Mi Hijo Hermoso

I like my son’s sense of humor. Ilang beses na rin nya ako napatawa sa mga hirit at kwento nya. At nagpapasalamat ako dahil bukod sa naging magandang lalaki sya, courtesy op kors of yours truly, namana nya dahil sa taglay kong gandang-orihinal (chos!),  eh natural pa ang pagiging funny ng unico hijo ko. 😀

Aminin na natin, plus pogi-points talaga sa lalaki pag may sense of humor, di vah?

Kaya nakakatuwa at parang tumataas na yata ang market value ng anak ko. Sa mataas at tamang halaga ay malamang pwede ko nga siguro sya maibenta o maibugaw sa matrona o bakla… balang araw. Jooooke!

DSC05808

 La madre bonita y hermosa con su hijo hermoso. Charos! Punyemas!

Kahapon lang, binulaga na naman nya ako sa pagpasok dito sa kwarto ko.

KEVIN: "Ma, may joke ako."
AKO: "Hmmmn ok, ano?"
KEVIN: 
             "ANAK: ‘Nay, asan ba ang Pacific Ocean?"
            "NANAY: Yan! Yan na nga ba ang sinasabi ko! Kung saan-saan nyo kasi iniiwan. Tapos, pag nawawala na, sa akin nyo hinahanap! @#%^&$#!"

 

Happy Friday lovelies!

 

oOo

“Tatlong bagay lang naman ang masarap sa mundo, ang LIBRE, ang BAWAL at AKO!”

Wa Pakels!

Hindi ko kaya ‘to. Nauuyam talaga ako sa balitang-ligawan ni Noynoy at Grace Lee. Please lang ha! Lubayan na sana ng media ang pagbabalita ng tungkol sa kanila.

Ang daming balitang KADIRI, wag na sana nilang dagdagan pa ng isa. Tama na yung MINSAN ay naisama sila sa primetime news. Wag na po sundan. Plissssss!

Mas gugustuhin ko pang isama ulit sa news ang return of the comeback ni Mommy Dionisia Pacquiao kesa Noynoy + GraceLee na ligawan. Wala dalang kilig factor ang dalawa at lalong wa akong pakels sa nararamdamang kati nila  sa isa’t isa!

Eto naman si koreana, parang enjoy na enjoy at kilig na kilig ang pechay sa pansamantalang kasikatan nya. Sows!

Simple lang. I don’t like Grace Lee. At hindi kami close! Haha!

 

oOo

“Okay lang na magmahal ka, huwag ka lang umasa.”