Saturday Humor 03.31.12

**Courtesy of Mike

PAALALA:
Ingat sa mga snatchers,
magnanakaw, akyat bahay,
lalo na sa mga asawang nangangaliwa.

Maghu-HULI WEEK na!

6packabs

GURO: "Bakit ka natutulog sa gitna ng klase?"
STUDENT: "Ang Sweet po ng boses mo mam kaya nakakatulog ako."
GURO: "Bakit yung iba hindi naman nakakatulog?"
STUDENT: "E hindi naman sila nakikinig e!" (palusot!)

KAMATAYAN: "Pedro kukunin na kita."
PEDRO: "Wag na po muna ngaun, marami pa akong gagawin."
KAMATAYAN: "Di pwede yun, ikaw ang 1st sa listahan ng kamatayan."
PEDRO: "Sige po, tatapusin ko muna to, pagtimpla muna kita ng kape."

(nilagyan ng pampatulog ni pedro ang kape. Nang makatulog si kamatayan, binura ni Pedro ang name nya sa unahan ng list at nilagay sa pinakahuli.. )

KAMATAYAN: "Napasarap tulog ko kaibigan. Dahil mabuti ang pakikitungo mo sakin, magsisimula ako sa pinakahuli ng listahan."

Continue reading

Cheapipay Kong Hulmahan

Tinatanong ako ng FB buddy kong si Ruz of Ruzikeks kung saan ko daw naharbat ang ginagamit kong springform pan sa mga cheesecakes ko.

Ruz dear, cheapipay lang ‘tong mga springform pans ko. Nabili ko ‘to dito sa pinagkukutaan ko sa halagang P179.00/set of 3, two years ago. Mura noh? Ewan ko lang kung meron pa until now.

set of 3

Nakaka-relate ako sa pinagdadaanan mo ngayon. Uu, medyo mahirap maghanap ng mga hulmahan na ‘to. Maalala ko, tuwing lumuluwas ako ng Manila noon, hanap din ako ng hanap ng mga affordable springform pans. Kaso lintek naman, ang nakikita ko sa mga department stores eh ginto ang presyo!

Pinakamura na yata sa nakita ko yung tig P1,200.00 ang isa! Mga imported kasi. Wa-afford ni Mamaru ang mga ganung presyo. Kunsabagay hanep din kasi sa quality ang mga yun. Non-stick at anonized aluminum ang pagkayari. Para sa pang-matagalan na gamitan talaga.

tag price

46 years muna ang hinintay ko bago ako nagkaroon. Ang tagal! Ang lagay eh hindi pa mamahalin ang mga hulmahan na meron ako ngayon.

Oo, chipipay lang. P179 pero tatlong piraso na, iba’t ibang sizes. Nang makita ko ‘to noon, hindi na ako nag-sekantot. Buy ko na agad. Kako, Ok na ako dito! Hindi ko naman kelangan ang mamahalin kasi pang-okasyon ko lang naman din gagamitin. Bibigyan ko na lang sila ng alagang-Mamaru para humaba ang buhay nila. 😛

Aminado akong mumurahin lang ang mga springform pans ko pero labs ko sila. Yari lang sa ordinary aluminum na madaling mayupi! Manipis ang base at madaling mangitim pag hindi aalagaan ng punas. Impernes, di naman sila tumutulo. Pero sabi nga nila, kahit anong mahal ng gamit mo, kung di mo naman bibigyan ng kaukulang TLC� eh madali rin masisira. Again, wala sa presyo yan. Nasa pag-aalaga.

Haweber, Ruz dear, kung gagamitin mo ‘to sa negosyo, I suggest na bumili ka na ng trustworthy na springform pans. Mag invest ka na dun sa may quality. Tutal mababawi mo naman ang puhunan mo pag bonggels na ang orders sa ‘yo, di ba? Try mo pumunta ng Trinoma, madami din silang mga bakingwares dun na affordable, baka maka-tyempo ka.

springform pans

Sabi ko nga, iingatan ko na lang ‘tong mga cheapangga kong mga hulmahan. Kaya naman everytime matapos ko silang gamitin, bago itabi eh pinupunasan ko muna then kinukumutan ng plastic tsaka ibinabalik sa orig nilang kahon. 😛 Tsura lang ng mga mamahaling springform pans na libo-libo ang halaga!

