Pinoy Banat 9 (Cheesy Punchlines)

Wala na tayong magagawa sa patuloy na pagtaas ng gasolina ngayon. Hangga’t may giyera o kaguluhan na nangyayari sa Middle East, eh talagang ‘wawa tayo. Well, dats layp, pansamantala tanging NGANGA lang ang magagawa natin. 😀

Heniweys, wag na tyo mag-emote, sus! hindi lang naman dito yan sa Pinas nangyayari kundi arawnd da werld.

Tara! Magpaka-baduy, magpaka-jeje, magpaka-jologs, magpaka-korni muna tayo!

Na-miss ko ‘to. Eto, magbasa na lang muna kayo ng mga wagas na Pinoy banat.

 

  1. "AKO: Tae ka ba? SIYA: Bakit? AKO: Pwede ba kitang ilabas mamaya?."
  2. "Kung bike tayo, handa akong mabangga…Wag lang tayo mag-break."
  3. "Pakicheck mo yung relo mo. Baka oras na para maging tayo."
  4. "Sa lahat ng blessings ko, Ikaw lang ang ayoko i-share."
  5. "Gusto ko ang kama ko, pero mas gusto ko kung nasa kama mo ako."
  6. "Pera ka ba? Kasi andami kong pwede magawa pag kasama kita."
  7. "Sinaing ka ba? Kasi,hindi kita kayang pabayaan eh."
  8. "Buwan ka ba? Kasi pagdating ng araw iiwan mo rin ako."
  9. "Diretso pala talaga daan sa puso mo noh? Kase di na ko nangaliwa."
  10. "Ayoko ng magdididikit sa pintuan!! Sawang sawa na akong tawaging Boy-Next-Door."
  11. "Sampung mga daliri, nawala ang lima. Hinanap ko, hinanap ko. Hawak mo pala."
  12. “Kutsara ka ba? Habang lumalapit ka kasi, Napapanganga ako eh.”
  13. “Sa ‘yo ba napupunta yung nadededuct sa sweldo ko every payday? Nakalagay kasi sa payslip ko, PAG-IBIG!”
  14. “Itutuwid ko ang daan mo, para dumeretso ka sa puso ko.”
  15. “Ang mata ko parang DSLR, kapag nakikita kasi kita, blurred na yung iba.”
  16. “Toothpaste ka ba? Kasi sa tuwing kinoCLOSE UP, Ang UNIQUE mong smile Nagiging HAPEE ako eh.”
  17. “Pwede ba kitang titigan? Sabi kasi ng nanay ko, magfocus daw ako sa pangarap ko eh.”
  18. "Sana makakalipad tayong dalawa , para LOVE IS IN THE AIR."
  19. "Alahas ka ba ? kasi HIKAW lang ang gusto ko."
  20. “Bahay Ampunan ka ba ? Kasi gusto kitang bigyan ng BATA."
  21. "Hindi naman ako allergic sayo, pero bakit pag lumalapit ka sakin namumula ako ?"
  22. “Ang pag-ibig ko sa ‘yo ay parang ulan, maaari mong iwasan pero di mo kayang pigilan.”
  23. ”Kung pulis ka, Gusto ko snatcher ako para lagi mo akong hinahabol.”
  24. “Kailangan mo ng GWAPO? Di ako yan! Kailangan mo ng magmamahal sayo ng tunay? AKO YAN!”
  25. ”Eh ano kung MATABA ka ? I love you just the WEIGH you are."
  26. “Hindi naman ako MANGHUHULA pero pagnakikita kita, Nakikita ko ang FUTURE ko.”
  27. “Kung sa tingin mo PINAGLALARUAN kita. Sige try mong pumasok sa PUSO ko kung may KALARO ka.”
  28. ”Siguro teacher ka, kasi tinuruan mo ang puso kong umibig muli.”
  29. “PAA ka ba? Hindi ka lang kasi mukhang PAA, PAAsa ka pa!”
  30. "Microwave ka ba? Kasi wala pang isang minuto nag-iinit na ko sayo."’
  31. “Tubig ka ba? Kasi ikaw ang pinakamalaking parte ng mundo ko eh.”
  32. “Kailangan ko nang i-upgrade yung memory ko…nauubos na kasi kaiisip sa ‘yo.”
  33. “Alam mo kung gaano kita kamahal? Konti lang….konti na lang lagpas na sa langit.”
  34. “Pikit ka!!! Pikit ka dali!!! Yan ang mundo ko pag wala ka.”
  35. “Kung ikaw ang langgam ng buhay ko…hindi ako magsasawa na ibigay ang lahat ng tamis na hinahanap mo.”
  36. “Hindi ka naman PERA. Pero bakit naghihirap ako ‘pag wala ka.”
  37. “Lakas ng ulan! Pero wala parin yan sa lakas ng dating mo.”
  38. ”Masasabi mo bang PANGIT ako…kung IKAW ang KATABI ko.”
  39. “Para kang TESTPAPER…nauubos oras ko kakatitig sayo..ayan tuloy..babagsak na ata ako sayo.”
  40. ”TOYO KA BA? Kasi yung pag-ibig ko i dedicate TOYO lang eh.”

 

oOo

“Masakit isipin na sa buhay mo laging siya ang BIDA, Pero sa buhay niya, isa ka lang dakilang EXTRA.”

One thought on “Pinoy Banat 9 (Cheesy Punchlines)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.