Recipe: Lasagna Rolls

Ginawa ko ‘to noong Monday noong nag hapi bertdey ako. Pinang-dinner namin ng mga bagets ko. Mas gusto ni Kevin ko ang ganitong klaseng luto ng lasagna, yung niro-roll. 😀

Lasagna Rolls

Ginamit ko siempre ang dati ko ng nai-post na Lasagna Recipe pero may mga pinalitan lang ako at may idinagdag.

Lasagna Rolls

lasagnarolls(1)

Imbes na diced chicken breast, ground beef ang ginamit ko. Tsaka imbes na mashed sausages, chopped mushroom din ang inilagay ko. Habang ginigisa ko ang filling, nilagyan ko rin ng konting ground oregano.

lasagnarolls

Bukod sa white cream sauce, nagdagdag din ako sa recipe na ‘to ng mga 1 cup na spaghetti sauce na in-spread ko sa ibabaw para sa mas malasang sauce.

lasagnarolls 

 Lasgna Rolls

 

oOo

“Iwan mo man sya at magmahal muli, huwag mong kakalimutan na pwede kang masaktan sa parehong pagkakataon.”

Muni-muni With Kopiccino

Sa halagang eight petot (P8.00) mas lalong pinaganda ng ilang minuto ng Kopiccino ang ME Time ko.

Hindi na ako lumabas ng bahay at sa isang sulok ng bahay na lang ako gumawa ng panandaliang pagmuni-muni ko.

 Cappuccino

Ala ey, itinabi ko muna ang kapeng barako ko at sinubukan ‘tong bagong produkto ng Kopiko – ang Kopiccino, courtesy of my sister Millette – na lagi akong dinadalhan pag may mga bagong lokal na produkto sa merkado basta konektado sa kape. Lalo na pag mura lang. Hehe!

Cappuccino 

Again, OCHO pesos lang ‘to, madlang pips! At may instant cappuccino ka ng malalagok.

Para sa mga adik sa kape gaya ko eh – aruuuu! langit ‘to!

Eh kasi di ba, pag gusto mo mag-cappuccino sa mga coffee shops, pinakamura na yata ang singkwenta pesos para sa maliit na tasa. Eto, ocho-ocho lang!

Kopiko Kopiccino

O ha! May kasamang maliit na pakete pa ng choco granules na nakadikit sa likod ng sachet.

Kopiko Kopiccino

“Prod: 01 2012” – last month lang pala talaga ginawa ‘to. Bago nga!

Nag-enjoy ako sa bagong Kopiccino… na sing-sarap pero hindi sing-mahal ng mga cappuccino ng mga sushalang coffee shops.

Heniweys, habang humihigop ako ng Kopiccino ko, tuloy-tuloy lang ako sa pagmuni-muni ko tungkol sa mga nangyari sa sa layp ko. Sa kaapihan, pambabastos, pangloloko at pamba-balewala na dinanas ko lalo na dun sa isang tao na may malaking parte ng past ko. Hahahaha! Charos! Biglang sabay ganun?

Howel, um-emote man ako, di naman ako umiyak.

Hinanakit, oo meron ako.

Galit? Yun ang wala ako. Sigurado ako.

Ang totoo, mas lalo lang ako pinapalakas ng mga experience ko. Lalo na nang mabasa ko ‘to…

Exodus 14:14

Just LET GO and LET GOD.

O ha! Chillax lang daw ako. At magkape-kape na lang muna. 😀

 

oOo

“Four things you should know before you die: 1. Learn to love. 2. Learn to forgive 3. Learn to forget. And, 4. Learn to live.”

Monday Humor 02.27.12

** Courtesy of Mike

WOMAN: "Ano ba at nanginginig ka sa takot?"
MAN: "Nakita ko kasi asawa ko sa labas ng motel?"
WOMAN: "Wala naman yatang kasama?"
MAN: "Siya walang kasama. E ako meron!"

TEACHER: "Ok class pass your test papers!".
Kinabukasan..
TEACHER: "Oh! Pedro bakit pareho kayo ng sagot ni Juan?"
PEDRO: "Syempre! Pareho lang ang question. Ano tanga-tangahan tayo dito mam?!"

muse sa basketball

  •  

BOXING MATCH
JUAN: (SIGAW ng SIGAW) "Sige wasakin mo ngipin nya!"
KATABI: "Bakit ka ba sigaw ng sigaw na wasakin ang ngipin at hindi mga mukha nila?"
JUAN: "Dentista ako."

