Tribute To Parents Kembular

Status update ko itey sa Fezbuk last Thursday, March 22, 2012

3-26-2012 3-08-37 PM

So, at 1pm, GO na ang young, fresh and delicious na mudrax sa skulalu ng doter para umatend ng Tribute To Parents kembular.

Wag malokah kung naka-shorts at tsinelas lang ang madir. Sabi ni doter OK lang daw, kasi waley naman nakalagay sa invitation na may dress code na dapat sundin. Tsaka Summer na gayud noh! Ka-init na sa panahon! Pesteng-yawa gayud!!

Tangkad ko! Shet!

 Me and Ziah

As usual, dalawa ang Gate Pass ko. Pang-Mr and Mrs Chuvachuchu bagah.

Well, what’s new? Eh since Kindergarten days pa ng mga kiddos ko, lagi naman akong uma-attend sa mga school activities at graduation nila ng MAG-ISA lang talaga.

empty monoblock

As expected, naka-nganga lagi ang upuan sa tabi ko. As in bakante.

Haays, kelan kaya masasagot ang FILL-IN THE BLANK na itey sa buhay ko? Asapako! Lol!

Letter/Rose

Hindi ‘to ang pers taym na umatend ako ng ganitong kaganapan sa school nila bago mag-Graduation Day. Aktwali alam ko na may “pa-iyakan portion” sa dulo ng program. Alam ko na laging may inaabot ang anak sa magulang bago magsi-uwian.

Before leaving the venue, Ziah handed me a rose and a letter. Sweet!

Share ko sa inyo, an excerpt of my daughter’s letter:

“All that I am, or hope to be, I owe to my angel MOTHER.” – A quote from Abraham Lincoln that struck me.

Ma, thank you for putting up with me all the time. I am entirely grateful to God because He gave me an amazing mother. (Sa mga hindi nakakaalam, isa po akong Fil-Am. Half Filipina, Half Amazing! Chos!)

I know raising me up is not easy. I can be really stubborn at times. I commit mistakes, but you are always there to correct me. You molded me to become the person who I am now. I will graduate in High School in a few days because of you. I would’ve never made it without an inspiration. You helped me to be where I am and wanted to be. For all those times when you wake up really early just to help me prepare for school, thank you very much.

And for all the rest, for everything, thank you. I love you very much, Ma.

Siempre, teary-eyed ang madir. Kakahiya naman kung wala akong maramdaman di ba? So, pinatulo ko ang luha sa may right eye lang. Prinaktis ko na yan. Ako feh!

Keziah

Last Thursday, ay last day rin ng unica hija ko na naka-school uniform. So, pina-pose ko siya saglit para kodakan.

Palabas at pauwi na kami, nang biglang naging nostalgic naman ang Mamaru sa mga nadaanan na tanawin sa loob ng campus. Can’t help eh. Tsarots!

LSA Football Field

Sino ba naman ang hindi?

Dito sa lumang court na ‘to unang natuto maglaro ng basketall ang unico hijo kong si Kevin noong elementary.

Sa may di kalayuan, diyan sa football field naman na yan nag umpisa din ang interest ni Kevin sa larong Frisbee na hanggang ngayon ay kinakarir pa rin nya ang paglalaro. Dumadayo pa nga sa kung saan-saan na tournament. Naging Frisbee Team Captain sya noong High School.

La Salle Academy

Dito naman sa upper floor ng building na ‘to matatagpuan ang school chapel. Dito ko una nakita si Kevin noon na nag-speech, kusang nagpabinyag ng SOLO para maging Katoliko. Napanganga ang madir! Gulat ko, eh pinabinyagan ko naman sya noong baby pa sha. Paulit-ulit?

Sa chapel din na yan, diyan ko sinusundo si Kevin/Keziah tuwing natatapos ang Recollection chenes nila noon.

Higit sa lahat, mami-miss ko ng todomax ang Cashier’s Office na nasa ground floor lang ng same building!!!!

Jusko! Paano hindi ko mami-miss ang Cashier’s Office eh SUKI ako sa pagbibigay ng Promissory Note sa kahera tuwing bayaran na ng school fees. Hehe!

