Kitchen Deco

Kaya kinakarir ko ang gumawa muna ng kodigo o shopping list pag namamalengke ako ay dahil may paminsan-minsan akong ugali na napapabili ng items na hindi ko naman kelangan.

Napapariwara ako sa loob ng supermarket pag walang listahan. Nawawala ako sa budget. Bili ako ng bili ng wala sa testamento.

Veggie pasta3

Gaya na lang netong veggie pasta. Eye candy kasi. Natuwa lang ako sa mga matitingkad kulay nya kaya binili ko pero wiz naman akong idea kung paano iluluto. At sa tagal na nya dito sa bahay, wala na talaga akong planong lutuin pa sya.

Veggie Pasta1

Kaya ang nangyari eh talagang natingga at nagiging pang-dekorasyon ko na lang sya sa kusina ko gamit ang reusable coffee jar ko.

brown rice and pasta

Magkatabi sila ng brown rice ko na 48 years na yata sa tagal dito at hanggang ngayon ay wala pa rin sa plano ko ang isaing sya. Tsaka ko na lang siguro isasaing pag magda-diet ako. Sa ngayon, magda-diet pa ba ako eh pababa nga ng pababa ang timbang ko. Pakiramdam ko malnourished na nga aketch. Currently I’m only 90 lbs. Kaya nagmumukha na naman akong togue. Dati 98 lbs ako.

Impernes, kahit papano ay nakadagdag-sigla naman sa paningin ko ang mga “dekorasyon” na ‘to sa kusina ko.

 

oOo

“Nood sine mag-isa. Kain mag-isa. Salita mag-isa. Tulo-laway mag-isa. Sex mag-isa. Buhay single. Mag-isa.”

Related Posts with Thumbnails

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge