Dear Mamaru

Bukod sa mga anakis ko, ang pagbo-blog o ang Maruism na yata siguro ang sumunod na may may pinakamalaking kunswelo na naibigay sa buhay ko. Wa charot itey!

Hindi ko na mabilang (pero siguro mga lima yun) ang mga nakukuha kong emails mula sa mga mambabasa ko na sobrang nakaka-cholesterol ng puso ang mga sinasabi. Dati, hindi ko mapigilan ang tuwa ko at madalas ko nga i-share kay Kups ang mga natatanggap kong emails from my readers. Sarap kasi ng feeling. 😀

Dear MamaruMarami nagsasabi na by reading eh natutuwa, napapangiti, naaaliw, at nai-inspire ko daw sila dito sa blog ko. O ha! Ewan ko kung bakit nila nasabi yun. Siguro yung iba ay charot lang nila yun. Hehe!

Ang totoo nyan, palagay ko naman ayaw lang nila ako deretsuhin. Na ang totoong dahilan ay – GANDANG-GANDA talaga sila sa maalindog kong pagkababae kaya sila andito. Bwahahahaha!

Fotah! As in ang lakas ng tawa ko habang nagta-tayp ngayon. Shet! Nagulat na naman si Sang sa biglang-tawa ko!

Seryoso, siguro nga ay gasgas na ang linyang to na kesyo may mga bagay na hindi nabibili ang pera. Eh totoo naman.

Ang mga emails, messages sa FB, sa Twitter, mga comments tungkol sa Maruism na nakukuha ko ay halos galing lahat sa mga STRANGERS. Mga hindi ko kilala sa personal. Ang kasiyahan na nakukuha ko sa mga positive feedback nilayun nga yata ang hindi basta-basta matutumbasan ng datung at mga papuri na hindi agad-agad mabibili sa pinakamalapit na sari-sari store.

Nagpapasalamat ako na kahit papano naman sa loob ng 6 years ay hindi pa naman ako gumimik dito sa blog ko ng mga pa-raffle o mamigay ng anik-anik na pa-premyo para LANG dayuhin ako dito. O para lang tumaas ang blog trapik ko. Bumabalik ang readers ko dahil sa gusto nila. Yun yun! Naks!

Pero ang totoo, trip ko rin talaga ang mamudmod ng gifts (gaya ng round trip ticket ng LRT Monumento-Baclaran o kaya Trip to Jerusalem) sa mga readers ko bilang pasasalamat.  Howel, malay ko naman at may mag-sponsor. Maybe someday.

Heniweys, ang haba na ng post intro kembular ko. Andiyan pa ba kayo? Hehe!

Gusto ko lang i-share ang request sa akin ng isang reader ko, itago natin sya sa pangalan na Weng Gwen. Nga pala, paminsan-minsan ay nagbibigay din po ako ng libreng payo. Oo! Bilibit or not, kahit aminado akong isang lukaret, may mga member sa kulto ng Maruism ang humihingi din ng advice sa akin. Ewan ko, pero siguro naniniwala lang sila na KERI ko ang mag-Dear Mamaru o magbigay ng payo kahit isa akong lucresia.

Kakatuwa kasi nagtitiwala sila suckin.

Mahaba ang naging exchange of emails namin sa Facebook ni Weng tungkol sa suliranin nya sa LOVELIFE. Gustuhin ko man i-post ang buong kwento eh sobrang haba, kaya yung pasasalamat na lang ni Weng ang ilalagay ko dito kasi yun din ang request nya.

Unahan ko na kayo, baka ang maging arrive neto sa inyo ay pagbubuhat ko ng sarili kong bench ha. Well, bahala kayo! Wala kayo magagawa eh hindi nyo naman ako pwede i-impeach! Tse! Ang importante ay pinagbigyan ko dito si Weng.

Weng, wereber yo ar, para sa yo ang post na to.

    mam kahit ung thank you message na lang po ang ipost nyo sa blog nyo para naman malaman ng mga fans nyo na once again, may natulungan na naman po ang pambansang fairy godmother ng blogosphere hihihi;) kung pwede nga lang po na ipagsigawan ko sa buong mundo ang pasasalamat ko po sa inyo. exaggerated po ba? hehehe.talaga lang pong sobrang nainspire po ako sa kindness nyo mam, at sobrang thankful po talaga ako sa inyo. maaaring hindi nyo po naiisip, pero napakalaking bagay na po ang nagawa ninyo para sa akin. thanks po ulit.

