Queso De Bola Leftover

May leftover pa ba kayo na Queso De Bola?

Hmmmn..January 17 na ngayon, kaya malamang eh WALA NA.

Ako meron pa. 😛

Wala pa akong naiisip kong ano gagawin ko dito sa natirang keso. Gusto ko sana ipa-lafang sa daga kaso wala naman kami alagang daga. Naks! Ang sushal at ipapakain lang sa daga!  Hehe! Sus, takot lang ng mga daga kay Sang.

Heniweys, alam ko marami akong paggagamitan ng leftover cheeseball ko sa mga darating na araw kaya  itinabi ko na lang muna sa ref.  Siempre sinunod ko ang tamang paraan ng storage, courtesy of Yummy.ph.

 Keso De Bola2

Base na rin sa experience ko, nag i-iba talaga ang lasa ng Queso De Bola pag pinabayaan ng matagal at nakatiwangwang lang sa loob ng ref.

Keso De Bola1

Kaya naman, binalot ko ng maayos ang sobrang keso. Kelangan balutin mo sya ng wax paper at isilid sa plastic wrap o kaya sa isang ziplock para maiwasan ang pagtigas ng keso, tsaka ipasok sa ref.

oOo

“Panatang Makabayan. Iniibig ko ang PAN. Kahit walang palaman. Basta mabusog lang.”

Ayos Ang Maging Maayos

DSC05879Maalala ko, unang araw ng Bagong Taon, nang maglinis at nag-ayos ng closet nya ang unica hija ko. Impernes, hindi ko sya inutusan ha.

Sikreto naman akong nasiyahan sa pagkukusa ng doter ko na maging maayos sa mga gamit nya.

Sana lagi nya maalala na, ayos ang maging maayos. Dahil talaga naman makakaiwas tayo sa stress ng daily living pag less clutter ang palibot natin.

Kahit sa mga uniform nya sa school, ako lang ang naglalaba pero never naman ako pinaghanda at pinagplantsa ng mga uniform nya. Sa gabi pa lang bago matulog si Doter, inihahanda na ang mga isusuot at gamit nya.

Sinilip ko ulit ang locker nya kanina. Hmmmn…kahit papano medyo maayos pa rin naman ang pagkalagay ng mga damit at mga abubot nya.

Kunsabagay, proud naman ako kay Keziah ko kasi malinis, maayos at hindi burara sa mga gamit nya.

Kumpara kay Kevin? Ayyy! Pass! No comment ang madir!

 

 

oOo

"Ang PAG-IBIG ay parang pera, pag hindi totoo, hindi tinatanggap."