#TypicalTeleserye

Bago nag-trend noon ang #SignsYourSonMightBeGay sa Twitter, naging trending topic din ang tungkol sa mga eksena ng isang #typicalteleserye. Naaliw ako sa kababasa.

Bilang isang jologs na Stay-At-Home-Mom, nakagawian ko rin ang manood ng teleserye gabi-gabi pag weekdays. Yun nga lang, di ako nanonood sa ibang channel at solid Kapamilya lang talaga ang Mamaru. Eh kasi di hamak na mas magaganda naman yata ang mga teleserye ng ABS-CBN sa primetime kumpara sa iba. At mas sikat ang mga artista nila, di ba? 😛

Kung gusto nyo komontra sa sinabi ko, pwes ipa-blotter nyo na lang ako kung gusto nyo kasi di ko babawiin ang sinabi ko. Hehe!

maging sino ka man (2006)Heniweys, eto daw ang mga tipikal na eksena ng mga teleserye dito sa Pinas. Kalurkey!

  1. Mahirap pero kutis mayaman.
  2. Batang pulubi pero malusog at mataba.
  3. Nagkaka- heart attack si Senyor o si Senyora.
  4. Kapag BROKEN HEARTED ang BIDA. Magda-drive habang umiiyak tapos mababangga sa malaking trak pero mabubuhay pa din!
  5. Laging huli ang pagresponde ang mga pulis.
  6. Si Congressman, Mayor or Gobernador ay masamang tao.
  7. PANGIT na BABAE na nagkagusto sa isang GWAPO na LALAKI, tapos biglang GAGANDA. Magic!
  8. May bading na bestfriend.
  9. Pag dumuduwal sa lababo buntis. Pag may dugo mamamatay.
  10. Pag may naaksidente, tiyak magkaka-amnesia.
  11. Pag may sumpa sa bida, laging yung ka-loveteam ang makakapagpagaling!
  12. Mayaman pero daig pa naputulan ng kuryente sa dilim ng bahay.
  13. Naging mayaman lang kahit nasa bahay naka make-up at mega outfit pa!
  14. Iiyak sa shower after ng rape scene tas unti-unting mapapaluhod at sabay sabi ng linyang "Ang dumi-dumi ko!"
  15. Ang mga goons pag may hinahanap na TAO (oo, tao!) sa bahay, hahalughugin pati drawers, itutumba ang mesa, pati mattress babaliktarin.
  16. May mahabang commercial bago ang last part na aabutin lang ng 5mins para matapos.
  17. Kapag need ng bida ng blood transfusion, sa kalabang pamilya lang makakakita ng match na dugo.
  18. Nasa hospital, tapos paglabas ng Doctor, susugod sa kanya ang pamilya para tanungin ng "Doc, ok lang po ba ang anak ko?"
  19. Ang mayayaman, laging nakapang-PARTY, kahit nasa BAHAY lang. Kung makapag ALAHAS, akala mo Christmas tree.
  20. Pag may problema yung bida magkukulong sa kwarto. Tas hahatidan ng pagkain ni yaya or nanay. Pero walang ganang kumain.
  21. Pag kontrabida kulot! Pag bida straight lang ang hair.
  22. Aakayin yung naghihingalong artista, tititigan lang. Pag napikit, sisigaw. E kung tumawag na lang kaya ng ambulansya?
  23. Lalaki si Piolo Pascual.
  24. Pag mayayaman kailangan may illegal na ginagawa.
  25. Mag-aaway si Girl at Guy, sa sobrang inis ni Guy, hahalikan niya si Girl.
  26. Pag mag ex na ang mga bida, hindi nawawala ang linyang "Mahal na mahal pa rin kita"
  27. Da best talaga to, madudulas si bida, sasaluhin ni leading man at slow motion pa. Tas may background music.
  28. Sasabog ang sasakyan ni bida, aakalain patay na. Yun pala buhay pa. Sasabihin nakatakas bago sumabog.
  29. May kikidnapin tapos ang kapalit pera. Tapos sasabihin ng kidnapers na wag magsumbong sa pulis kundi papatayin ang bihag.
  30. Hindi sabay sabay binubugbog ng mga goons yung bida. Hintayan sila.
  31. Masasagasaan na nga. Di pa iiwas. Sisigaw lang.
  32. Mamamatay na lang, dami pang satsat!!
  33. Kasalan lagi ang ending. Yung kontrabida kundi bumabait eh nababaliw. At laging may nawawalan ng anak.
  34. Pag may nakidnap, tatawagan si General.
  35. Hindi nag-e-english si Marian Rivera. Laging tagalog lang ginagamit kahit mayaman na ang role niya.
  36. Umiiyak habang nag i-slide ang likod sa dingding or pintuan.
  37. Kapag naaksidente, sa hospital na ang gising at laging may flag ng JAPAN sa ulo.
  38. Ang mga babaeng kontrabida, mala-demonya kung tumawa. Pag lalaki ang kontrabida, it’s either sanggano o hayok sa laman.
  39. Kapag may kikidnapin, laging 15million pataas ang hinihinging ransom.
  40. Kapag mayaman, laging "hindi bibigyan ng mana" ang panakot.
  41. Ang mga katulong ay mas maganda, maalindog at mas makatas pa sa mga amo! Na kahit pagod sa maghapong work, beauty pa rin!
  42. Pinapatay halos lahat ng characters! Kahit na nasampal lang ng kaaway, dapat bukas, patayin o ipapatay na s’ya!
  43. Marami kuno pagkain sa lamesa pero hindi naman kinakain. Daldal lang ng daldal! Diet lang?
  44. Si Madam’ inatake na. Pero di pa yan mamamtay kasi wala na ibang kontrabida.
  45. Laging may tsismosang katulong na magsusumbong sa bidang inaapi!
  46. Lahat ng masama ginagawa ng kontrabida alak, drugs, yosi, sugal habang naka suot ng jacket kahit mainit.
  47. Kelangan baduy manamit ang mga mahihirap na bida. Pahabaan ng saya ito!
  48. Sa Amerika madalas pumunta ang bida/kontrabida.
  49. Orange juice palagi ang binibigay sa bisita.
  50. Pilot episode: Lahat ng bida, bata pa na naglalaro sa umaga. Pagdating ng gabi, masusunog bahay nila.
  51. Kontrabida si step bro, step sis, step dad, step mom.
  52. Laging matataba ang mga pulis at antukin ang mga gwardya.
  53. Barilan scene: KALABAN 100 putok walang tinamaan, BIDA, 1 putok lima patay.
  54. Mag i-slow motion tapos PALATASTAS na.
  55. Ang finale ay kidnapping scene sa abandonadong lugar. At least isa sa mahalagang karakter ang mamamatay.

