Kevin, Anyare Sa ‘Yo?

Noon, madalas tinatanong sa akin kung ang name ba daw ng panganay kong anakis na si Kevin ay sinunod ko dun sa blockbuster movie ni Macaulay Culkin na Home Alone (1990). Kevin kasi ang name ni Macaulay dun sa movie at 1991 nang ipinanganak ko si Kebintot ko noon.

Ay, hindi po. Sobrang idol ko lang si Kevin Costner noon kaya sinunod ko ang namesung ng unico hijo ko dun at hindi dahil kay Kevin McCallister ng Home Alone the movie.

MACAULAY CULKIN2

Speaking of Macaulay Culkin, sino ba  ang makakalimot at hindi makukyutan sa batang ‘to dun sa movie. Hanggang ngayon, 12 years na ang nakakaraan, aliw to the max pa rin akong panoorin ang mga movie nya kahit paulit-ulit.

Hanggang sa nagbinata siya, ang cutiepie pa rin nya. He is with his gf Mila Kunis in this pic noong 2005 na naghiwalay din noong 2010.

MACAULAY CULKIN3

Kaso nakakalungkot lang kasi napariwara ang hombre. Nahulihan sya ng drug possession noong 2004.

Eto ang mug shot nya noon.

MACAULAY CULKIN4

At the age of 31, eto na ngayon si Macaulay Culkin aka Kevin McCallister of Home Alone. Eto ang latest pic nya.

MACAULAY CULKIN1  

Kevin, anyare sa ‘yo?

Grabe ha! Nagmukha siyang senior citizen sa pic na ‘to! Haggard to the max.

Tsk! Tsk! Tsk! Sino may sabing masarap ang maging sikat o tanyag?

 

Source via

 

oOo

“Our life is not always the way we planned it, sometimes it is the way God planned it.”