Homemade Microwave Popcorn

Araw ng Linggo, araw para kumuyakoy! Pa-kula-kulangot. Pa-relaks-relaks. Pa-chill-chill.

Eto ang araw na excuse tayo mag tamad-tamaran. Kebs kung walang ligo, masarap magbabad sa harap ng TV o mag movie marathon pag Linggo. Kaya naman perpek na kasama ang Homemade Microwave Popcorn na itetch. Op kors, with matching pantulak na isang litro na Lemon Iced Tea na walang ice. 😛

homemade microwave popcorn

Gamit ang microwave oven, eto ang MAS madaling paraan para gumawa ng Popcorn.

DSC06150

Kelangan siempre ng: 1. Popping corn 2. Brown bag 3. Tape

 DSC06151

Depende sa size ng brown bag, ikaw na ang mag-estimate sa dami ng corn na ilalagay mo.

Tas tupiin at i-tape.

DSC06153_2

Ipasok sa microwave oven ng pahiga.

Mag-expirement ka na lang kung ilang seconds o minutes mo paiikutin sa loob ang brown bag habang nagpuputukan ang mga corn. Depende kasi yan sa arte ng microwave oven mo.

DSC06154_2

Siempre, maging mapagmatyag, maging mapanuri at wag maging shunga. Wag patagalin sa loob ng oven kasi baka naman masunog yung mga mais.

DSC06155_2

Dito sa amin one minute lang, kita ko na agad ang paglobo ng supot.

homemade microwave popcorn

Dyaraaaaaan! Isang mainit-init na Papkern!

 homemade microwave popcorn

At dahil malaki ka na, nasa sa iyo na kung lalagyan mo ng asin, cheese powder o butter ang popcorn mo. Matanda ka na. Bahala ka na! Lol!

 

 

oOo

“Para tayong Blackberry. Handa akong mag Bold para sa ‘yo, basta ipakita mo din ang Torch mo.”

Sunday Humor 02.19.12

Nire-respeto ko ang unico hijo ko kung ayaw nya ako i-add sa Facebook nya. Kung ano man ang rason ni Kevin noon, eh hindi ko na inalam at natatawa na lang ako. Isa lang ang masisiguro ko kung bakit ayaw nya ko maging FB friend at yun ay kampante ako na hindi ako ma-EPAL na nanay gaya neto.

SMfXm

Smile! It’s Sunday!

 

oOo

“Liking your own Facebook status is like sucking your own dick.”