Recipe: Microwave Choco Cup Cake

Masarap na mahirap ang maging babae. Sa loob ng isang buwan, may mga sunod-sunod na araw na ang init ng ulo ko sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

Guys, wag na ipagtaka kung minsan ay parang si Corazon (Ang Unang Aswang) ang peg naming mga babae. Kahit mababait kami, may pagkakataon talaga na kusang lumalabas ang mga pangil namin at biglang nagiging aswang. Hehe! Ganun lang talaga ang mga tunay na babae, BITCHESA minsan ang pag-uugali. Kunsabagay, diyan naman kasi kami “SUMASARAP”, sa pagiging unpredictable namin, di ba? (Ang hindi mag-agree, tutubuan ng pigsa sa dila. Pramis.)

Hindi lang yan. May times din na kung makapag-crave kami ng pagkain, susme, talo pa ang babaeng nagbubuntis. (*sume-segway na ang Mamaru)

Noon isang araw lang, chura lang ng naglilihi. Naglaway ako ng todo at gusto kong lumafang ng chocolate cake. And since wala naman akong mapaglambingan at di naman afford ng lola nyo ang magpabili ng kahit half choco roll lang sa Red Ribbon, ginawan ko na lang ng paraan ang paglalaway ko.

Salamat sa microwave oven namin. Eto, Microwave Choco Cup Cake ang naging sagot sa nag i-inarteng pakiramdam ko.

solo cupcake

Ingredients: (makes 1 Cup Cake)

  • 3 Tbsp All-Purpose Flour
  • 1/2 Tsp Vanilla Extract
  • 1/4 Tsp Cinnamon powder (Optional)
  • 1/4 Tsp Baking Powder
  • 2 Tbsp Sugar
  • 2 Tbsp Ordinary Cocoa Powder
  • 1 Egg
  • 2 Tablespoons Oil
  • 2 Tablespoons Milk

Preparation

  1. Combine and whisk all ingredients together in a bowl. Pour content in a coffee mug or cup.
  2. Cook for about 2.5 – 3 minutes on full power in microwave.
  3. Dust confectioner sugar to serve.

microwave cupcake

microwave cupcake

microwave cupcake

 

Happy Friday everyone! GIN-numan na naman! 😛

 

 

oOo

“Hindi lahat ng babae ay marunong UMINTINDI, kaya yun ang dapat INTINDIHIN ng mga lalaki.”

 

Pinoy Banat 9 (Cheesy Punchlines)

Wala na tayong magagawa sa patuloy na pagtaas ng gasolina ngayon. Hangga’t may giyera o kaguluhan na nangyayari sa Middle East, eh talagang ‘wawa tayo. Well, dats layp, pansamantala tanging NGANGA lang ang magagawa natin. 😀

Heniweys, wag na tyo mag-emote, sus! hindi lang naman dito yan sa Pinas nangyayari kundi arawnd da werld.

Tara! Magpaka-baduy, magpaka-jeje, magpaka-jologs, magpaka-korni muna tayo!

Na-miss ko ‘to. Eto, magbasa na lang muna kayo ng mga wagas na Pinoy banat.

 

