun mamaru. Stay safe and have a happy holidays. 🙂

  2. yep mamaru, lambda-nu chapter ako from UP Mindanao. sya pala? please ask her details and i would personally forward it to the other brods and sisses para mas mabilis.
    para na pala talaga tayong sisterettes. sis ko ang sis mo,i therefore conclude, sis din tayo hehehe..

    • From Beta Upsilon Chapter ng Mindanao State University -Main Campus and sis kong si Millette. Ok lang sweetie…may pumunta na dito na mga sis and brods nyo at kahit papano nag abot ng relief goods. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.