Mami-miss ko rin siempre ang School Comptroller na ang bait-bait tuwing humihingi ako ang Promissory Note. Hehe ulit!

La Salle Academy

Bago ko ma-forget, gusto ko rin banggitin ang pasasalamat ko sa mga La Salle bothers lalo na kay Brother Rey na sobrang naging close sa binata ko. Ang laki ng utang na loob ko sa mga brothers at sa mga naging teachers ng mga anak ko sa school na ‘to.

Mamatay na ang sinungaling pero hindi madali ang maging Single Mom.

Pero dahil sa maayos pagga-guide ng mga teachers at ng school admin sa mga junakis ko, nakatulong talaga ng malaki sa akin. Kumbaga, parang sila ang naging katuwang ko sa pagiging Single Mom ko since Day One ni Kevin sa Kindergarten hanggang sa nakapagtapos nga ang dalawa kong anak ng High School. Maganda ang influence ng school sa kids ko.

Maniwala ba kayong nagsisimba ang mga anak ko tuwing Linggo at ako ay hindi?

Yup! Mas practicing catholic ang mga anak ko kesa sa akin. 😛

 La Salle Academy

Howel, wa na ko sey pa.

Animo La Salle! Tenkyu!

 

oOo

motherhood

#TypicalTeleserye

Bago nag-trend noon ang #SignsYourSonMightBeGay sa Twitter, naging trending topic din ang tungkol sa mga eksena ng isang #typicalteleserye. Naaliw ako sa kababasa.

Bilang isang jologs na Stay-At-Home-Mom, nakagawian ko rin ang manood ng teleserye gabi-gabi pag weekdays. Yun nga lang, di ako nanonood sa ibang channel at solid Kapamilya lang talaga ang Mamaru. Eh kasi di hamak na mas magaganda naman yata ang mga teleserye ng ABS-CBN sa primetime kumpara sa iba. At mas sikat ang mga artista nila, di ba? 😛

Kung gusto nyo komontra sa sinabi ko, pwes ipa-blotter nyo na lang ako kung gusto nyo kasi di ko babawiin ang sinabi ko. Hehe!

maging sino ka man (2006)Heniweys, eto daw ang mga tipikal na eksena ng mga teleserye dito sa Pinas. Kalurkey!