 

oOo

“Too much love will kill you, sometimes it makes you pregnant."

Recipe: Cookies & Cream No-Bake Cheesecake

Ginawa ko to noong nag-Sweet Sixteen ang unica hija ko last March 15.

Kung bibili o kaya o-order ako ng mga ganito kalaking cheesecake sa labas, mahigit P500 ang tiyak na presyong babayaran ko. Nanghinayang at nagtipid ang Mamaru, kaya minabuting gumawa na lang ng homemade birthday cake para sa anakis kasi more or less P300 lang ang gagastusin sa mga ingredients.

cookies n cream no-bake cheesecake

cookies n cream no-bake cheesecake

cookies n cream no-bake cheesecake

slice of cake  

Keziahs 16th Birthday cake.

birthday cake

Cookies and Cream No-Bake Cheesecake

Makes one 8 inch cheesecake.

Ingredients:

Crust:

  • 1 1/2 cup crushed graham cracker
  • 1/4 cup packed light brown sugar
  • 7 tablespoon unsalted butter(melted)

Cheesecake:

  • 2 cups all-purpose cream
  • 1 bar cream cheese, softened
  • 2/3 cup white sugar
  • teaspoon salt
  • 1 tablespoon lemon juice
  • cups cookies (Oreo), crushed

Instructions:

Crust:
1. Combine graham cracker crumbs with sugar.
2. Add melted butter and blend until combined.
3. Press into pan. Set aside.

Cheesecake:
1. Beat heavy cream until medium peaks form. Set aside.
2. Add cream cheese, sugar, salt, lemon juice to a bowl and beat with a paddle attachment until smooth (approximately 3-5 mins). If you do not have a stand mixer or a paddle attachment a hand beater will work as well, but will take twice as long to achieve a smooth consistency.
3. Add cream cheese mixture to heavy cream and beat until incorporated.
4. Gently fold in cookies.
5. Fill springform pan.
6. Refrigerate for at least 6 hours to set or overnight for best results.
7. Serve with whipping cream and garnish with mini cookies.

 

oOo

Hindi ako magmamahal ng iba. Kasi iiwan ko din siya sa sandaling magbalik ka.

Friday Humor 03.30.12

**Courtesy of Mike

Double CPR

PONG: Bok, bakit may tumutubong dahon ng sili sa tenga mo?
BOK: Nagtataka nga rin ako eh. May tumutubong sili? e buto naman ng papaya ang itinanim ko.

Pag FLAT ba, GULONG agad?
Di ba pwedeng BOOBS muna?

Hindi porke’t OPEN-MINDED ka eh…
OPEN LEGS na din!

BOY: Mahal nasan ka na?
GIRL: Dito sa park nakaupo, kaw?
BOY: Eto nanunuod.
GIRL: Ng ano?
BOY: Love Story
GIRL: Sweet naman. San ka ba?
BOY: Dito sa park pinapanuod ka habang may kayakap na iba, nakakaiyak nga eh.

  •  

3 babae nagkukuwentuhan ng kanilang love lives.
BABAE1: Asawa ko parang Rolls Royce: madulas at magara.
BABAE2: Asawa ko parang Porsche: mabilis at mapuwersa.
BABAE3: Asawa ko parang lumang dyipni. Kailangan pang itulak ng kamay, pagkatapos sakyan kaagad habang umaandar.

Continue reading

Nairaos Din

Parang ang halay yata ng title ko a. 🙁

Heniweys, four days ng nakatingga sa cellphone ko ang mga high school graduation pictures na ‘to ng unica hija ko. Bago pa man mapanis, kelangan ma-upload at mai-post ko na ang mga kodak na ‘tu dito sa blog ko para dokumentado eklavu kuno.

Isa ‘to sa mga importanteng “ganap” sa buhay namin mag-nanay.