TEKLA: "Sana di ko na isinama sa kabaong ni Bogart yung celfone nya nung inilibing siya."
PETRA: "Bakit?"
TEKLA: "Nag text sya, sabi, "dito na me sunod na u!"

Continue reading

Saturday Humor 02.25.12

Funny Filipino Sign MARE1:”Ang isuot natin sa class reunion ay TERNO sa HAIR ng mister natin!”
MARE2: “Black dress ako!”
MARE3:”Ako mini-skirt!”
MARE4: “Maghuhubad ako?”

JUAN: “Manong, magkano ang GUPIT?”
BARBERO: “P100 po sir!”
JUAN: “Magkano ang AHIT?”
BARBERO: “Promo po, P50 lang!”
JUAN: “O sige, PAKIAHIT ang ulo ko!”

JUDGE: “Totoo bang binato mo ng SILYA ang iyong asawa?”
MISIS: “Opo, your honor!”
JUDGE: “Bakit mo ginawa yon?”
MISIS: “E di ko po mabuhat yung LAMESA!”

ADDICT: ”Payag ka na bang magpakasal sa akin?”
GRO: ”Oo pero ok lang ba sa iyo kung meron akong past?”
ADDICT: ”Ok lang, wala naman akong future eh!”

JUAN: “Away kami ni misis kagabi, nagdilim paningin ko!”
MAX: “Sinaktan mo?”
JUAN: “Sinakal ako, NAGDILIM PANINGIN KO, nawalan ako ng malay!”

JUAN: “Tay, ang CORRESPONDENCE po ba ay dalawang R?”
TATAY: “Gawin mo ng tatlo anak, para sigurado!”
JUAN: “Galing nyo talaga tay, sigurista!”

Pumasok ang isang pasyente sa klinika…
PASYENTE: “Dok, tulungan nyo po ako…pakiramdam ko, binabalewala ako ng mga tao!”
DOKTOR: “Next!”

CUSTOMER: “Ang linis talaga ng resto nyo!”
WAITER: “Salamat po, bakit po nyo nasabi?”
CUSTOMER: “Kasi lahat ng pagkain nyo, LASANG SABON!”

ANAK: “Tay, ingat kayo sa DANTRAK!”
AMA: “Anong dantrak?
ANAK: “Yun pong trak na sampu ang gulong!
AMA: “Hinde dantrak yun… TEN MILLER!”

JOSE: “Alam mo b na nauutusan ko ang aso ko n bumili ng dyaryo para sa akin!

JUAN: “Alam ko.”
JOSE: “Pano mo nalaman?”
JUAN: “Kinuwento skin ng aso ko!”

BOY: “Eraser ka ba?”
GIRL: “Ulol, Pakyu! Wag mo akong ikumpara sa mga walang kwentang bagay!”

 

oOo
"Aanhin ang PAG-IBIG na wagas kung wala kayong BIGAS."

Recipe: No-Bake Blueberry Cheesecake

Blueberry Cheesecake ang request na ipagawa sa akin ni Kevin noong New Year pa. Nabili ko ang mga ingredients maliban lang sa isa. Ang cream cheese! Ewan ko ba, as in nagkaubusan talaga ng cream cheese sa mga tindahan noong Bagong Taon.

Pinangako ko sa kanya, sa bertdey ko na lang sya gawan ng request nya. 

At noong Wednesday, bertdey ng junakis ko kaya I did this for him.

No-Bake Blueberry Cheesecake

 No-Bake Blueberry Cheesecake  

No-Bake Blueberry Cheesecake

No-Bake Blueberry Cheesecake ingredients

NO-BAKE BLUEBERRY CHEESECAKE
Crust:

  • 1 1/2 cups graham cracker crumbs
  • 1/2 teaspoon cinnamon powder
  • 1/4 teaspoon nutmeg
  • 1 tablespoon sugar
  • 1/2 cup softened butter
  • 1 teaspoon lemon juice (optional)

Filling:

  • 1 cup (1 brick) cream cheese
  • 1 cup (1 brick) all purpose cream
  • 1/2 cup sugar
  • 3 tablespoons liquid milk
  • 1 tablespoon or 1 sachet of Knox unflavored gelatin
  • 1 teaspoon lemon juice (optional)

Topping:

  • 1 can Comstock Blueberry pie filling

No-Bake Blueberry Cheesecake 

To prepare crust:

  • Crush graham crackers.
  • Mix all dry ingredients. Add butter to bind. Mash well.
  • Transfer and press evenly on bottom of ungreased springform pan.
  • Place in the freezer to harden crust.