Weng Gwen

 

Aktwali, eto talaga  ang Thank You letter sa akin ni Weng.

dear mam maru,

    wala na po akong ibang masabi kundi maraming maraming salamat po. hindi po talaga ako nagkamali na nag take ako ng chance na humingi ng advice sa inyo. bilang labas po kayo sa sitwasyon, talagang na-analyze nyo po ng mabuti ang problema, point by point po na naipaliwanag nyo ang mga bagay na maaring alam ko na rin pero nasa likod ng utak ko, nagtatago, hehehe. kinailangan ko po ng isang taong magkakaron ng objective na pagtingin sa sitwasyon at magpapa realize sa kin ng mga dapat kong ma-realize. dahil po sa napaka honest at napakadetailed na advice nyo po, talaga pong mas nalinawan ako sa dapat kong gawin. masasabi ko po talagang hulog kayo ng langit, dahil kasama po sa dasal ko na may taong dumating upang paglinawin ang isip ko, at kayo po un mam.

    medyo kinikilabutan nga po habang binabasa ko ung mga advice nyo kasi po talagang natumbok nyo ang madaming mga puntos, na para bang kilalang kilala nyo na ko, whereas in fact eh ni hindi nga po tayo personal na magkakilala.

    alam nyo po mam, madami po kayong napapasaya sa blog, but i think mas madami po kayong nai-inspire at isa na po ko dun [:)] at sa laki po ng naitulong nyo sa problema ko, gustong gusto ko po kayo yakapin at halikan [:)] alam ko pong busy kayo, madaming ginagawa, madami ring iniisip at may sarli ding mga problema pero hindi po naging dahilan un para ipagkait po ninyo ang sarili nyo, ang panahon ninyo at naglaan pa po talaga kayo ng oras na i-analyze mabuti ung sitwasyon bago magbigay ng advice.

    sana po dumating ang panahon na maibalik ko rin po sa inyo ang kabutihang nagawa ninyo para sa kin, o kung hindi man po ako, palagi po akong magdadasal na si Lord na po ang bahalang magbigay sa inyo ng kung anuman ang hinihiling ng puso ninyo [:)]

    napakaswerte po ng mga anak nyo mam, at may nanay silang katulad ninyo. napakaswerte din po ng mga kaibigan ninyo dahil may kaibigan silang katulad ninyo. at napakaswerte ko din po at ipinadala po kayo ng Diyos sa akin sa panahong kailangang kailangan ko ng isang taong makikinig at magpapayo sa kin.

    maraming maraming salamat po ulit mam maru. talagang hindi na po matatapos ang pasasalamat ko sa inyo at sana po ito ang maging simula ng ating magandang pagkakaibigan. [:)]

    i love you mam maru. May God be with you always [:)]

Weng

Kahapon, may natanggap akong email ulit kay Weng.

Dear Mam Maru,

    Kumusta na po kayo? Gusto ko lang po sana i-share sa inyo na paalis na po ako sa March 20. Opo, papunta po ng Finland. [:)]

    Gusto ko rin po sana kayo batiin ng "Happy Birthday" kahit late na po . [:)]

    At gusto ko rin po magpa thank you ulit sa inyo sa advice na binigay nyo po sa akin. [:)]

    Palagi ko pa rin po babasahin yung blog nyo lalo na po pag andun na ko, gaya rin ng ginagawa ko nung nagwo work pa ko sa abroad. Sana nga po wag nyong i-close yung blog nyo kasi marami po talaga kayong napapasaya, nai-inspire, at natutulungan. At sana po dumating yung time na ako din, makatulong sa inyo, o sa ibang tao, gaya po ng ginagawa nyo. [:)]

    Maraming salamat po, Mam Maru. May God bless you and your loved ones. And may all the desires of your heart be fulfilled according to God’s will.

    Love,
    Weng

Kaya wag kayo magtaka kung isang araw ay imbitahan ako ni Weng papuntang Finland pag settled na talaga sya dun. Chos! Sarap siguro pumunta dun.daming Penis, Finish, Finnise err Finnish. 😛

 

oOo

"Loving someone is like a glimpse of heaven. If it’s like hell, then let it go."

7 thoughts on “Dear Mamaru

  1. Maru dear,
    Isa na ako don sa na ilad sa imong ka anyag ug ka seksi…I make sure everyday talaga visit ko sa blog mo. Wa man lain blog jud..hahahaha.
    But infernez Maru…your charm and your witty makes me laughed….jologs kaau bah…keep it up Maru…and belated Happy Beerday diay…I just read the blog and ur post sa FB but nag like lang ko…but u are always in my thoughts…feeling nako love na tika..hahaha (maka tomboy ka jd) lol…ingats Maru..someday wish nako mag kita ta…(if maka uli) 🙂

  2. Nyahaha! Igat jud ka ‘day!
    Wala pa diay ka makauli, langga? Abi nako nakauli na ka kay murag nahilom man ka sa FB.
    Nah! I know that I owe you a lot, langga. I know you’ve been there for me na pirmi ga-suporta sa Maruism. Salamat jud kaayo ‘day. Sus uy, dili na ka iba para sa ako.
    Pag amping pirmi. 😀

  3. dear hot mama maru,

    isa ako dyan sa mga madaming madaming taong napapasaya mo sa blog mo! please keep it up. pag bored ako sa routine ng buhay, nag blo-blog hop lang ako at isa ang blog mo sa talagang nakaka pag smile sa akin 🙂

    labs, zaizai 🙂

  4. Bisaya diay ka Mamaru? taga asa diay ka sa Visayas? ambi nakog taga manila jud ka nga mingbalhin lang. tama ba? Love jud kaayo ni nako imong blog labi na ug naa koy problema kay malimtan jud nako sige nalang kong ga tingsi mura kog buang matingala jud akong mga officemate nako everytime magbasa ko diria hahahhaha! more power po Mamaru! =)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.