Sa loob ng 21 years kong pagiging single mom, pang-6th na graduation ng mga bagets ko ‘tong dinaluhan ko. (Kindergarten, Elementary and High School x 2).

Haays…mga dalawang graduation na lang sa college ang bubunuin at paaabutin ni Mamaru. Siguro pag nakatapos na sila ng college, (si Kev mga one year na lang) eh siguro ay pwede na akong matigok at bumalik na lang dun sa kaharian naming mga engkantada/diyosa. Hehe!

Minsan kasi parang nakakapagod na rin ang maging mortal eh. Charot!

**(Click images for larger view)

Bago ko makalimutan, gusto kong pasalamatan ang waffu kong friend ko na si Roderick sa pagpapautang sa akin ng pambili ng graduation shoes ni Keziah. Taos-puso po ‘tong pagte-tenkyu ko sa ‘yo, mah friend. As in!

Dapat lang na i-acknowledge ko ang taong ‘to dahil sya lang ang tanging naging takbuhan ko last week. Hehe!

Siempre graduation eh, expected na limas na limas ang milyones na datung ni Mamaru sa dami ng binayaran sa school. Wa istir itu en I don’t have shy to telled you dis becoz its trulalu. Wahihi! Eh ganyan talaga ang mga buhay ng mga solong-magulang.

Well, kahit papano ay nakaraos din sa High School ang dalawang bagets ko.

Pero ang lahat-lahat na mga kaganapan na ‘to sa buhay namin mag-nanay, ay higit na ipinagpapaSALAMAT ko/namin dun sa itaas – kay Bathala!

Maraming salamat po! Kitang-kita ko po na hindi Nyo kami pinababayaan. Bow!

oOo

“It doesn’t matter kung hindi naa-appreciate ang effort mo, as long as masaya ka habang ginagawa ang mga yon para sa mga taong mahal mo.”

Wednesday Humor 03.28.12

**Courtesy of Mike

 279645458081526741_y13Mzd2G_c

  •  

GURO: "Juan, ano ang tawag sa nasasakupan ng Mayor?"
JUAN: "Eh di CITY.. example MAYOR BISTEK BAUTISTA OF QUEZON CITY."
GURO: "Good, Juan, ikaw naman, Pedro, ano naman ang mas malaki sa CITY?"
PEDRO: "Eh di UTSU, NWIBI AT DYIS SAKA UNSI DUSI"

JUAN: "Oh pare, bakit ka malungkot?"
PEDRO: "Kasi sabi ng doktor, 2 buwan na lang ako mabubuhay! May taning na ang buhay ko."
JUAN: "Madali lang yan, ganito gawin mo bago ka matulog lagyan mo ng lupa ang ibabaw mo."
PEDRO: "Oh tapos? Gagaling na ako?"
JUAN: "Hindi, para masanay ka na!"

Alam mo ba na ang bahay-bahayan ang pinaka makamundong laro sa Pinas? Ito ang training grounds ng maga early bloomer na manyakis at future rapist. Wag ninyong hahayaang maglaro nito ang inyong mga nakakabatang kapatid o mga anak. Lol!

TEACHER: "You people must sleep at least seven hours a day…’
PEDRO: "That’s impossible, ma’am! School is only for six hours!"

MARIA: "Ano hinuhukay mo?"
JUAN: "Libingan ng namatay kong goldfish!"
MARIA: "Laki naman nya para sa goldfish?"
JUAN: "Kasi nasa tiyan ng pusa mo yung goldfish!"

GF: "Babe nasaan ka?"
BF: "Nandito pa sa bahay… nagpapahinga.. Ikaw, nasaan ka?"
GF: "Nandito sa BAR, pinagmamasdan ka!.. Sige! Sayaw pa!"

MAX: "Pare, napansin ko may STALKER ka araw-araw!"
JUAN: "Ganun ba? Sino pare, yung bang crush ko?"
MAX: "Hindi yung LANGAW! Maligo ka na kaya!"

