Tenkyu, Pryss

Sa nakaraang Pasko, pers taym na hindi namin ginawa ang nakasanayang tradisyon sa pamilya namin ang mag exchange gift. Nag-PASS muna kami. Sus, pinaka-highlight pa naman namin ang bigayan ng gips tuwing Pasko.

Eh kasi nga, oo at nagpapasalamat kami na BUO kami noong Pasko pero sa totoo lang, napakahilaw ng kasayahan namin. Hindi kami makapagsaya ng todamax o makapag partee-partee.

Sa dami ba naman ng nawalan ng buhay at bahay dito sa Iligan City noon dahil kay Sendong eh nakakakonsensya na magpakasaya talaga habang yung iba ay nagluluksa.

Pers taym na 10pm pa lang yata ng gabi bago sumapit ang Noche Buena, eh sleeping na ang beauty ni Mamaru.

Heniweys, sumapit at lumipas ang Pasko 2011 na kahit papano ay hindi naman naging betlog ang iskor ko sa pagtanggap ng regalo. Kahit papano ay may isang nilalang na siguro ay MAHAL na nya ako kahit di pa kami nagkikita sa personal. Hindi ko tuloy masabing ordinaryong Maruism reader lang siya.

Ewan ko ba sa babaeng bruhilda na to. May pagnanasa yata sa alindog ko. Lesbiana ata ang hitad at trip ako. Hehe!

Itatago ko na lang sya sa pangalan na Pryss. Taga-Davao. Ka-FB, taga suporta ng Maruism at siguro nga ay talagang isang kaibigan na maituturing. Na-amaze ako sa thoughtfulness ng girl na to sa akin kahit noon pa man.

Ang totoo, sino ba naman ako para pag aksayahan ng pera at panahon ng belat na to noh? Eh ganda lang naman ang tanging meron ako. Shet!

Minsan ko na sya ginawan ng blog post dito noon bilang pasasalamat din sa knick-knacks na pinadala nya sa akin. Kaso pinatanggal nya kasi nag-wori sya at baka daw sumikat sya. Charot!

I swear, hindi lang napakaganda ng ineng na to. Napaka-sweet pa.

Dumating ang LBC pouch ni Pryss sa mismong pagliwanag ng araw pagkatapos na nileche-leche ni Sendong ang syudad ng CDO at Iligan.

Bukod sa mga pinadalang stuff na to ni Pryss, eto ang hindi ko kinaya. As in lembot na lembot ang puso ko sa effort na ginawa nya. Shes the only person who did this to me last December. She called me up para kumustahin kung naapektuhan ba daw kami ni Sendong. At kesyo kung may kailangan daw kaming tulong eh shoutout lang daw ako at wag mahihiya sa kanya. Pers taym na nagka-chikahan kami sa selpon. TATS ako. 🙁

Hay naku! Di ko maipaliwanag ang pagkabilib ko. Dahil hindi naman talaga kami close ni Pryss. Nagkakilala lang kami dahil dito sa blog ko.

Sabi nga nila, malalaman o makikilala mo ang mga taong may malasakit sa yo sa panahon ng kalamidad at kalungkutan. Sa mga naging epekto ng bagyong Sendong, maraming salamat sa mga nagpakita ng concern sa amin, sa Facebook, sa Twitter at dito sa blog ko. Alam nyo kung sino kayo.Tenkyu.

Gayunpaman, Pryss.alam ko mababasa mo to.

BOW ako sa yo.

MARAMING SALAMAT sa sinseridad mo kay Mamaru. At ibubulong ko talaga kay Lord, nasa sana ay pagpalain ka pa Niya. Na sana ay menteyn pa rin ang ganda mo, inside and out gaya ni Mamaru. Chos!

Maraming salamat din dito sa mga bag tags na binigay mo.

Eto, at nakasabit na agad ang isa dito sa backpack ni Kevin,

bag tag1

At tig-isa din naman kami ni Keziah dito.

bag tag

At siempre THANK YOU din dito sa wedge shoes na binigay mo. Nakakapanghinayang lang dahil malaki sa akin. Sabi ko nga sa yopang-duwende ang size ng mga paa ko. Pero dont wori. May sasalo naman. Si Keziah. 😛

wedge shoes2

Again, Tenkyu!

Pa-kiss! Mwah!

 

oOo

Ang mga kaibigan ay parang mga prutas. May dalawang klase yan, ang seasonal at for all seasons.

6 thoughts on “Tenkyu, Pryss

  1. ako ba to? hahahah

    *serious mode*
    okay, buti naman at nakahalata ka na. dalawang magkasunod na pasko na kitang nililigawan. panahon na siguro para maningil. hala bukaka na!!! bwahahahahah!!!

    dili bitaw..thank you din. kahit di pa tayo nagkaka-kilala ng personal.

    at saka TATS din ako sa post na to nyahahhaha!!! atleast wala ng pic ko at baka madiscover na ko ng tuluyan hahahhaha. love you mamaru. <3

  2. or pwede mo ding isanla muna si kevintot mo. makatikim naman ng bata kahit minsan lang.

    hala!! ano ba yan!!! nahahawa na ako sa mga kamanyakan mo mamaru nyahahhaha!!!

    pero seriously, wag na wag ka talaga mahiya. (and i know na di ka marunong, joke!! hahahah)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.