Recipe: Lasagna Rolls

Ginawa ko ‘to noong Monday noong nag hapi bertdey ako. Pinang-dinner namin ng mga bagets ko. Mas gusto ni Kevin ko ang ganitong klaseng luto ng lasagna, yung niro-roll. πŸ˜€

Lasagna Rolls

Ginamit ko siempre ang dati ko ng nai-post na Lasagna Recipe pero may mga pinalitan lang ako at may idinagdag.

Lasagna Rolls

lasagnarolls(1)

Imbes na diced chicken breast, ground beef ang ginamit ko. Tsaka imbes na mashed sausages, chopped mushroom din ang inilagay ko. Habang ginigisa ko ang filling, nilagyan ko rin ng konting ground oregano.

lasagnarolls

Bukod sa white cream sauce, nagdagdag din ako sa recipe na ‘to ng mga 1 cup na spaghetti sauce na in-spread ko sa ibabaw para sa mas malasang sauce.

lasagnarolls 

 Lasgna Rolls

 

oOo

“Iwan mo man sya at magmahal muli, huwag mong kakalimutan na pwede kang masaktan sa parehong pagkakataon.”

6 thoughts on “Recipe: Lasagna Rolls

  1. Ruz dear, try it. Masarap talaga ‘to. Sundin mo lang yung recipe. Then kahit yung Eden quickmelt cheese ang gamitin mo sa pang toppings kasi mas mura yata ang Eden eh. Goodluck at maraming salamat for everything. πŸ˜€

    • @Novs: Yup! Ganyan lagi ang ginagawa ko kasi kakapusin na ako ng oras pag same day ko gagawin. Advance lagi ang paggawa ko ng rolls. Nilalagay ko lang sa ref, tinatakpan ng cling wrap then kinabukasan ko na bini-bake. O di kaya, unahin mo na ang mga rolls tapos kinabukasan mo na rin gawin ang sauce. Ibuhos mo ang white sauce just before u bake. πŸ˜€

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.