Thursday Humor 02.16.12

Magandang banat sa GF…
BF: "Love, chicharon ka ba?"
GF: "Bakit?"
BF: "Kasi ang ingay mo pag kinakain kita eh." 🙂

GURO:"Bakit 2 ang butas ng ilong ng tao?"
JUAN: "Mam,mam,para po pag nangungulangot tayo sa isa, makakahinga pa din tayo!"

maruism

Sa Jollibee…
JUAN:(taong-bundok)"Pabili ng honey!"
CASHIER:"Sir wala po kami tindang honey!"
JUAN:"Yabang lang pala! Laki pa ng bubuyog nyo sa labas!"

TATAY: "Anak, totoo ba na sa school, nagbibigay-galang ang lahat pag dumadaan ka? Astig ah! Ano sabi nila?"
JUAN:"Mabuhay ang mahal na reyna!"

JUAN:"Pare, winarningan ako ng misis ko na kapag umuwi pa ako na lasing, lalayasan nya na ako!"
MAX:"Bakit ka malungkot?"
JUAN:"Mami-miss ko sya!" 🙁

BUNSO:"Nay, nay, tingnan nyo po ang drawing ko oh!"
NANAY: "Wow!! Ang galing namang mag-drawing ng MONKEY ng bunso ko!" BUNSO: "Nay, kayo po yan!"

GURO:"Find the wrong word and make it past tense: "Maria CATCH a butterfly."

JUAN:"Mam, mam, "Maria catch a butterflew?!"

TRIVIA…
QUESTION: "Paano malalaman kung CAT, RAT or DOG ang SIOPAO?"
ANSWER: "Ipaamoy mo sa pusa. Pag gusto RAT yun. Pag ayaw CAT din. Pag tumakbo e di DOG!"

Naglalambing si misis.
MRS:"Babe, anong kaibahan noong nobya mo pa lang ako at ngayong asawa mo na ako?"
JUAN:"Aba malaki! 55 pounds?"

TITSER: "Tagalugin ang sumusunod: "I was happy when I saw your face!"
JUAN: "Mam, mam, "Masaya ako pag nalagari ko ang mukha mo!"

JUAN: "Doc, meron ho akong madidilaw na ngipin… ano ho ang marerekomenda nyo?"
DENTISTA: (tiningnan) "Kurbatang maroon!"

MRS:"Pakisabi sa sir mo magkiss lang ako!"
SECRETARY:"Mam busy po si sir. Ako na lang po tatanggap ng kiss nyo at ibigay ko mamaya sa kanya!"

GURO: "Class, sagutin ang bugtong na ito: "Nagtago si Pedro, nakalitaw ang ulo."
JUAN: "Mam, mam, "BOBO" po!"

TEKLA:"Nanaginip ako binilhan mo ko ng diamond ring ngayong Valentines Day. Anu kaya ibg sabihin nun?"
JUAN:"Malalaman mo mamayang gabi.."
KINAGABIHAN
Nakita ni Tekla ang gift galing kay JuanPag bukas nya, isang libro… "The Meaning of Your Dreams"

 

 

oOo

Minsan na nga lang kayo mag-date, Jolly Kiddie Meal pa!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.