Bitin Kay Pogi

Wala pang 24 hours ang pag-FOLLOW ko sa kontrobersyal na si Hayden Kho, “Thanks and bye.” na agad ang tweet ng mokong kanina!

Kainis lang ha! Kagabi ko lang kasi nadesisyunan na i-follow sya, tapos wala na pala akong mababasa na tweets nya sa timeline ko mula ngayon?! Waaaa! Bitin ang pag i-stalk ko!

Ewan ko ba, sa pagba-bye nya, pakiramdam ko tuloy eh may kakulangan na agad sa BUHAY-TSISMOSA ko. Parang ang laking kawalan sa akin. Chos.

2-21-2012 2-07-55 PM

Tsk! Tsk! Tsk! Mukang tapos na yata ang pag-asa ni Hayden na maging multi-millionaire someday. Hehe! Joke!

Kasi naman, winagayway na yata ni Vicki Belo ang puting tela…senyales ng pagsurrender kembular sa relasyon nya with Hayden. Hindi na nya keribels ang kati ng fiancee nya.

Tsugi na talaga Hayden kay Vicki. Kagabi lang yata nalaman ni Hayden na nag-unfollow na si Vicki Belo sa Twitter nya. (Potpot! Parang mga bagets lang ang mga arte ha!). Kaya galit na galit si lalaki at nakapag-tweet tuloy ng kung anik-anik. (Yan ba ang tunay na lalaki?) Tas, buburahin din naman pala yung mga nai-tweet nyang ka-shitan.

Tingin ko naman dito kay Hayden eh mabait naman. Pero siempre, magkaiba ang mabait sa makati. Nakakapanghinayang din ang ilang years na relasyon nila di ba? Ambait pa ni babae.

Haays..sino me sabing pag nasa relasyon eh masaya? At sino me sabing ang lahat na masaya eh nasa relasyon?

Heniweys, here’s my unsolicited advice just for this mamang pogi.

Dear Mr. Hayden Kho, ganito na lang, paminsan-minsan ay samahan mo naman ng delikadesa ang kati. Truly yours, Mamaru. Tsup!

 

oOo

“Ang SORRY ay para lang sa mga bagay na hindi sinasadya, hindi yung mga kalokohang paulit-ulit ginagawa.”

Rice Conditioner

Ang bonggels na talaga ng panahon. Dati hair conditioner at fabric conditioner lang ang alam kong meron. Ngayon pati bigas may conditioner na rin!

Hindi nakakapagtaka kung balang araw ang suka, toyo at asin eh may conditioner na rin. Charot.

Hmmn… at kelan naman kaya magkakaroon ng Lactacyd Feminine Hygiene with Conditioner? Well, ok lang kung wala. Hindi ko kelangan. Wala naman kasi iko-condition dun sa akin. Hihi!

Heniweys, lately, eto at may dinagdag ako sa kodigo ko sa pamamalengke kasi na-curious ako nang mapanood ko ‘to sa TV. Ang bagong Knorr Rice Mate.

Knorr RiceMate2

Tig-tupipti (P2.50) lang naman ang per sachet kaya buy ang Mamaru ng sandosena.

Ang chika na naka-print dun sa packaging:

  • tsek! – tamang lambot at lagkit
  • tsek! – bagong-ani ang bango at lasa
  • tsek! – may Vitamin A at Iodine

 Knorr RiceMate3

Ihahalo lang sa sabaw ng sinaing ang puting powder.

Since yesterday nilalagyan ko na ang sinaing namin ng Knorr Rice Mate at ang bango! Amoy-Pandan, mga ateng! Kunsabagay, nasa packaging naman talaga ang picture ng Pandan leaves.

Knorr RiceMate

Ang tarush! Lumalabas na pag may Rice Mate eh kanin pa lang, ulam na! Lol!

Tama naman ang claim ng produkto, melembot at mebengo ang sinaing.  Hindi ko masasabing parang bagong-ani ang lasa kasi hindi pa ako nakakakain ng kanin na bagong-ani.

Palagay ko malulungkot na ang mga tirador ng kaning-lamig sa produkto na ‘to ng Knorr. Kasi pag ganito lagi ang sinaing nyo…walang magiging BAHAW. 😛

 

 

oOo

“Piliin mo yung may class, hindi yung mukhang takas.”