Dear Mamaru

Bukod sa mga anakis ko, ang pagbo-blog o ang Maruism na yata siguro ang sumunod na may may pinakamalaking kunswelo na naibigay sa buhay ko. Wa charot itey!

Hindi ko na mabilang (pero siguro mga lima yun) ang mga nakukuha kong emails mula sa mga mambabasa ko na sobrang nakaka-cholesterol ng puso ang mga sinasabi. Dati, hindi ko mapigilan ang tuwa ko at madalas ko nga i-share kay Kups ang mga natatanggap kong emails from my readers. Sarap kasi ng feeling. 😀

Dear MamaruMarami nagsasabi na by reading eh natutuwa, napapangiti, naaaliw, at nai-inspire ko daw sila dito sa blog ko. O ha! Ewan ko kung bakit nila nasabi yun. Siguro yung iba ay charot lang nila yun. Hehe!

Ang totoo nyan, palagay ko naman ayaw lang nila ako deretsuhin. Na ang totoong dahilan ay – GANDANG-GANDA talaga sila sa maalindog kong pagkababae kaya sila andito. Bwahahahaha!

Fotah! As in ang lakas ng tawa ko habang nagta-tayp ngayon. Shet! Nagulat na naman si Sang sa biglang-tawa ko!

Seryoso, siguro nga ay gasgas na ang linyang ‘to na kesyo may mga bagay na “hindi nabibili ang pera”. Eh totoo naman.

Ang mga emails, messages sa FB, sa Twitter, mga comments tungkol sa Maruism na nakukuha ko ay halos galing lahat sa mga STRANGERS. Mga hindi ko kilala sa personal. Ang kasiyahan na nakukuha ko sa mga positive feedback nila…yun nga yata ang hindi basta-basta matutumbasan ng datung at mga papuri na hindi agad-agad mabibili sa pinakamalapit na sari-sari store.

Nagpapasalamat ako na kahit papano naman sa loob ng 6 years ay hindi pa naman ako gumimik dito sa blog ko ng mga pa-raffle o mamigay ng anik-anik na pa-premyo para LANG dayuhin ako dito. O para lang tumaas ang blog trapik ko. Bumabalik ang readers ko dahil sa gusto nila. Yun yun! Naks!

Pero ang totoo, trip ko rin talaga ang mamudmod ng gifts (gaya ng round trip ticket ng LRT Monumento-Baclaran o kaya Trip to Jerusalem) sa mga readers ko bilang pasasalamat.  Howel, malay ko naman at may mag-sponsor. Maybe someday.

Heniweys, ang haba na ng post intro kembular ko. Andiyan pa ba kayo? Hehe!

Gusto ko lang i-share ang request sa akin ng isang reader ko, itago natin sya sa pangalan na Weng Gwen. Nga pala, paminsan-minsan ay nagbibigay din po ako ng libreng payo. Oo! Bilibit or not, kahit aminado akong isang lukaret, may mga member sa kulto ng Maruism ang humihingi din ng advice sa akin. Ewan ko, pero siguro naniniwala lang sila na KERI ko ang mag-Dear Mamaru o magbigay ng payo kahit isa akong lucresia.

Kakatuwa kasi nagtitiwala sila suckin.

Mahaba ang naging exchange of emails namin sa Facebook ni Weng tungkol sa suliranin nya sa LOVELIFE. Gustuhin ko man i-post ang buong kwento eh sobrang haba, kaya yung pasasalamat na lang ni Weng ang ilalagay ko dito kasi yun din ang request nya.

Unahan ko na kayo, baka ang maging arrive neto sa inyo ay pagbubuhat ko ng sarili kong bench ha. Well, bahala kayo! Wala kayo magagawa eh hindi nyo naman ako pwede i-impeach! Tse! Ang importante ay pinagbigyan ko dito si Weng.

Weng, wereber yo ar, para sa ‘yo ang post na ‘to.

    mam kahit ung thank you message na lang po ang ipost nyo sa blog nyo para naman malaman ng mga fans nyo na once again, may natulungan na naman po ang pambansang fairy godmother ng blogosphere hihihi;) kung pwede nga lang po na ipagsigawan ko sa buong mundo ang pasasalamat ko po sa inyo. exaggerated po ba? hehehe.talaga lang pong sobrang nainspire po ako sa kindness nyo mam, at sobrang thankful po talaga ako sa inyo. maaaring hindi nyo po naiisip, pero napakalaking bagay na po ang nagawa ninyo para sa akin. thanks po ulit.

Weng Gwen

 

Continue reading

Friday Humor 03.02.12

3729612161255275_k2vFOWn5_c NEWS:
Isang 2-SEATER plane ang bumagsak sa sementeryo. Mahigit sa 500 bangkay ang narecover ng pulisya at patuloy ang ginagawang paghuhukay.

DALAGA: "Talaga, may-ari ka na ng mga condo units at negosyo? Wow, ang yaman mo naman pala! Saang lugar naman yan?"
SUITOR: "Sa CityVille, FB"

GURO:"Bakit late ka?"
JUAN:"Mam, sinusundan po ako ng babae!"
GURO:"Eh ano naman kung sinusundan ka?"
JUAN:"Eh ambagal po nyang maglakad!"

JUAN:"Sir, bilhin nyo na po itong aso ko!"
BUYER: "Matapat ba sa amo ang asong yan?"
JUAN:"Opo sir, 3 beses ko na ito binenta pero bumabalik sakin."

MAX: "Pare, napansin ko may STALKER ka araw-araw!"
JUAN: "Ganun ba? Sino pare, yun bang crush ko?"
MAX: "Hindi yung LANGAW! Maligo ka na kaya!"

Continue reading