  1. Mahirap pero kutis mayaman.
  2. Batang pulubi pero malusog at mataba.
  3. Nagkaka- heart attack si Senyor o si Senyora.
  4. Kapag BROKEN HEARTED ang BIDA. Magda-drive habang umiiyak tapos mababangga sa malaking trak pero mabubuhay pa din!
  5. Laging huli ang pagresponde ang mga pulis.
  6. Si Congressman, Mayor or Gobernador ay masamang tao.
  7. PANGIT na BABAE na nagkagusto sa isang GWAPO na LALAKI, tapos biglang GAGANDA. Magic!
  8. May bading na bestfriend.
  9. Pag dumuduwal sa lababo buntis. Pag may dugo mamamatay.
  10. Pag may naaksidente, tiyak magkaka-amnesia.
  11. Pag may sumpa sa bida, laging yung ka-loveteam ang makakapagpagaling!
  12. Mayaman pero daig pa naputulan ng kuryente sa dilim ng bahay.
  13. Naging mayaman lang kahit nasa bahay naka make-up at mega outfit pa!
  14. Iiyak sa shower after ng rape scene tas unti-unting mapapaluhod at sabay sabi ng linyang "Ang dumi-dumi ko!"
  15. Ang mga goons pag may hinahanap na TAO (oo, tao!) sa bahay, hahalughugin pati drawers, itutumba ang mesa, pati mattress babaliktarin.
  16. May mahabang commercial bago ang last part na aabutin lang ng 5mins para matapos.
  17. Kapag need ng bida ng blood transfusion, sa kalabang pamilya lang makakakita ng match na dugo.
  18. Nasa hospital, tapos paglabas ng Doctor, susugod sa kanya ang pamilya para tanungin ng "Doc, ok lang po ba ang anak ko?"
  19. Ang mayayaman, laging nakapang-PARTY, kahit nasa BAHAY lang. Kung makapag ALAHAS, akala mo Christmas tree.
  20. Pag may problema yung bida magkukulong sa kwarto. Tas hahatidan ng pagkain ni yaya or nanay. Pero walang ganang kumain.
  21. Pag kontrabida kulot! Pag bida straight lang ang hair.
  22. Aakayin yung naghihingalong artista, tititigan lang. Pag napikit, sisigaw. E kung tumawag na lang kaya ng ambulansya?
  23. Lalaki si Piolo Pascual.
  24. Pag mayayaman kailangan may illegal na ginagawa.
  25. Mag-aaway si Girl at Guy, sa sobrang inis ni Guy, hahalikan niya si Girl.
  26. Pag mag ex na ang mga bida, hindi nawawala ang linyang "Mahal na mahal pa rin kita"
  27. Da best talaga to, madudulas si bida, sasaluhin ni leading man at slow motion pa. Tas may background music.
  28. Sasabog ang sasakyan ni bida, aakalain patay na. Yun pala buhay pa. Sasabihin nakatakas bago sumabog.
  29. May kikidnapin tapos ang kapalit pera. Tapos sasabihin ng kidnapers na wag magsumbong sa pulis kundi papatayin ang bihag.
  30. Hindi sabay sabay binubugbog ng mga goons yung bida. Hintayan sila.
  31. Masasagasaan na nga. Di pa iiwas. Sisigaw lang.
  32. Mamamatay na lang, dami pang satsat!!
  33. Kasalan lagi ang ending. Yung kontrabida kundi bumabait eh nababaliw. At laging may nawawalan ng anak.
  34. Pag may nakidnap, tatawagan si General.
  35. Hindi nag-e-english si Marian Rivera. Laging tagalog lang ginagamit kahit mayaman na ang role niya.
  36. Umiiyak habang nag i-slide ang likod sa dingding or pintuan.
  37. Kapag naaksidente, sa hospital na ang gising at laging may flag ng JAPAN sa ulo.
  38. Ang mga babaeng kontrabida, mala-demonya kung tumawa. Pag lalaki ang kontrabida, it’s either sanggano o hayok sa laman.
  39. Kapag may kikidnapin, laging 15million pataas ang hinihinging ransom.
  40. Kapag mayaman, laging "hindi bibigyan ng mana" ang panakot.
  41. Ang mga katulong ay mas maganda, maalindog at mas makatas pa sa mga amo! Na kahit pagod sa maghapong work, beauty pa rin!
  42. Pinapatay halos lahat ng characters! Kahit na nasampal lang ng kaaway, dapat bukas, patayin o ipapatay na s’ya!
  43. Marami kuno pagkain sa lamesa pero hindi naman kinakain. Daldal lang ng daldal! Diet lang?
  44. Si Madam’ inatake na. Pero di pa yan mamamtay kasi wala na ibang kontrabida.
  45. Laging may tsismosang katulong na magsusumbong sa bidang inaapi!
  46. Lahat ng masama ginagawa ng kontrabida alak, drugs, yosi, sugal habang naka suot ng jacket kahit mainit.
  47. Kelangan baduy manamit ang mga mahihirap na bida. Pahabaan ng saya ito!
  48. Sa Amerika madalas pumunta ang bida/kontrabida.
  49. Orange juice palagi ang binibigay sa bisita.
  50. Pilot episode: Lahat ng bida, bata pa na naglalaro sa umaga. Pagdating ng gabi, masusunog bahay nila.
  51. Kontrabida si step bro, step sis, step dad, step mom.
  52. Laging matataba ang mga pulis at antukin ang mga gwardya.
  53. Barilan scene: KALABAN 100 putok walang tinamaan, BIDA, 1 putok lima patay.
  54. Mag i-slow motion tapos PALATASTAS na.
  55. Ang finale ay kidnapping scene sa abandonadong lugar. At least isa sa mahalagang karakter ang mamamatay.

Dami ko tawa sa number 9, 14 at 37.

 

oOo

Ang love parang pagsakay sa JEEP, hindi lahat nasusuklian kaya wag kang magbigay ng BUO.

