Recipe: Lasagna Rolls

Ginawa ko ‘to noong Monday noong nag hapi bertdey ako. Pinang-dinner namin ng mga bagets ko. Mas gusto ni Kevin ko ang ganitong klaseng luto ng lasagna, yung niro-roll. 😀

Lasagna Rolls

Ginamit ko siempre ang dati ko ng nai-post na Lasagna Recipe pero may mga pinalitan lang ako at may idinagdag.

Lasagna Rolls

lasagnarolls(1)

Imbes na diced chicken breast, ground beef ang ginamit ko. Tsaka imbes na mashed sausages, chopped mushroom din ang inilagay ko. Habang ginigisa ko ang filling, nilagyan ko rin ng konting ground oregano.

lasagnarolls

Bukod sa white cream sauce, nagdagdag din ako sa recipe na ‘to ng mga 1 cup na spaghetti sauce na in-spread ko sa ibabaw para sa mas malasang sauce.

lasagnarolls 

 Lasgna Rolls

 

oOo

“Iwan mo man sya at magmahal muli, huwag mong kakalimutan na pwede kang masaktan sa parehong pagkakataon.”

Muni-muni With Kopiccino

Sa halagang eight petot (P8.00) mas lalong pinaganda ng ilang minuto ng Kopiccino ang ME Time ko.

Hindi na ako lumabas ng bahay at sa isang sulok ng bahay na lang ako gumawa ng panandaliang pagmuni-muni ko.

 Cappuccino

Ala ey, itinabi ko muna ang kapeng barako ko at sinubukan ‘tong bagong produkto ng Kopiko – ang Kopiccino, courtesy of my sister Millette – na lagi akong dinadalhan pag may mga bagong lokal na produkto sa merkado basta konektado sa kape. Lalo na pag mura lang. Hehe!

Cappuccino 

Again, OCHO pesos lang ‘to, madlang pips! At may instant cappuccino ka ng malalagok.

Para sa mga adik sa kape gaya ko eh – aruuuu! langit ‘to!

Eh kasi di ba, pag gusto mo mag-cappuccino sa mga coffee shops, pinakamura na yata ang singkwenta pesos para sa maliit na tasa. Eto, ocho-ocho lang!

Kopiko Kopiccino

O ha! May kasamang maliit na pakete pa ng choco granules na nakadikit sa likod ng sachet.

Kopiko Kopiccino

“Prod: 01 2012” – last month lang pala talaga ginawa ‘to. Bago nga!

Nag-enjoy ako sa bagong Kopiccino… na sing-sarap pero hindi sing-mahal ng mga cappuccino ng mga sushalang coffee shops.

Heniweys, habang humihigop ako ng Kopiccino ko, tuloy-tuloy lang ako sa pagmuni-muni ko tungkol sa mga nangyari sa sa layp ko. Sa kaapihan, pambabastos, pangloloko at pamba-balewala na dinanas ko lalo na dun sa isang tao na may malaking parte ng past ko. Hahahaha! Charos! Biglang sabay ganun?

Howel, um-emote man ako, di naman ako umiyak.

Hinanakit, oo meron ako.

Galit? Yun ang wala ako. Sigurado ako.

Ang totoo, mas lalo lang ako pinapalakas ng mga experience ko. Lalo na nang mabasa ko ‘to…

Exodus 14:14

Just LET GO and LET GOD.

O ha! Chillax lang daw ako. At magkape-kape na lang muna. 😀

 

oOo

“Four things you should know before you die: 1. Learn to love. 2. Learn to forgive 3. Learn to forget. And, 4. Learn to live.”