When The Mothers Talk

“No woman wants a jobless man in his 30s or 40s still living with his parents aka a NINJA (No Income, No Job or Assets)”

“When the mothers talk…it’s best to pay attention.”

Ayan! At talaga naman mega-quote ko si Tim Tayag sa article nya sa SMILE (Magazine for Cebu Pacific, dated May 2011). Kung sino man si Tim Tayag, wa ko sya knows at ayaw ko na rin alamin kung sinetch sya.

Nagustuhan ko lang yung mga chika nya dun sa article kung saan sineseryoso nya ang advices ng Mudra nya lalo na sa usaping pag a-ASAWA!

Tama naman siya na dapat makinig talaga sa Nanay. Dagdag pa nga nya dun…

“The Pinay mom is all-knowing, infallible, and dispenses the world’s best advice.”

O ha! Take note, the Pinay moms daw! At malamang kasama ako diyan sa tinutukoy nyang mga Pinay moms, dahil isa din akong Pinay. Hindi nga lang akong pure Pinay. For your info, I am a 90% Pinay and 10% discount. Chos!

lazy-man-chilling-out-on-sofa

Heniweys, eto ang chika ni Tim sa mga paalala ng Mudra nya sa mga kalalakihang nag-iisip na mag-ASAWA:

1. WAIT TILL YOU’RE 30 TO WED. Agree ako. Sa edad na ‘to, kahit papano naman ay may sense of maturity na ang isang lalaki. Mas alam nyo na kung ano talaga gusto nyo sa buhay.  At siguro naman ay may work na kayo sa edad na ‘to o kaya may sarili ng negosyo at papunta na rin sa pagiging stable na talaga sa buhay.

Alam ko hindi lahat, pero may ibang Pinoy na kahit na nasa edad na ‘to ay wala pa rin work, nagpapalaki lang ng bayag at nakikitira pa rin sa mga magulang. At tama ang reminder ng madir ni Tim, tandaan nyo, “walang babae ang gugustuhin na makapag asawa ng isang lalaking NINJA ( No Income, No Job or Asset).”

2. DON’T MARRY AN UGLY GIRL. – Ang harsh!! Pero I’m guilty dito, your honor. Naalala ko minsan noong high school si Kevin ko, sinabi nya sa akin na may gerlpren na sya. Pinaka-unang tanong ko sa kanya ay, “Maganda?”. Ewan ko ba bakit ganun agad ang tanong ko. Haha! Siempre naniniwala ako na wala naman sa panlabas na anyo ang kagandahan.

Kaso tandaan nyo na pag nag-asawa ka na, andun yung lalabas din paminsan-minsan ang pagka maldita ng mga babae na talaga naman tunay mong kaiinisan din. Kaya importante daw na kahit papano ay may angking-ganda din ang chura ng magiging wifey nyo kahit nagiging demonyita.

Higit sa lahat, siguro naman gusto mo rin magpakalat ng magaganda at guwapo na lahi, di ba? Kasi ako as a mom, siempre, gusto ko rin magkaroon ng mga good-looking APO. Wahihi!

3. GET YOUR OWN PLACE. – Trulili itu na there’s only one queen bee in the beehive. Ako mismo naniniwala na hindi mo pwedeng hayaan ang dalawang babae sa iisang kusina. Ibig ko sabihin, kung mag-aasawa ka, kelangan bumukod kayo.

Ika nga, sa ngalan ng KATAHIMIKAN, KATIWASAYAN at KAPANATAGAN ng inyong pagsasama, wag kayo makikitira sa mga in-laws.

4. FINALLY, HEED THESE FIVE WORDS…"White woman will divorce you." – Sa totoo lang, may pagka-racist dito ang tunog ng Mom ni Tim. Hahaha! Eh kasi nga daw, “Statistically speaking, a Caucasian woman is more likely to file a divorce compared to a good old Philippine-born Filipina.” 

Uy, hindi lang naman mga Caucasians, pati mga Pinay na pinanganak o laking-abroad eh parang ginagawang hobby lang din kung makapag-file ng  divorce pag ayaw na nila sa partner nila. Agad-agad!

Kunsabagay, hindi naman ibig sabihin din na mas magiging mabuti ang marriage nyo pag purong-Pinay ang pinakasalan mo. Kaso aminin na natin, totoo naman na mas malaki ang chances na mag i-stick talaga sa ‘yo hanggang pagtanders nyo o kamatayan mo pag Pinay ang partner mo. 😀 Eh kasi nga di ba, known ang Pinay na mas loyal, caring at higit sa lahat eh resilient. 😀

Ah basta, tandaan nyo lagi ang sabi ni Florante dun sa kanta nyang PINAY…

“at kung ikaw ay mag-aasawa ang kunin mo ay Pilipina
pagkat magaganda ang mga Pinay.
Sa bahay man sila’y mahuhusay.
Kumustahin kung manamit, okey lang
at kung umibig ay lalong okey ang Pinay.”

 

HAPPY FRIDAY Everyone!

 

oOo

“Hanapin mo yung taong magbabago ng buhay mo, hindi yung magbabago ng RELATIONSHIP STATUS mo.”