Wife to man on his birthday: "You can have sex for one hour the way you want it."
Excited husband jumps, kisses her & runs out saying: "I promise I’ll be back in one hour."

Scientists at U. P. have finally found out what’s wrong with "noynoying" of P-Noy…
On the left side of his brain, there’s nothing right..
And on the right side, there’s nothing left."

If your wife hugs you every time you come back home, remember it’s not affection but INSPECTION for
. Lipstick
. Ladies Perfume,
. Ladies hair on your shirt.
Be Careful! This is issued in the interest of the men folks!

JUAN: "Bilin ng misis ko, huwag ako maguuwi sa bahay ng di tapos na trabaho kundi lalayasan nya ko!"
PEDRO: "Bakit ano ba trabaho mo?"
JUAN: "EMBALSAMADOR!"

Bago mag-sex tinanggal ni Boy ang brief nya…
GIRL: "Oooh… ingat ka dyan… baka maduwal ako pag sinubo ko yan."
BOY: "Di ko napansin na ganun kalaki. Hehehe!
GIRL: "Tanga! Hindi malaki… mabaho!"

Bagong kasal sa honeymoon nila:
BOY: "Love, bilis hubad ka na."
GIRL: "Ano ako tanga? Ikaw muna!"
BOY: "Sige na nga."
(8 minutes later)
GIRL: "Anu na? Di ka pa rin tapos?"
BOY: "Wait ang sikip kasi nito."
GIRL: "Anu ba kasi yan?!"
BOY: "Yung kamay mo kasi nakasuksok sa brief ko."

TITSER: "Jason, paki sulat sa blackboard ang tagalog ng feet."
JASON: "Ano po yung feet? Sige po ma’am bigyan nyo po ako ng clue!"
TITSER: "Ok, parte ng katawan na meron apat ang bakat at may dalawa ako."
JASON: "SUSO."

Point of view!
When a WOMAN has put too much perfume, she is going on a date.
When a MAN puts too much perfume, he hasn’t taken a bath!

 

 

oOo

"Kapag babae ang umayaw, nasaktan na yan. Pero kapag lalaki ang umayaw, may iba na yan."

 

Recipe: Carrot Cake with Buttercream Frosting

Pers taym ko gumawa ng Kerot Keyk. Infernez, masarap sya. Parang ako lang. Chos.

 Carrot Cake with Buttercream Frosting

Carrot Cake with Buttercream Frosting

CARROT CAKE with BUTTERCREAM FROSTING

Ingredients:

  • 1 1/2 Cup All-Purpose Flour
  • 11/8 Cup White Sugar
  • 1/3 Cup Brown Sugar
  • 2 Cups Shredded Carrot
  • 1/2 Cup Crushed Pineapple
  • 2 Eggs, Lightly Beaten
  • 1/2 Cup Oil
  • 1 Tsp Vanilla
  • 1 1/4 Tsp Baking Soda
  • 1 Tsp Baking Powder
  • 1/2 Tsp Salt
  • 1/2 Tsp Ground Cinnamon
  • 1/2 Tsp Nutmeg
  • 1/4 Tsp Ground Ginger

Method:

  1. Beat eggs, add white and brown sugar until smooth.
  2. Mix oil and vanilla.
  3. Fold in carrots and drained pineapple to the mixture. Set aside.
  4. In a separate bowl, mix flour, baking soda, baking powder, salt and spices.
  5. Mix dry ingredients into carrot mixture until just moistened.
  6. Do not overmix.
  7. Fold in nuts if desired.
  8. Pour into prepared baking pan.
  9. Bake for 20-25 minutes.

BUTTERCREAM FROSTING:

Whisk together in a saucepan 5 Tbsp flour and a cup of milk. Cook over medium heat until starting to thicken and cook for a minute or two more– don’t let it get too thick or it will be too stiff when it cools.

Beat together a cup of unsalted butter and a cup of granulated sugar until light in an electric hand mixer or stand mixer. Beat in the cooled flour and milk mixture. Add 1-2 tsp vanilla and beat some more until it’s light and creamy.

