Sobrang Mahal

Walang sapat na salita kung gaano namin KAMAHAL ng mga anak ko ang mabalahibong nilalang na itey.

Gaano namin siya kamahal? Ay naku! SOBRAAAAA! As in walang katumbas na pera! Charot!

Sa totoo lang hindi ko kaya i-entertain ang thoughts na mawala sya sa amin. Oh Lord, di ko yata kakayanin. 🙁 At wa charot itey.

Lumaki sa amin si Sang na ni minsan ay hindi namin napalo. Kahit minsan ay pasaway sya, kahit minsan ay nagkakagalos kami sa mga hita namin dahil sa kalmot nya, pero ni minsan ay hindi namin sya napagbuhatan ng kamay. 😀

At dahil mahal na mahal ko tong alaga namin, nararapat lang na bigyan ko sya ng espasyo at bandwidth dito sa blog ko.

Our Pet Cockapoo 

Our Pet Cockapoo

Our Pet Cockapoo 

Our Pet Cockapoo 

Nagdadalaga na ang alaga namin. Lumalaki at nagkaka-dede na sya. Mga ilang months pa, baka magka-period na rin sya.

Hayskelangan ang mas todong pagbabantay pa ang gagawin ko kasi baka mamaya malingat ako, eh baka ma-donselya sya ng kung sino-sinong askal lang diyan sa tabi-tabi.

Oh noes! Wag naman po sana mangyari yun. Hindi ko alam ang magiging reaction ko kung saka-sakali. Eh baka maitakwil ko si Sang pag nabuntis agad. :(  Baka alisan ko sya ng karapatan na gamitin ang apelyido namin at higit sa lahat, baka alisan ko ng mana. Haha! OA-ness!

Our Pet Cockapoo 

Kaya hindi talaga namin to pinalalabas ng bahay at hanggang gate lang sya. Mahirap na noh! Lalo na sa mga panahon ngayon na nagkalat sa daan ang mga nangmomolestiya at reypist. Hehe!

Our Pet Cockapoo

Nga pala, ang bagong damit ni Sang ay galing ukay-ukay, thru the courtesy of her Ate Keziah. Salamat, Ate!

 

 

oOo

Walang pinagkaiba ang keps sa durian. They come in different shapes, sizes, colors and of course, odors.