  1. "AKO: Tae ka ba? SIYA: Bakit? AKO: Pwede ba kitang ilabas mamaya?."
  2. "Kung bike tayo, handa akong mabangga…Wag lang tayo mag-break."
  3. "Pakicheck mo yung relo mo. Baka oras na para maging tayo."
  4. "Sa lahat ng blessings ko, Ikaw lang ang ayoko i-share."
  5. "Gusto ko ang kama ko, pero mas gusto ko kung nasa kama mo ako."
  6. "Pera ka ba? Kasi andami kong pwede magawa pag kasama kita."
  7. "Sinaing ka ba? Kasi,hindi kita kayang pabayaan eh."
  8. "Buwan ka ba? Kasi pagdating ng araw iiwan mo rin ako."
  9. "Diretso pala talaga daan sa puso mo noh? Kase di na ko nangaliwa."
  10. "Ayoko ng magdididikit sa pintuan!! Sawang sawa na akong tawaging Boy-Next-Door."
  11. "Sampung mga daliri, nawala ang lima. Hinanap ko, hinanap ko. Hawak mo pala."
  12. “Kutsara ka ba? Habang lumalapit ka kasi, Napapanganga ako eh.”
  13. “Sa ‘yo ba napupunta yung nadededuct sa sweldo ko every payday? Nakalagay kasi sa payslip ko, PAG-IBIG!”
  14. “Itutuwid ko ang daan mo, para dumeretso ka sa puso ko.”
  15. “Ang mata ko parang DSLR, kapag nakikita kasi kita, blurred na yung iba.”
  16. “Toothpaste ka ba? Kasi sa tuwing kinoCLOSE UP, Ang UNIQUE mong smile Nagiging HAPEE ako eh.”
  17. “Pwede ba kitang titigan? Sabi kasi ng nanay ko, magfocus daw ako sa pangarap ko eh.”
  18. "Sana makakalipad tayong dalawa , para LOVE IS IN THE AIR."
  19. "Alahas ka ba ? kasi HIKAW lang ang gusto ko."
  20. “Bahay Ampunan ka ba ? Kasi gusto kitang bigyan ng BATA."
  21. "Hindi naman ako allergic sayo, pero bakit pag lumalapit ka sakin namumula ako ?"
  22. “Ang pag-ibig ko sa ‘yo ay parang ulan, maaari mong iwasan pero di mo kayang pigilan.”
  23. ”Kung pulis ka, Gusto ko snatcher ako para lagi mo akong hinahabol.”
  24. “Kailangan mo ng GWAPO? Di ako yan! Kailangan mo ng magmamahal sayo ng tunay? AKO YAN!”
  25. ”Eh ano kung MATABA ka ? I love you just the WEIGH you are."
  26. “Hindi naman ako MANGHUHULA pero pagnakikita kita, Nakikita ko ang FUTURE ko.”
  27. “Kung sa tingin mo PINAGLALARUAN kita. Sige try mong pumasok sa PUSO ko kung may KALARO ka.”
  28. ”Siguro teacher ka, kasi tinuruan mo ang puso kong umibig muli.”
  29. “PAA ka ba? Hindi ka lang kasi mukhang PAA, PAAsa ka pa!”
  30. "Microwave ka ba? Kasi wala pang isang minuto nag-iinit na ko sayo."’
  31. “Tubig ka ba? Kasi ikaw ang pinakamalaking parte ng mundo ko eh.”
  32. “Kailangan ko nang i-upgrade yung memory ko…nauubos na kasi kaiisip sa ‘yo.”
  33. “Alam mo kung gaano kita kamahal? Konti lang….konti na lang lagpas na sa langit.”
  34. “Pikit ka!!! Pikit ka dali!!! Yan ang mundo ko pag wala ka.”
  35. “Kung ikaw ang langgam ng buhay ko…hindi ako magsasawa na ibigay ang lahat ng tamis na hinahanap mo.”
  36. “Hindi ka naman PERA. Pero bakit naghihirap ako ‘pag wala ka.”
  37. “Lakas ng ulan! Pero wala parin yan sa lakas ng dating mo.”
  38. ”Masasabi mo bang PANGIT ako…kung IKAW ang KATABI ko.”
  39. “Para kang TESTPAPER…nauubos oras ko kakatitig sayo..ayan tuloy..babagsak na ata ako sayo.”
  40. ”TOYO KA BA? Kasi yung pag-ibig ko i dedicate TOYO lang eh.”

 

oOo

“Masakit isipin na sa buhay mo laging siya ang BIDA, Pero sa buhay niya, isa ka lang dakilang EXTRA.”

Friday Humor 03.16.12

**Courtesy of Mike

piss-beer-247706-320-304

PEDRO: "Juan, paki-bili mo nga ako ng tatlong pako."
JUAN: "O cge, san yung pera?"
(Binigay ang pera kay Juan pero naisipan ni Juan na itaya ang pera sa sugal. Natalo si Juan at pumunta sya sa simbahan para magdasal.)
JUAN: "Lord, patawarin nyo po ako, sinugal ko po ang pera pambili ng pako, sana bigyan nyo po ako ng isang pako."