Monday Humor 03.26.12

** Courtesy of Mike

i love u more NO SEX IN SPANISH:
LALAKI: "Te gusta sex mi amor?" (gusto mo ng sex mahal?)
BABAE: "No quieres mi amor." (ayaw ko mahal)
LALAKE: "Porque te regla no pwede casta?" (di pwede may mens?)

QUESTION: Why is sex recommended by doctors for women?
ANSWER: Because it has meat and two eggs that will keep the body healthy and strong plus condensed milk to prevent osteoporosis.

Porke nanood ng PORN, MALIBOG na?
Di ba pwedeng nag-aappreciate ng ART muna?

First day, guy sitting with a girl
Second day with another girl
Third day with a different girl
MORAL: Women change but Men Never Change.

Making love means:
1. putting the lights off
2. shaking the bed
3. going to cr to wash
4. whispering sweet nothings
5. raising the temperature
6. body as one
7. twisting the arms and legs
8. having convulsions
9. moaning & panting
10. sweating it out

Woman asks God to make the Penis look pretty. God said, "No way! As it is now, the penis is so ugly and you still suck it. If I make it pretty, you’ll eat it up!"

QUOTE OF THE DAY:
Marriage is a "WORKSHOP."
The husband
WORKS
and
the wife
SHOPS!

Minsan sa hirap ng buhay mapapasabi ka na lang ng..
"Hay buhay!"
Sa mga ganitong sitwasyon, dapat para kang kwan ng lalaki…
kelangan mong maging matigas para may marating kang maganda.

Reverse Psychology
JUAN: "Pedro pautang naman ng 2 Red Horse
PEDRO: "Wala na eh
JUAN: "Sayang naman ung isang bilaong pancit at crispy pata sa bahay.
PEDRO:" Naku naman di mo agad sinabi (sabay labas ng 2 Red Horse) kilala mo naman ako "pag sinabi kong wala.. meron"

-pagdating sa haus ni Juan-

PEDRO: "Juan asan na ung isang bilaong pansit at crispy pata mo?"
JUAN: "Naku naman Pedro kilala moko eh "Pag sinabi kong meron.. Wala."

ANAK: "Nay, buntis po aku."
NANAY: "Walang hiya ka. Pagkatapos kang bigyan ng maayos na buhay kahit hirap na kmi ng tatay mo, yan pa igaganti mo? Lumayas ka!"
ANAK: "Si Pacquiao po ang ama."
NANAY: "Aww. Joke lang anak. Pacheck-up tayo bukas ha? Samahan kita. Love you anak."

BADING: "Hi pogi crush kita… i love you."
POGI: "Ah ok."
BADING: "Wow you mean papatol kana sa tulad kong isang BADING?
Pogi: oo naman SUNTUKAN!"

BOY: "Gusto ko ikaw ang pinakamahirap na subject."
GIRL: "Bakit naman?"
BOY: "Para sayo lang ako babagsak!"

Vice Ganda maliligo sa POOL:
GUARD: "Mam maliligo ho kayo?"
VICE: "Ay hindi! maghihilamos lang ako sa pool. kakaloka!"
VICE: "Magkano kuya?"
GUARD: "Ang entrance po?"
VICE: "Ay hindi! ang exit. Di ba papasok palang ako! walang utak!"
GUARD: "Ako?"
VICE: "Hindi! yung pool!"

Always keep your wife’s picture as mobile screen-saver..
whenever you face a problem, look at the picture and say..
"If I can handle her, I can handle anything!"

Beauty Contest
QUESTION TO CANDIDATE NUMBER 1: "What can you say about the demoralization of our nation towards globalization?"
CANDIDATE NUMBER 1: "Thank you for that very beautiful and mind blowing question, and for that…….
I consider myself 4th runner-up. Thank you!"

PEDRO:"Balita ko, marami ka daw chicks!"
JUAN:"Oo, sampu lahat pero iisa lang ang mukha!"
PEDRO:"Puwede ba yun?"
JUAN:"Oo, lahat sila MUKHANG PERA!"

oOo

"Hindi baleng konti ang KAIBIGAN mo , ang mahalaga NANLILIBRE sila."