Carrot cake

 

 

oOo

Who wants to have my heart? Its slightly damaged…but still full of LOVE.

Tuesday Humor 03.27.12

darna Mga SIGNS na nakakasira ng araw:
1. Bawal ang omehi deto and maholi bog-bog tsaka molta pa 1000.
2. Dont parking.
3. Wanted boy waitress.
4. Ponkan: 5 pesos per each.
5. Sweet corn may luto.
6. Ukay-ukay more on the second floor (upstairs).
7. Sorry were closed lunch brake.
8. No urinating over the walls.
9. Entrance only do not enter.
10. Thank You for the inconvenience.

STUDENT: "Kuya, wala bang multo dito?"
GUARD: "Sa tinatagal tagal kong nagbabantay dito, wala pa naman akong nakikita."
STUDENT: "Talaga? Gaano na ba kayo katagal dito?"
GUARD: "400 years na."

MGA TANONG:

1. Ano ang mas magandang pakuluan? Dahon ng lagundi o balat ng malandi?

2. Kung si Corazon ang unang aswang? Pang-ilan ka?

TANONG: Bakit patay mga buhok sa kili-kili?
SAGOT: Bakit? Kung ikaw ba ang nasa kalagayan nila, gugustuhin mo pang mabuhay?

BOY: "Umutot ka ba?"
GIRL: "Amoy yan ng hininga mo!"

BOY: (pumoporma, babanat) "Asukal ka ba?"
GIRL: "Huh? Hindi ah!"
BOY: "Sige bye! Alis na ko!"

GIRL: "Kanina mo pa ako sinusundan?"
HOLDAPER: "So? Kanina mo pa pala ako tinitingnan!?"

ASO1: "Totoo bang may rabies ang laway natin?"
ASO2: "Oo, bakit?"
ASO1: "Kinakabahan ako, nalunok ko kasi."

GIRL1: "DO RE MI FA SO LANDI MO!"
GIRL2: "DO TI LA SO PA KE LAM MO."

GIRL: "Hindi na kita mahal."
BOY: "Tinatanong ko ba?"
GIRL: "Gusto ko ng makipag-break!"
BOY: "Ano tingin mo sa mundo? Lahat ng gusto mo nakukuha mo? Hindi pwede! Spoiled ka masyado ah?!"

GIRL: "Babe, itali mo ko tapos gawin mo lahat ng gusto mo. Hehe."
(Tinali na ni BF si GF at umalis)
GIRL: "Oh babe, saan ka pupunta?"
BOY: "Magdodota. Wait mo ko dyan ha? I love you."

Aksidenteng nakita ni Girl na bukas ang zipper ni Boy.
GIRL: "Bukas po yung City Hall nyo."
(palihim na isinara ang zipper nya. )
BOY: "Nakita mo ba si Mayor?"
GIRL: "Hindi po Sir. Pero nakita kong sumilip yung dalawang Konsehal."

STUDENT: "Classmate, san yung CR dito?"
CALOY: "Diyan, akyat ka ng hagdan tapos dun sa left side dun yung CR."
STUDENT: "So Aakyat ako dito sa hagdan?"
CALOY: "HINDI. TITIGAN MO LANG YANG HAGDAN! MAKAKARATING KA NA SA CR!"

NANAY: "Hoy bata ka!"
ANAK: "Hoy! Bata ako! San ako galing? Alas dos na ng madaling araw ah? katanda ko na, wla pa akong isip. Hindi ko ba alam na nag-aalala na si nanay at tatay? Walang hiya akong bata! Hala sige! Lumayas ako! At wag na akong babalik!
NANAY: "Grabe ka naman itatanong ko lang naman kung kumain ka na."
ANAK: "Sorry ‘nay, na-excite lang ako."

 

oOo

Ang LOVELIFE ko ay parang cellphone load, EXPIRED na.

Tribute To Parents Kembular

Status update ko itey sa Fezbuk last Thursday, March 22, 2012

3-26-2012 3-08-37 PM

So, at 1pm, GO na ang young, fresh and delicious na mudrax sa skulalu ng doter para umatend ng Tribute To Parents kembular.