(may nahulog na pako sa harap ni juan)

JUAN: "Lord, sana bigyan nyo pa po ako ng isang pako."
(may nahulog na namang pako)
JUAN: "ISA NA LANG PO TALAGA PLEASE LORD.."
LORD: "Tama na iho, mahuhulog ako sa krus!"

Mag-asawa dumulog sa korte para magpa-annul.
JUDGE: "Ano ang dahilan para kayo magpa-annul?"
BABAE: (nakayuko pa rin) "Your honor, katawan lang gusto nya sakin."
JUDGE: "Ano ang pruweba mo?"
BABAE: (nakayuko) "Tuwing nag lovemaking kami tinatakpan nya ng towel ang mukha ko."
JUDGE: "Ikaw mister bakit mo ginawa yun?"
MISTER: "No comment your honor. Just see for yourself."
BABAE: (nagalit at pinakita mukha sa judge) "See bastos talaga ang taong yan."
JUDGE: "Annulment petition granted. Ikaw naman lalaki, bakit ngayon ka lang nagfile ng annulment? Ang tiyaga mo!"

JUAN: "Pare nagshot kami kagabi ang sarap ng pulutan namin."
PEDRO: "Oh? talaga? ano ba pulutan nyo?"
JUAN: "Usa!"
PEDRO: "Wow pare! anong klaseng usa?"
JUAN: "Usapan!"

Sa internet cafe..

VICE GANDA: "Kuya, pa extend."
KUYA: "Ng time po?"
VICE GANDA: "Hindi! Yung cord ng computer para maiuwi ko sa bahay at dun na ako maglalaro. Kakainis naman! Pa-out na nga lang!"
KUYA: "Yung po sa inyo?"
VICE GANDA: "Hindi! yung sa katabi ko. Ayoko kasing may katabi. Try mo ring i-out mga iba para ako lang online dito."

Isang estudyante nahuli ng teacher na nangongopya.

GURO: "Aba, aba, nangongopya ka ah!"
ESTUDYANTE: "Hindi po mam, tinignan ko lang kung bagay yung apelyido nya sakin!"

Ang tunay na Pilipino, kapag nasamid, hindi tubig ang unang hinahanap kundi…
NUMBER! NUMBER!

KASABIHAN:

Ang Pamilyang Sama-samang naglalakbay…
Malamang pinalayas sa inuupahang bahay!

FABIAN: "Susmariosep! Si pedro ay natutulog kanina sa misa at naghihilik pa!"
JUAN: "Oo nga, nadinig ko rin! Nagising tuloy ako!"

Ang na  ang na
su   las   ki   kan
su   mas ki   tot
mo  ko   mo ko.

Basahin mo maigi para matupad magic word mo! 😛

An Arab couple in their London hotel room when the man heard his wife screams, "Far! Faarr! Far!" (arabic for mouse) He calls room service but don’t know English word for "farr."
ROOM SERVICE: "Yes, sir, how can i help you?
HUSBAND: "Mmmm… you know Tom & Jerry?"
ROOM SERVICE: "Yes sir, I know Tom & Jerry…"
HUSBAND: "Habibi, Jerry is here!!!"

Dear Girls,
Bakit magsusuot kayo ng halos kita ang boobs tapos magagalit kayo kapag tinitingnan namin?
Wag nyo naman paglaruan ang aming damdamin..
nasasaktan din kami..

sa puson:-P

Love,
Boys

JUAN: "Pre pikon na pikon ako sa mga kaibigan ko kasi isip bata daw ako!"
PEDRO: "Talaga? sira ulo pala yun eh, dapat sinigawan mo!"
JUAN: "Sinigawan ko nga eh!"
PEDRO: "Yun naman pala eh! ano sinigaw mo?"
JUAN: "HINDI KO NA KAYO BATI!"

oOo

“Kung GANDA lang din naman ang habol mo sa kanya, siguraduhin mong GWAPO ka.”