Reklamo

Makulimlim ang panahon. Ang lakas makapagpa-emote. May Balentayms hangover yata si Haring Araw at ayaw pa lumalabas hanggang ngayong oras. Tsaka ang ginaw ha!

Heniweys, para kontrahin ang ginaw, I have decided na ilabas at isuot ang aking blusa na walang manggas. Makapag-sleeveless nga! Haha!

At para itaboy ang namumuong laziness sa katawan, nagkodak-kodak ako to perk up my mood. 😛

Moment ko to.

Feb1512collage

Ampogeeee ko! Shet! 😛

Ang lakas makapagpatamad ng ganitong weather. Kainis! Halos araw-araw umuulan.

As of this writing, para bang nananawagan na sa akin na ang mga papansin na mga pinggan sa lababo na wari ba ay gusto na nilang hugasan ko na sila.

At kanina pa nakatanghod sa akin ang alaga kong si Sang dito sa workstation ko. Nang sinulyapan ko, para bang nababasa ko sa nangungusap nyang mga mata ang tila nagsasabing Maderpaker guTOM JONES na po ako. Tsk! Hindi ko pa nga pala napapakain ang doggie ko. 🙁

Haays…kelangan labanan ko tong masamang ispiritu ng katamaran. Sayang kung hindi ko isasabuhay ang nasambit kong ending ng prayer ko kanina (ows? prayer talaga ha!) na

“This is the day the Lord has made. I will be glad and rejoice in it.”

Hmmmnmakapag-rejoice nga!

Mahina ako sa ginaw pero dapat wag akong reklamador. Dapat pasalamat ako kasi buhay pa ako. Dami kayang namatay sa Europe ng dahil sa lamig. At kahit mukha akong walang tulog (ops! balik-tingin sa mga kodak ko) sa gabi, kahit papano marami naman akong gising pag araw.

Mas piliin ko na lang siguro ang walang tulog kesa walang gising!

Ikaw, ano reklamo mo?

oOo

“Huwag mong pakawalan ang taong mahal mo dahil lang sa galit”