Gunggong!

My golly! Hindi ko akalain na until now at hanggang sa FACEBOOK ay may nagpapakalat pa rin ng mga ganitong klaseng kabobohan! *%$#@!!!!

Pagkaalam ko, matagal ng naLAOS ang mga ganitong pa-eklat, pa-uso noon sa email at sa text! Pukingina! Nagulat ako at may natitira pa palang mga GUNGGONG hanggang sa ngayon! Sadyang may mga tao yatang nabiyayaan nga ng utak pero di naman pinapagana ng maayos! Obyus mga BUGOK lang ang gumagawa ng ganito! Pero eto ang mas hindi kapata-patawad — ang taong PUMATOL at NAGPAGAMIT para IKALAT kahunghangan ng ibang tao!

May IQ nga ba ang mokong na ‘to? At kung meron man, malamang one-digit lang o below sea-level ang IQ para mag-effort pang ipasa!

Mapagpasensya akong dyosa tao. Pero kanina nabwisit talaga ako dito sa nagmessage sa akin sa FB ko. Hindi ko kilala ang gunggong na ‘to pero naka-add sa akin. Isa lang ang masisiguro ko, hindi ako ang nagrequest para ma-add sya sa listahan ko. Nga pala, walang pic ang avatar ng tinutukoy ko dito kasi naka-block na sa akin ngayon.

Aminin ko, uminit ulo ko! Bukod sa walang kabuluhan ang mensahe, nahirapan pa akong basahin at intindihin ang pagka-type!

Wala rin siguro ako magawa kanina kaya pinatulan ko na. Alam kong pwede ko naman sana sya pagsabihan na lang sa pagka-irita ko, pero pinili ko ang AYOKO! Gusto ko maramdaman nya ang pagka-bwisit ko.

Ang sabi, ipasa daw sa 20 katao. Dahil mamalasin daw pag hindi. Pwes! Ngayon pa lang mamalasin ko sya!

Siempre alam ko na ang pakiramdam pag nakakatanggap ng mga ganitong ka-lechehan at ayokong maka-purwesyo o mambuwisit pa sa ibang tao. Kaya ang naging resbak ko? 20 beses ko ibinalik sa nagpasa sa akin ang ka-ULOLan nya! Leche sya!

 3-20-2012 8-22-29 PM

Marami at mahaba yan. Sinipagan ko talaga ang pag-copy paste. Flooding na kung flooding! Basta ibinalik ko lang sa kanya ang pagka-bwisit ko. Chura lang ng babaeng nire-regla sa init ng ulo ko!

Heniweys, medyo na-bwisit nga yata kasi napansin ko na nag-offline bigla ang mokong habang nagpa-flood ako. Hahaha!

Sched ko today ang magpa-Ventosa kaya nag-logout muna ako.

Pagbalik ko, pucha! Nakuha pang mag-message sa akin! Amp! #%$^&*@!

3-20-2012 8-25-00 PM

Ay! Tinuturuan pa ako ng ayuf! Ah ganun! Huy! Hindi porke’t ipinasa lang sayo eh ipapasa mo rin sa iba.

Mas lalo akong binubwisit ha!

Kaya mas lalong kampanteng itinuloy ko ang pagpa-flood. 😛

3-20-2012 8-26-28 PM

*ganito

Ayun! Sabay BLOCKED ko na agad! Hihi!

Bago ko nga pala ibinasura ang mokong na ‘to, sinilip ko ang profile. Tragis! Nag-aaral daw sya sa Ateneo De Manila! Ateneo? Ateneo De Manila My Ass!!!

Aruuuu! Walang duda sa Jejemon University ‘to nag aaral!

Well, sa mga mahihilig ng chain-chain kashitan na yan! Pleaaseeeeee! Wag nyo ko padadalhan! Kung nabubwisit ako sa mga apps invite ek-ek ng mga online games sa FB, mas lalo naman ayoko ng mga ganyang chain mails/messages chuchu na yan.

Current mood: INIS Veneracion

 

oOo

“Hindi ako MARGIN, na laging mag a-ADJUST sa katarantaduhan mo.”

9 thoughts on “Gunggong!

  1. nako madami nyan sa mga comments, mga spammers at kung anu anung virus ang nag aactivate para makapag spam ng hinde alam ng owener ng acct. pero sayo talagang nag message pa ha. ang sipag,

    ayuko nyan. nauso yan ata nung high school ako. kapag wala akong load ayuko makatanggap nyan kc hinde ko mamura yung nagpadala hehe..

    relaks mamaru.

    • @Tripolkey: Hindi man lang yata binasa kung ano ang naka-type dun sa ipinapasa nya. Dun ako nabu-bwisit din eh. Ok sana kung para sa kawang-gawa o may kabuluhan ang kinakampanya. Kaso kaengotan na nga–ipapasa pa! Kuuuu!

  2. kawawa naman ang gunggong, este taong yun. di na sya makakatulog sa takot kasi 20 times mong binalik sa kanya yung message. kailangan na nya uling magpasa ng 400 times. hahaha!

    • @Apollo: LOL! At kinumpyut mo talaga ha! Sana nga ay manginig sya sa takot at baka malasin sya pag di nya ulit ipinasa ang kagunggungan na yan.

  3. Hi Maru!

    He, he. Ang galing ng rest back mo! Pang ‘long live’ and ‘viva’ maruism talaga. In the words of Bob Dylan, ‘Oh when will they ever learn!’ Kakainis talaga ang mga chain letters na yan. And I could not have said it any better – your retort I mean. Pati tuloy si BB Gandanghari e tuluyan ng duduguin at rereglahin pag nabasa yan!

    Good to see the Maru trademark once again. Dapat siguro ang motto ng Mokong na yon e, “Better not to light any candle at all, so that I can remain in darkness forever!” Ha, ha!

    Ding

    • Uy Sir Ding, nice to see ur name again. Kaw ha, napapa-comment ka lang pag nagga-Gabriela Silang ang beauty ko sa post. Hehe! Hope u are doing fine, sir.

Leave a Reply to Ding Vega Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.