Wag malokah kung naka-shorts at tsinelas lang ang madir. Sabi ni doter OK lang daw, kasi waley naman nakalagay sa invitation na may dress code na dapat sundin. Tsaka Summer na gayud noh! Ka-init na sa panahon! Pesteng-yawa gayud!!

Tangkad ko! Shet!

 Me and Ziah

As usual, dalawa ang Gate Pass ko. Pang-Mr and Mrs Chuvachuchu bagah.

Well, what’s new? Eh since Kindergarten days pa ng mga kiddos ko, lagi naman akong uma-attend sa mga school activities at graduation nila ng MAG-ISA lang talaga.

empty monoblock

As expected, naka-nganga lagi ang upuan sa tabi ko. As in bakante.

Haays, kelan kaya masasagot ang FILL-IN THE BLANK na itey sa buhay ko? Asapako! Lol!

Letter/Rose

Hindi ‘to ang pers taym na umatend ako ng ganitong kaganapan sa school nila bago mag-Graduation Day. Aktwali alam ko na may “pa-iyakan portion” sa dulo ng program. Alam ko na laging may inaabot ang anak sa magulang bago magsi-uwian.

Before leaving the venue, Ziah handed me a rose and a letter. Sweet!

Share ko sa inyo, an excerpt of my daughter’s letter:

“All that I am, or hope to be, I owe to my angel MOTHER.” – A quote from Abraham Lincoln that struck me.

Ma, thank you for putting up with me all the time. I am entirely grateful to God because He gave me an amazing mother. (Sa mga hindi nakakaalam, isa po akong Fil-Am. Half Filipina, Half Amazing! Chos!)

I know raising me up is not easy. I can be really stubborn at times. I commit mistakes, but you are always there to correct me. You molded me to become the person who I am now. I will graduate in High School in a few days because of you. I would’ve never made it without an inspiration. You helped me to be where I am and wanted to be. For all those times when you wake up really early just to help me prepare for school, thank you very much.

And for all the rest, for everything, thank you. I love you very much, Ma.

Siempre, teary-eyed ang madir. Kakahiya naman kung wala akong maramdaman di ba? So, pinatulo ko ang luha sa may right eye lang. Prinaktis ko na yan. Ako feh!

Keziah

Last Thursday, ay last day rin ng unica hija ko na naka-school uniform. So, pina-pose ko siya saglit para kodakan.

Palabas at pauwi na kami, nang biglang naging nostalgic naman ang Mamaru sa mga nadaanan na tanawin sa loob ng campus. Can’t help eh. Tsarots!

LSA Football Field

Sino ba naman ang hindi?

Dito sa lumang court na ‘to unang natuto maglaro ng basketall ang unico hijo kong si Kevin noong elementary.

Sa may di kalayuan, diyan sa football field naman na yan nag umpisa din ang interest ni Kevin sa larong Frisbee na hanggang ngayon ay kinakarir pa rin nya ang paglalaro. Dumadayo pa nga sa kung saan-saan na tournament. Naging Frisbee Team Captain sya noong High School.

La Salle Academy

Dito naman sa upper floor ng building na ‘to matatagpuan ang school chapel. Dito ko una nakita si Kevin noon na nag-speech, kusang nagpabinyag ng SOLO para maging Katoliko. Napanganga ang madir! Gulat ko, eh pinabinyagan ko naman sya noong baby pa sha. Paulit-ulit?

Sa chapel din na yan, diyan ko sinusundo si Kevin/Keziah tuwing natatapos ang Recollection chenes nila noon.

Higit sa lahat, mami-miss ko ng todomax ang Cashier’s Office na nasa ground floor lang ng same building!!!!

Jusko! Paano hindi ko mami-miss ang Cashier’s Office eh SUKI ako sa pagbibigay ng Promissory Note sa kahera tuwing bayaran na ng school fees. Hehe!

Mami-miss ko rin siempre ang School Comptroller na ang bait-bait tuwing humihingi ako ang Promissory Note. Hehe ulit!