Dami ko tawa sa number 9, 14 at 37.

 

oOo

Ang love parang pagsakay sa JEEP, hindi lahat nasusuklian kaya wag kang magbigay ng BUO.

4 thoughts on “#TypicalTeleserye

  1. Kumareng maru..I am a certified kapamilya ako…and a big fan also sa mga teleserye…tulo luha,sipon at laway ko (lalo na mga yummy na mga fafa ko sa teleserye) habang nood ng teleserye…for me yong Pangako Sa’yo ako na baliw masyado (till now baliw pa japon)…now walang hanggan although ayaw nako ang pouty lips ni Julia…mura man ug dli na mo hiyos cge lang pout..lol but c Daniel..agoy mata pa lang gani ang mo lihok gilok na..lol

  2. Tama ka. Kairita ang tsura ni Julia Montes. Parang laging kunsumido sa buhay…pasan lagi ang buong mundo. Isa pa yan si Melissa Ricks, mas malapad pa mukha niya kesa kay Coco.

    O ha! Sino may sabing pintasera ako? Lol!

    I adore Dawn Zulueta’s beauty. So classy. Kung maambunan man lang sana ako ng ganda at yaman ni Senyora, eh siguro tatanggapin ko. (Choosy?) Gusto ko talaga maging Guidote!

    Pag nanonood ako ng Walang Hanggan, di na ako nagpapanty kasi lagi lang nalalaglag pag nakikita ko si Coco Martin. Haha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.