To prepare filling:

  • Using a mixer, whip chilled cream with 2 tablespoon sugar until stiff. Set aside.
  • In a separate bowl, gradually mix remaining sugar into softened cream cheese. Beat until fluffy and set aside.
  • In a small sauce pan, combine milk and gelatin powder. Heat until completely dissolved. Remove from heat, pour and beat into cream cheese mixture.
  • Fold in cheese mixture to the whipped cream and beat on medium to high.
  • Add lemon juice to add some zest in your cream filling.

To assemble:

  • Bring out pan from freezer and pour in the cheesecake filling. Spread evenly.
  • Cover pan and chill.
  • Top with blueberry pie filling or fruit compote before serving.

Wala akong mabiling Graham crumbs kaya ginamitan ko ng food processor ang pagdurog ng crackers. Hindi lang yung pagdurog ng crackers ng pinong-pino ang kinarir ko. Pati yung pagporma ng crust sa springform, kinarir ko rin. Para hindi sabog-sabog ang crust pag ini-slice.

No-Bake Blueberry Cheesecake

Hindi ‘to ang first time na gumawa ako ng cheesecake at napag-alaman ko na mas OK kung huwag muna ilagay ang toppings habang chini-chill sa ref. May tendency kasi na mag-dry at umitim ang toppings.

Tsaka na lang maglagay ng toppings kung ise-serve na.

No-Bake Blueberry Cheesecake

May iba kasi na gusto nila ng cheesecake na plain lang…nakahubad o naka- “topless”. 😀

 

oOo

“Sana lumaban pa sya. Para sana hanggang ngayon, kayo pa ring dalawa.”

Friday Humor 02.24.12

**Courtesy of Xander Nepomuceno

BOY:  "Miss CHICHARON ka ba?"
GIRL: "Bakit? Dahil masarap ak0ng pulutan?
BOY: "Hindi eh.. Ang ingay-ingay mo kasi pag kinakain kita."

pacman

**Courtesy of Mike

Apat na K na pala ang malakas kay Pnoy:

  1. Kaklase
  2. Kaibigan
  3. Kabarilan at
  4. KOREANA.

Ang babae ay parang pagkain..
ESTUDYANTE – Lugaw (masarap habang mainit)
KABIT – Adobo (kaunting init pwede na ulit)
ASAWA – Sardinas (no choice)

Isang malamig na umaga sa ating lahat..
Steps para mag-init:
1. Magsuot ng 20 jackets na may mainit na tubig.
2. Yumakap sa mainit na kaldero
3. Magplanking sa 10 kandilang nag-aapoy

MISIS: "Impotent ka na ba, hon?"
MISTER: "Hindi pa no! Bakit mo naitanong?"
MISIS: "Kasi, kagabi nag-love making tayo, hindi tumayo ang sayo!"
MISTER: "Paanong tatayo eh nakapatong ang laptop sa dede mo at nagkukuwenta ka ng mga utang natin. Nasira ang concentration ko!"

EVE: "Kawawa kaming mga BABAE…kapag nagsilang ng bata, isang PAA namin nasa hukay!"
ADAM: "Mas kawawa kaming mga LALAKE, pag gumawa ng bata…isang ULO namin nasa hukay!"

Continue reading

Bente Uno

Dahil BERTDEY mo ngayon….magpapansit tayooooo! Lol!

21st birthday

21 is so much more than just an age. It’s totally a time for fun, great times, and looking ahead to the wonderful things yet to come!

Happy 21st Birthday to my unico hijo, Kevin!

 

oOo

“You have a lifetime to work, but children are only young once.”  ~Polish Proverb

Bitin Kay Pogi

Wala pang 24 hours ang pag-FOLLOW ko sa kontrobersyal na si Hayden Kho, “Thanks and bye.” na agad ang tweet ng mokong kanina!

Kainis lang ha! Kagabi ko lang kasi nadesisyunan na i-follow sya, tapos wala na pala akong mababasa na tweets nya sa timeline ko mula ngayon?! Waaaa! Bitin ang pag i-stalk ko!

Ewan ko ba, sa pagba-bye nya, pakiramdam ko tuloy eh may kakulangan na agad sa BUHAY-TSISMOSA ko. Parang ang laking kawalan sa akin. Chos.

2-21-2012 2-07-55 PM

Tsk! Tsk! Tsk! Mukang tapos na yata ang pag-asa ni Hayden na maging multi-millionaire someday. Hehe! Joke!