La Salle Academy

Bago ko ma-forget, gusto ko rin banggitin ang pasasalamat ko sa mga La Salle bothers lalo na kay Brother Rey na sobrang naging close sa binata ko. Ang laki ng utang na loob ko sa mga brothers at sa mga naging teachers ng mga anak ko sa school na ‘to.

Mamatay na ang sinungaling pero hindi madali ang maging Single Mom.

Pero dahil sa maayos pagga-guide ng mga teachers at ng school admin sa mga junakis ko, nakatulong talaga ng malaki sa akin. Kumbaga, parang sila ang naging katuwang ko sa pagiging Single Mom ko since Day One ni Kevin sa Kindergarten hanggang sa nakapagtapos nga ang dalawa kong anak ng High School. Maganda ang influence ng school sa kids ko.

Maniwala ba kayong nagsisimba ang mga anak ko tuwing Linggo at ako ay hindi?

Yup! Mas practicing catholic ang mga anak ko kesa sa akin. 😛

 La Salle Academy

Howel, wa na ko sey pa.

Animo La Salle! Tenkyu!

 

oOo

motherhood

#TypicalTeleserye

Bago nag-trend noon ang #SignsYourSonMightBeGay sa Twitter, naging trending topic din ang tungkol sa mga eksena ng isang #typicalteleserye. Naaliw ako sa kababasa.

Bilang isang jologs na Stay-At-Home-Mom, nakagawian ko rin ang manood ng teleserye gabi-gabi pag weekdays. Yun nga lang, di ako nanonood sa ibang channel at solid Kapamilya lang talaga ang Mamaru. Eh kasi di hamak na mas magaganda naman yata ang mga teleserye ng ABS-CBN sa primetime kumpara sa iba. At mas sikat ang mga artista nila, di ba? 😛

Kung gusto nyo komontra sa sinabi ko, pwes ipa-blotter nyo na lang ako kung gusto nyo kasi di ko babawiin ang sinabi ko. Hehe!

maging sino ka man (2006)Heniweys, eto daw ang mga tipikal na eksena ng mga teleserye dito sa Pinas. Kalurkey!

