Moment With Adele

May one month schedule ng rotating brownout dito sa pinagkukutaan ko ngayon. Oo, araw-araw ay may two and half hours brownout kaming pagdudusahan.

At dahil sa madalas na interruption ng kuryente dito sa amin, ayan, naaantala at hindi matuloy-tuloy ang pagyaman ko sa pagbebenta ng mamisong yelo dito sa lugar namin. Leches! Hehe!

One time, imbis na pairalin ko ang INIS dahil sa kawalan ng kuryente, ginamit ko na lang ang madilim na moment para namnamin ang lyrics ng mga kanta ni Adele. (Namnamin daw o!) Mga kanta lang kasi ni Adele ang tanging nasa playlist ng selpon ko. Eto ang naging paraan ko para hindi mainip. Ang makipag-moment with Adele.

Heniweys, try nyo. Kung fan kayo ng mga songs ni Adele, mas masarap pakinggan ang mga kanta niya pag nasa dilim. 😀 Nanonoot at tagos sa puso ang mga lyrics lalo na pag broken-hearted ka. Sa kaso ko, at dahil sa iyakin ako…ayayay, ilang minuto lang, with matching crayola agad ang naging arte ko. Ensigueda! Wahaha! Hindi ko makalimutan ang moment na yun, kahit papano naging therapeutic din sa akin.

Habang brownout, nabigyan ko rin ng panahon ang hilig ko sa pagpicture-picture… dito sa mga lumang kandila namin.

 www.maruism.com 

www.maruism.com

www.maruism.com

www.maruism.com 

Mood: Ka i-emote lang.

 

oOo

“Never ever beg someone na mahalin ka."

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *