May bago akong labs na lutuin na super easy lang talaga gawin. Eto ay ang Mac and Cheese. Parang nagluto lang naman ako ng instant pancit canton sa sobrang dali. Chos!
The last time na nag grocery ako, may nakita kasi akong bagong produkto ang Del Monte.
Eto ang Del Monte Cheese Magic, All-in-One Cheese Sauce. Sabi ko, aber, masubukan nga itey.
Binasa ko ang Easy Mac & Cheese recipe sa likod ng pouch.
O divah, so easy as ABC lang.
Tamang-tama naman may elbow macaroni ako sa mini-pantry ko at may butter pa sa ref.
The recipe calls for 1/4 cup fresh milk. Ay! Alaws ako fresh milk at evap milk lang meron ako. Howel, pwede na rin ‘to kako. Pareho lang naman silang milk.
Ganito lang naman ‘to kadali pagkatapos na maluto ang elbow macaroni. Habang mainit-init pa ang pasta, ilagay ang…
1. Butter
2. Del Monte All-in-One Cheese Sauce
3. Milk
Paghaluin. Ganun lang!
Voila! May good for 3-4 servings ka ng Mac & Cheese.
(Pero good for 2 lang sa amin ni Keziah.)
oOo
“Ang babae kahit nasasaktan na yan, maganda pa rin.”





wow ang sarap naman niyan..ill try this at home. Thanks for sharing.
[Reply]