  1. Mahirap pero kutis mayaman.
  2. Batang pulubi pero malusog at mataba.
  3. Nagkaka- heart attack si Senyor o si Senyora.
  4. Kapag BROKEN HEARTED ang BIDA. Magda-drive habang umiiyak tapos mababangga sa malaking trak pero mabubuhay pa din!
  5. Laging huli ang pagresponde ang mga pulis.
  6. Si Congressman, Mayor or Gobernador ay masamang tao.
  7. PANGIT na BABAE na nagkagusto sa isang GWAPO na LALAKI, tapos biglang GAGANDA. Magic!
  8. May bading na bestfriend.
  9. Pag dumuduwal sa lababo buntis. Pag may dugo mamamatay.
  10. Pag may naaksidente, tiyak magkaka-amnesia.
  11. Pag may sumpa sa bida, laging yung ka-loveteam ang makakapagpagaling!
  12. Mayaman pero daig pa naputulan ng kuryente sa dilim ng bahay.
  13. Naging mayaman lang kahit nasa bahay naka make-up at mega outfit pa!
  14. Iiyak sa shower after ng rape scene tas unti-unting mapapaluhod at sabay sabi ng linyang "Ang dumi-dumi ko!"
  15. Ang mga goons pag may hinahanap na TAO (oo, tao!) sa bahay, hahalughugin pati drawers, itutumba ang mesa, pati mattress babaliktarin.
  16. May mahabang commercial bago ang last part na aabutin lang ng 5mins para matapos.
  17. Kapag need ng bida ng blood transfusion, sa kalabang pamilya lang makakakita ng match na dugo.
  18. Nasa hospital, tapos paglabas ng Doctor, susugod sa kanya ang pamilya para tanungin ng "Doc, ok lang po ba ang anak ko?"
  19. Ang mayayaman, laging nakapang-PARTY, kahit nasa BAHAY lang. Kung makapag ALAHAS, akala mo Christmas tree.
  20. Pag may problema yung bida magkukulong sa kwarto. Tas hahatidan ng pagkain ni yaya or nanay. Pero walang ganang kumain.
  21. Pag kontrabida kulot! Pag bida straight lang ang hair.
  22. Aakayin yung naghihingalong artista, tititigan lang. Pag napikit, sisigaw. E kung tumawag na lang kaya ng ambulansya?
  23. Lalaki si Piolo Pascual.
  24. Pag mayayaman kailangan may illegal na ginagawa.
  25. Mag-aaway si Girl at Guy, sa sobrang inis ni Guy, hahalikan niya si Girl.
  26. Pag mag ex na ang mga bida, hindi nawawala ang linyang "Mahal na mahal pa rin kita"
  27. Da best talaga to, madudulas si bida, sasaluhin ni leading man at slow motion pa. Tas may background music.
  28. Sasabog ang sasakyan ni bida, aakalain patay na. Yun pala buhay pa. Sasabihin nakatakas bago sumabog.
  29. May kikidnapin tapos ang kapalit pera. Tapos sasabihin ng kidnapers na wag magsumbong sa pulis kundi papatayin ang bihag.
  30. Hindi sabay sabay binubugbog ng mga goons yung bida. Hintayan sila.
  31. Masasagasaan na nga. Di pa iiwas. Sisigaw lang.
  32. Mamamatay na lang, dami pang satsat!!
  33. Kasalan lagi ang ending. Yung kontrabida kundi bumabait eh nababaliw. At laging may nawawalan ng anak.
  34. Pag may nakidnap, tatawagan si General.
  35. Hindi nag-e-english si Marian Rivera. Laging tagalog lang ginagamit kahit mayaman na ang role niya.
  36. Umiiyak habang nag i-slide ang likod sa dingding or pintuan.
  37. Kapag naaksidente, sa hospital na ang gising at laging may flag ng JAPAN sa ulo.
  38. Ang mga babaeng kontrabida, mala-demonya kung tumawa. Pag lalaki ang kontrabida, it’s either sanggano o hayok sa laman.
  39. Kapag may kikidnapin, laging 15million pataas ang hinihinging ransom.
  40. Kapag mayaman, laging "hindi bibigyan ng mana" ang panakot.
  41. Ang mga katulong ay mas maganda, maalindog at mas makatas pa sa mga amo! Na kahit pagod sa maghapong work, beauty pa rin!
  42. Pinapatay halos lahat ng characters! Kahit na nasampal lang ng kaaway, dapat bukas, patayin o ipapatay na s’ya!
  43. Marami kuno pagkain sa lamesa pero hindi naman kinakain. Daldal lang ng daldal! Diet lang?
  44. Si Madam’ inatake na. Pero di pa yan mamamtay kasi wala na ibang kontrabida.
  45. Laging may tsismosang katulong na magsusumbong sa bidang inaapi!
  46. Lahat ng masama ginagawa ng kontrabida alak, drugs, yosi, sugal habang naka suot ng jacket kahit mainit.
  47. Kelangan baduy manamit ang mga mahihirap na bida. Pahabaan ng saya ito!
  48. Sa Amerika madalas pumunta ang bida/kontrabida.
  49. Orange juice palagi ang binibigay sa bisita.
  50. Pilot episode: Lahat ng bida, bata pa na naglalaro sa umaga. Pagdating ng gabi, masusunog bahay nila.
  51. Kontrabida si step bro, step sis, step dad, step mom.
  52. Laging matataba ang mga pulis at antukin ang mga gwardya.
  53. Barilan scene: KALABAN 100 putok walang tinamaan, BIDA, 1 putok lima patay.
  54. Mag i-slow motion tapos PALATASTAS na.
  55. Ang finale ay kidnapping scene sa abandonadong lugar. At least isa sa mahalagang karakter ang mamamatay.

Dami ko tawa sa number 9, 14 at 37.

 

oOo

Ang love parang pagsakay sa JEEP, hindi lahat nasusuklian kaya wag kang magbigay ng BUO.