Me Time With Doctor Fish

Nag Me Time kahapon ang Mamaru.

Kahit once a month lang, I see to it na dinadala ko talaga ang sarili ko para magpa-full body massage o kaya magpa-ventosa sa suking SPA Clinic ko dito sa Iligan. Nagiging madalas ang headache ko kasi pag hindi ako nakakapag-masahe sa loob ng isang buwan. Howel, ganun talaga pag tumatanders na. 🙁

Kahapon medyo naiba ang trip ko. Sinubukan ko rin yung Doctor Fish Spa Therapy bago nagpa-masahe. 

Medyo naintriga kasi ako dito sa mga mukhang-PIRANHA na mga isda sa loob ng aquarium. Lol!

Doctor Fish Spa Therapy

Napanood ko na sa TV ang tungkol sa Fish Therapy. Nabasa ko na rin sa mga magazines pero siempre inalam ko pa rin dun sa clinic kung anong benefits pang meron sa kaek-ekan na itetch.

Doctor Fish Spa Therapy

One hundred petot lang naman ang bayad sa 15 minutes na pagbababad kaya sigeGo ako!

Doctor Fish Spa Therapy

Napatili ako ng slight sa unang lusong ko. Potah! Nakakakiliti kasi.

Doctor Fish Spa Therapy 

Ayan! Pinagpipyestahan na ng mga PIRANHA ang aking mga faa! Nilalafang nila ang mga dead skin ko.

Habang nagpapakabusog ang mga miniature carp fish, tinanong ko na rin ang mga spa attendant kung meron silang Fish Therapy para naman sa FACE. 😀 Parang trip ko rin ipapapak sa mga mala-piranha na mga isda na itu ang mga dead skin ko sa fez.

After 15 minutes, pag ahon ko, medyo nag-expect ako na gaganda ang tsura ng mga paa ko. (As if may remedyo pang gumanda)

Doctor Fish Spa Therapy

Hmmmnbakit ganun? Bakit mukhang pinipit na LUYA pa rin ang mga paa ko? Haha! Kalurkey!

Seryoso, wala naman akong naramdaman na pagbabago maliban sa nakiliti lang talaga ako for 15 minutes. Hindi ko sinasabi na isang malaking ka-etsingan lang ang Fish Spa Therapy. Siguro nga, kahit papano ay may mga benepisyo din na naibigay sa akin yung kinse minutos pagpapak ng mga isda sa paa ko at di lang makita ng mga mata ko. Yun lang.

 

 

oOo

Ang relasyon na hindi nag-aaway ay maghihiwalay.

 

2 thoughts on “Me Time With Doctor Fish

  1. I’ve tried it once.. Having a fish spa is tickling! hahaha! Fishes are biting your dead skin. Me and my cousins enjoyed it a lot! Have you tried the pot spa?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.