Kasi naman, winagayway na yata ni Vicki Belo ang puting tela…senyales ng pagsurrender kembular sa relasyon nya with Hayden. Hindi na nya keribels ang kati ng fiancee nya.

Tsugi na talaga Hayden kay Vicki. Kagabi lang yata nalaman ni Hayden na nag-unfollow na si Vicki Belo sa Twitter nya. (Potpot! Parang mga bagets lang ang mga arte ha!). Kaya galit na galit si lalaki at nakapag-tweet tuloy ng kung anik-anik. (Yan ba ang tunay na lalaki?) Tas, buburahin din naman pala yung mga nai-tweet nyang ka-shitan.

Tingin ko naman dito kay Hayden eh mabait naman. Pero siempre, magkaiba ang mabait sa makati. Nakakapanghinayang din ang ilang years na relasyon nila di ba? Ambait pa ni babae.

Haays..sino me sabing pag nasa relasyon eh masaya? At sino me sabing ang lahat na masaya eh nasa relasyon?

Heniweys, here’s my unsolicited advice just for this mamang pogi.

Dear Mr. Hayden Kho, ganito na lang, paminsan-minsan ay samahan mo naman ng delikadesa ang kati. Truly yours, Mamaru. Tsup!

 

oOo

“Ang SORRY ay para lang sa mga bagay na hindi sinasadya, hindi yung mga kalokohang paulit-ulit ginagawa.”

Rice Conditioner

Ang bonggels na talaga ng panahon. Dati hair conditioner at fabric conditioner lang ang alam kong meron. Ngayon pati bigas may conditioner na rin!

Hindi nakakapagtaka kung balang araw ang suka, toyo at asin eh may conditioner na rin. Charot.

Hmmn… at kelan naman kaya magkakaroon ng Lactacyd Feminine Hygiene with Conditioner? Well, ok lang kung wala. Hindi ko kelangan. Wala naman kasi iko-condition dun sa akin. Hihi!

Heniweys, lately, eto at may dinagdag ako sa kodigo ko sa pamamalengke kasi na-curious ako nang mapanood ko ‘to sa TV. Ang bagong Knorr Rice Mate.

Knorr RiceMate2

Tig-tupipti (P2.50) lang naman ang per sachet kaya buy ang Mamaru ng sandosena.

Ang chika na naka-print dun sa packaging:

  • tsek! – tamang lambot at lagkit
  • tsek! – bagong-ani ang bango at lasa
  • tsek! – may Vitamin A at Iodine

 Knorr RiceMate3

Ihahalo lang sa sabaw ng sinaing ang puting powder.

Since yesterday nilalagyan ko na ang sinaing namin ng Knorr Rice Mate at ang bango! Amoy-Pandan, mga ateng! Kunsabagay, nasa packaging naman talaga ang picture ng Pandan leaves.

Knorr RiceMate

Ang tarush! Lumalabas na pag may Rice Mate eh kanin pa lang, ulam na! Lol!

Tama naman ang claim ng produkto, melembot at mebengo ang sinaing.  Hindi ko masasabing parang bagong-ani ang lasa kasi hindi pa ako nakakakain ng kanin na bagong-ani.

Palagay ko malulungkot na ang mga tirador ng kaning-lamig sa produkto na ‘to ng Knorr. Kasi pag ganito lagi ang sinaing nyo…walang magiging BAHAW. 😛

 

 

oOo

“Piliin mo yung may class, hindi yung mukhang takas.”

Monday Humor 02.20.12

Undies-Girl

Cycling competition:
MC: "Its a big surprise, a sexy girl won, how did you do it?"
GIRL: "I never sit, head-on pedaling to the finish line with just a mini skirt & no panties."

Dear Teachers..
Lagi ninyo pong tatandaan na hindi porke parepareho kami ng sagot ay nagkopyahan na kami. Bakit po ba? May tamang sagot po ba na iba-iba? Ano yun? Originality?
Yours respectfully,
STUDENTS

Lady outside a phone booth: "Excuse me, sir? You’ve had the phone for the past 20 minutes but you haven’t said a word."
MAN: "Pwede ba?! I’m talking to my wife!"

MISTER: "Sweetheart, bumili ako ng mga flavored condoms. Laro tayo, pikit ka tapos guess mo kung anung flavor ang suot kong condom."
MISIS: "Wow, sige ba!"
*pumikit si misis, ginapang si mister*
MISIS: "Uhm… shawarma flavor?"
MISTER: "Dear, wala pa akong suot eh."

    Continue reading